Ranz
"Ranz tara na, baka maiwan tayo ng eroplano" nilingon ko naman si Tyler at umalis na
HINDI ko na binalikan ng tingin yung babaeng kamukha ni Ivory, napailing na lang ako habang naglalakad.
32 hours ang byahe papunta sa US, sobrang haba noon at talagang nakakangalay sa eroplano. Magkatabi kami ni Tyler at nasa tapat na seat naman namin si Shane, hindi pa dumadating yung katabi nya. Niloloko pa sya ni Tyler, sinasabing ang makakatabi daw ni Shane ay pangit at manyak.
Hanggang dito ba naman sa eroplano ang iingay, pinagtitinginan tuloy kami ng ibang mga pasahero.
Kinuha ko sa bag ang airpods ko at nakinig ng music sa ipod, ipipikit ko na sana ang mata ko ng kinulbit naman ako ni Tyler, tiningnan ko lang sya at sinenyas na tanggalin ko ang airpods.
"Why bro? May problema ba?" namumutla sya baka naman nahihilo lang
"Nahihilo ka ba? Let me know." hindi sya sumagot at tumingin lang sya sa gawi ni Shane.
Tumingin naman ako at si Shane namumutla din, ano bang problema ng mga to? Wala namang katabi si Shane ah?
Maya maya ay dumating at umupo sa tabi ni Shane.
"Bro! Kamukha ni Ivory!" nagulat din ako dahil akala ko hindi namin sya makikita
Akala ko lang pala yun
"Alam mo bro, nakita ko na sya" ramdam kong hindi pa maniwala si Tyler sakin
"Ay potek bro, bakit hindi mo sinabi sakin?"
"Kase minamatyagan ko pa at saka dalawang beses na kaming nagkabunggo nyan, una sa bar tapos kanina lang nung tinawag mo ko" lumalaki yung mata ni Tyler sa pagkukwento ko
"Kilala ka? Shit si Ivory ba yan akala ko patay na ang prinsesa"
"Sira, ang taray nga sa akin tapos sasabihin mong si Ivory? Baliw ka ba. Iniisip ko rin na baka kamukha lang sya ng Ivory, doppleganger ganun. Kasama nya nga si Vienna sa bar noon" lalo pang nagulat si Tyler sa akin.
Sinulyapan ko naman si Shane na printeng printe ang pagkakaupo na akala mo ay hindi na humihinga.
"Si Vienna? Tagal na natin syang hindi nakita, una yang dopple kuno ni Ivory ang makikita natin tapos ngayon malalaman ko na si Vienna makikita mo rin, woaaah! Ano bang nangyayari ngayon sa mundo" pagkasabi ni Tyler ng mahabang linya na yun ay umayos na sya ng upo. Bahagya pang nakakunot ang noo nya.
Naguguluhan siguro?
Dumaan ang isang araw, 8 hours na lang at malapit na kami sa US, wala naman kaming ibang napag-usapan ni Tyler bukod doon, nilibang na lang namin ang paglalaro sa phone at pakikinig ng music sa ipod. Kakain, tutulog at magkukwentuhan. Inggit na inggit naman si Shane samin ni Tyler dahil wala syang makausap sa row nya, ayaw nya ding titigan yung babae na katabi nya dahil namumutla pa. Lalo pa at hindi nya pa alam ang kwento sa babaeng yun.
Siguro maririndi na naman ako sa boses nyan mamaya pagkadating namin sa airport.
"Bwisit kayo!" pinagtawanan namin ni Tyler si Shane pagkababa ng airport.
Nandito na kami sa US, hinihintay lang namin sa labas yung susundo saming pinsan nina Daddy, kinuwento ko kay Shane lahat, at ganun na lang din ang reaksyon nya katulad ng kay Tyler. Salamat naman at nanahimik din, sakit kaya sa tainga ng ingay nya.
Mga isang oras din kaming nakarating sa bahay na tutuluyan namin, malapit lang sya sa school. Mga ilang metro lang ang layo sa bahay, pwedeng pwede lakarin. Ibinaba namin ang gamit sa sasakyan, tinulungan naman ni Tyler si Shane para kuhanin ang iba nyang gamit.
Maya maya ay may narinig kaming ingay na paparating, sa tingin ko ay isa itong ingay ng sasakyan.
"Wooohhhh, yeaaaah!" sigaw ng mga babaeng paparating, tumapat sila sa bahay katabi ng tutuluyan namin.
Apat sila at mukhang mga spoiled brat.
"Tss. Maganda ka pa sa kanila Shane" napalingon naman ako kay Tyler dahil sa sinabi nya kay Shane.
Namula naman ang pisngi nya. Bumalik ang tingin ko sa mga babaeng kararating lang. Ang iingay pa, mas malala pa pala ang mga ito kay Shane.
"Come on girls, we have to celebrate pa! Nandito na ulit ang ating sister" sabi ng isang kulot na babae, siguro ay nasa mga 5'6 ang taas nya.
"Oh my god Shea, we missed you" hindi ba pwedeng sa loob na lang sila mag ingay?
Shea? Parang narinig ko na somewhere yung pangalan na yun.
Kinuha ko sa loob ang natitirang maleta ni Shane, nagpaalam na rin si Tito Rick na uuwi na sya. May kotse sa garage namin at I know binili yun ni Mommy para sakin. Pwede namang lakarin na lang ang school.
Hihilahin ko na sana ang maleta ko ng marinig ko ang usapan nung mga babae.
"Oh guys look may new hot neighbors tayo! Gosh ang hot nung guy, actually maganda yung girl diba?" napatikhim naman ako.
Magbubulungan na nga lang pakinig ko pa.
"Excuse me? Pwede bang sa loob na kayo magusap usap? At kung pwede hinaan lang ang volume. Nakakarindi e" nagulat naman silang lahat sa sinabi ko.
Pero yung isang babae abala parin sa pagbababa ng gamit nya.
"Oh my god! Why so suplado? grr" sabi nung babae na singkit.
"Sino Trish?" napatingin naman ako sa babaeng nagsalita.
What the hell?
"HANGGANG DITO BA NAMAN SINUSUNDAN MO AKO?" sino pa? Sya lang naman yung babaeng kamukha ni Ivory. Siya na naman!
"Hindi kita sinusundan, wala akong panahon para sundan ka, sino ka ba?" nagtiim bagang akong pumasok sa loob ng bahay. Akala ko pa naman nasa likod ko sina Tyler at pinapanood kami, nakapasok na pala sila.
Hindi na ako magtataka, baka kamukha lang talaga ni Ivory yung malditang yun, hindi ganun ang ugali ng prinsesa. Malayo, sobrang layo. Kung lalaki lang yun baka nasapak ko na silang apat na malditang spoiled brats!
"Aba, napatol ka na pala sa babae bro?" asar ni Tyler
"Tangina mo!" umakyat na ako para ilapag sa kwarto ang gamit ko.
Ayos naman ang bahay, may kalakihan din sya, kasya pa nga dito ang apat na tao kung tutuusin. Kinuha ko ang cellphone ko at nagscroll sa social media. Nagtext din sina Mama at Papa, pati na din sina Calyx at Calvin.
Pero napukaw ng pansin ko ang Profile. She's wearing red swimsuit at nasa beach. Nakadapa sya sa buhangin.
SHEA DENISE?
So that is your name?
----
xx
BINABASA MO ANG
Bad Girl Boss [COMPLETED]
Teen FictionSantini Royal Empire is the world's famous empire in the history. Si King Harry Santini Sr. ay naluklok noong 19th century at ang kanyang henerasyon ay nagpatuloy sa ngayon. Nanunungkulan ang kanyang ika-3 henerasyon at hindi nabibigo ang mga tao sa...