Ranz
"Anong kailangan nating pag-usapan?"
NANDITO kami sa SHS field, marami kasing tao sa College Dept dahil lunch break. Nakaupo kami sa may ilalim ng puno. Fresh ang hangin dito kahit mainit sa field.
"Anak ka ba ng mga Hernandez?" tanong ko nakatungo parin sya, sinisipa sipa ang mga maliliit bato na nasa lupa.
"Actually, ampon lang ako. One year ago, nagising ako sa hospital. Wala akong maalala, puro sugat ang katawan ko. Car accident daw"
"Sure ka ba na yun talaga ang nangyari sayo?" tumingin sya sa akin, hindi ko naman mabasa ang emosyon na namumuo sa kanya.
"Hindi, hindi pa ako totally nakakarecover. Wala akong maalala, umiinom parin ako ng gamot at palagi paring sumasakit ang ulo ko" kinuha naman nya yung bote ng gamot sa bag nya.
Binasa ko iyon, kinuha ko ang phone ko at kinuhanan iyon ng litrato.
"Hindi mo ba gustong alamin kung anong nangyari sayo nung nakaraan?"
"Gusto. Pero hindi ko alam kung saan ko sisimulan. Sabi nga ng iba dapat lang daw ito sa akin dahil iniwan ako ng tunay kong mga magulang. Kaya nga sobrang sama ng ugali ko. Sobra sobra ang inggit na nararamdaman ko" nakaramdam naman ako ng konting awa sa kanya.
"May kamukha ka kasi" bigla naman syang tumingin muli sa akin. Nakakunot ang noo. "Prinsesa sya sa Kentwood, nakita kita doon sa bar nung una tayong magkita akala ko dala lang ng alak iyon at namalikmata. Kamukhang kamukha mo yung babaeng pinapangarap ko noon kaso iba ka pala, namatay sya dahil may nangyaring gulo sa school namin nung ipinakilala ng mahal na hari at reyna ang mga anak nya sa HSU"
"I'm so sorry to hear that" ngumit ako ng mapait.
"Siguro kung buhay lang sya, mapapagkamalan kayong kambal, may kapatid din kasi yung kambal parehas lalaki tapos--" hindi ko na naituloy ang sinasabi ko at..
"Aray! Ang sakit, s-sakit ng ulo ko aray!" napahawak sya sa ulo nya at pilit ding inaabot ang gamot sa bag. Inagaw ko iyon at hinanap ko yung gamot na pinakita nya sa akin pati ang tumbler nya.
"Mabuti pa ihatid na kita sa clinic, tara" pinigilan nya naman ako. Nakahawak parin sya sa ulo nya.
"Wag, huwag na. Ihatid mo na lang ako sa room ko sa Mass Comm Dept" tumango ako at sumunod sa kanya.
Pagkarating namin sa building nila, maraming nagtitinginan sa aking mga estudyante. Ngayon lang siguro nila ako nakita tapos kasama ko pa si Shea.
"Dito na lang salamat, sasama na lang ako sa inyo pauwi mamaya. Magkapit-bahay lang naman tayo, ituloy na lang natin ang pag-uusap later. Sige na" tumalikod sya sa akin at umalis na din ako.
Bumalik ako sa Medical Dept dahil may dalawa pa akong subject, may vulnerable side din pala si Shea. Naalala ko yung gamot na kinunan ko ng litrato, ngayon lang ako nakakita ng ganoong klase ng gamot.
BINABASA MO ANG
Bad Girl Boss [COMPLETED]
Ficção AdolescenteSantini Royal Empire is the world's famous empire in the history. Si King Harry Santini Sr. ay naluklok noong 19th century at ang kanyang henerasyon ay nagpatuloy sa ngayon. Nanunungkulan ang kanyang ika-3 henerasyon at hindi nabibigo ang mga tao sa...