Ivory
NANDITO kami ngayon sa likod ng stage sa auditorium, I wear a simple blue cocktail dress, nakaladlad lang ang buhok ko with silver accesories. I wear my tiara too. Handang handa na sina mommy na ipakilala kami sa Hammelton. And I'm not. Nakablue kaming lahat, pati si Ranz kasi sabi ni Principal Spenser may ibibigay daw samin kaya pati sya naka blue pants, white shirt and blue coat.
Kinakabahan ako, napakilala na naman ako nina mommy at daddy sa mga tao pero iba ang nararamdaman ko ngayon. Matagal kaming hindi nakita ng mga tao, matagal kaming itinago ng mga magulang namin.
Narinig ko ang ingay mula sa labas ng auditorium. Nandito na lahat ng estudyante ng Hammelton. Naramdaman kong umupo si Ranz sa tabi ko. I saw him smiling at me.
"Are you nervous?" tanong nya.
Hinawakan naman nya ang kamay ko.
"A little. Ang dami kasing pumapasok sa utak ko." bumuntong hininga ako at naramdaman kong hinigpitan ni Ranz ang pagkakahawak sa kamay ko.
"Wag kang kabahan. Nandito naman ako, kami para sayo" I gave him a smile saka tumungo.
Maya maya pa ay sinabi na ni Headmaster na magstart na daw ang program, hindi naman sya matagal at ayoko din na magtatagal ako sa stage. Nahihiya pa ako, hindi ko alam kung anong mangyayari sa mga sumusunod na araw. Lumapit naman sa akin ang mga kapatid ko and they tap my shoulder.
Halata sa mga mata nila na kinakabahan pero hindi nila pinahahalata yun. Masayang hindi na namin kailangang itago ang identity namin pero hindi ko talaga maiwasan na matakot at mangamba sa mga mangyayari pagkatapos nito.
Rinig ko ang maikling speech ni George at si Principal Spenser naman ang nagsalita. Marami syang sinasabi tungkol sa Royal Empire, na nakikita daw kami ng students pero hindi nila kami kilala bilang mga matataas na uri ng tao.
Sumilip ako ng konti at nakita kong nasa harapan lang ang mga kaibigan namin, pati si Vienna na hindi mapinta ang mukha at si Zac na walang pakialam sa nangyayari. Nagbago na talaga sya.
Maya maya pa ay tinawag na ni Principal si Prime Minister kasama si Mommy at Daddy. Nagwave naman sila at ngumiti sa amin bago sila lumabas mula sa red na curtain.
Nagpalakpakan ang mga estudyante sa labas, sumilip muli ako at nakita ko ang pagkamangha nila sa mga magulang ko. Nababasa ko sa mata ng ilan sa mga estudyante, mapababae man o mapalalaki na malaki ang pag-idolo at parang kumikislap ang mga mata nilang makita ang sina daddy.
"Good afternoon students of Hammelton State University, kilala nyo naman siguro ako diba? Marahil nagtataka kayo kung bakit nagpatawag kami ng biglaan. Nais naming ipakilala sa inyo, kasama ng Mahal na Hari at Reyna ng ating Emperyo ang kanilang butihing mga anak, na sa tingin ko ay kilala nyo na pero hindi nyo lang alam na nakakasalamuha at nadadaanan nyo lang sila sa loob ng 3 linggo na pamamalagi nyo dito sa eskuwelahan. Ibibigay ko na ang mikropono sa mahal na hari. King Harry kayo na po ang bahala" nagsimula na namang kumabog ang dibdib ko.
"Magandang hapon mga bata" sumagot naman ang mga estudyante at nagbow kay daddy
"Handa na ba kayong malaman kung sino ang aming mga anak?" nagsigawan naman ang mga tao sa labas at ramdam ko naman ang excitement sa bawat tinig na aking naririnig.
BINABASA MO ANG
Bad Girl Boss [COMPLETED]
Genç KurguSantini Royal Empire is the world's famous empire in the history. Si King Harry Santini Sr. ay naluklok noong 19th century at ang kanyang henerasyon ay nagpatuloy sa ngayon. Nanunungkulan ang kanyang ika-3 henerasyon at hindi nabibigo ang mga tao sa...