Shane
Ipinagpatuloy namin ni Tyler at Ranz ang pagpasok sa Vassar. Nakapagtapos ako ng Tourism at sila naman ay nagte-take na ng bar exams. Dito na din muna ako nagtrabaho dahil mas makakagaan daw ng loob kapag nakikita ako ni Tyler, minsan naman ay inaabot din ako ng ilang araw sa ibat ibang bansa dahil may lay over ang bawat byahe ng eroplano namin.
Minsan lang din kami magkita kita dahil kalimitan ay pagdadating ako ng umaga sa bahay ay nasa training naman sina Tyler. Tapos aalis ako sa gabi para magtrabaho.
Miss na miss ko na sya.
Matagal ko na syang sinagot 2nd year college kami noon, maraming naging problema sa relasyon namin. May mga babae akong pinagselosan noon at hindi ko napakinggan ang paliwanag nya kaya ganoon na lamang ang galit ko.
"Nakita ko kung paano sya tumingin sayo Ty, hindi ako bulag para hindi makita iyon! Nilalandi ka nya at napapalandi ka naman" nagulat naman sya sa isinigaw ko
"Ganyan ba ang tingin mo sa akin Francine? Na magpapalandi lang ako basta basta? Ganyan ba ako kababaw sayo?" halos mapanganga ako sa sinabi nya.
Sa galit ko noon ay hindi ko na malaman kung ano pang silbi ng sinasabi ko. Nakakahiya.
Umuwi ako noon sa Kentwood para magpahinga. Pero nagmakaawa sya na bumalik ako at nagsorry sya. Lahat ng problemang iyon ay nalampasan namin.
Hanggang sa nakapasa sila ni Ranz sa entrance exam. Masayang masaya kami noon, kaso hindi ako nakasama sa celebration nila dahil may trabaho ako. Nagmakaawa sya sa akin na mag absent muna ako pero hindi ko sya napagbigyan. Ang masaklap pa doon ay 2 days ang lay over namin sa susunod naming byahe.
Wala namang syang nagawa at pumayag na lang. Alam kong may tampo sya sa akin pero dahil sa pagpupursigi kong magtrabaho para maibili sya ng regalo ay mas pipiliin ko iyon at sa mga susunod na araw ay makabawi na ako.
Para din naman sa amin itong ginagawa ko at sana pagdating ng araw ay maintindihan niya.
Pag kaalis ko sa bahay, ni hindi man lang ako makatanggap ng text sa kanya, bumili ako ng gusto nyang kotse, sa online ko na lang pinadala ang pagbabayad at ipapa deliver ko sa tapat ng bahay sa US. Nagtext naman sa akin si Ranz na kailangan nyang umuwi ng Kentwood bago pa ako makarating sa bahay dahil may aasikasuhin daw siya.
Buti pa si Ranz, nagtext samantalang si Ty ay hindi.
Nasa byahe na kami pauwi sa US, excited na ako na makita si Tyler. Sana magustuhan nya ang regalo kong kotse na gustong gusto nyang makuha noon pa.
Nagmadali akong sumakay ng kotse ko pagkalapag pa lang ng eroplano sa airport. Its already 8 am at idedeliver na din daw ang sasakyan sa bahay.
Pagkarating ko doon ay nasa tapat na namin yung nagdeliver, may mga pina sign lang sya sa aking papers at binigay na yung car keys.
"Love! Tyler! I'm home" sigaw ko ng mabuksan ang pinto. Nagulat ako dahil magulo sa may sala pati na rin sa may kitchen.
Puro bote ng alak at balat ng chips.
Umakyat ako sa kwarto, siguro ay tulog pa siya. Bago ko pa mahawakan ang doorknob ay nagbukas na ito ng kusa at bumungad sa akin ang isang babaeng naka tuwalya lang at halatang bagong gising.
BINABASA MO ANG
Bad Girl Boss [COMPLETED]
Teen FictionSantini Royal Empire is the world's famous empire in the history. Si King Harry Santini Sr. ay naluklok noong 19th century at ang kanyang henerasyon ay nagpatuloy sa ngayon. Nanunungkulan ang kanyang ika-3 henerasyon at hindi nabibigo ang mga tao sa...