Ivory
"Lahat ba ng kailangan nyo nandyan na ? Notebook, pen, marker" aligaga si mommy sa pag peprepare samin.
"Yes po mommy" sabay sabay pa kaming tatlo sumagot. "Wag po kayong mag alala sa amin mommy. Okay lang kami"
"Oo nga naman Honey, malalaki na ang mga anak natin" inakbayan naman sya ni daddy para kumalma
"Okay okay, but sa totoo lang ang gagwapo at ang gaganda nyo sa uniform nyo mga anak" medyo naiiyak pa sya. Nako parang bata.
Medyo maikli yung palda ko, pero okay naman sanay naman akong magsuot ng maiikli, ang pang itaas naman is blouse at black coat, with blue na necktie. Naka 5inch black shoes at white long socks.
Ang kay Calyx at Calvin naman, black pants, white polo and black coat with blue na necktie. Black shoes naman sa paa.
"Syempre naman mommy. Kapag gwapo lahat bagay" sabi ni Calyx. Sinapok naman sya ni Calvin.
"Dami mong alam Calyx"
"Okay lets go na, bye mom" kumiss ako sa cheeks nya. "Bye dad"
"Bye anak, kumain kayo don ha. Goodluck sa first day"
Masaya akong naglakad palabas ng palasyo, nakahanda na ang sasakyan namin, nakita kong nakasandal si Ranz sa kotse. Nakashade pa hahaha akala mo naman mataas na yung araw.
Same lang silang mga boys ng suot.
Pinagbuksan naman ako ni Ranz ng pinto at sa shotgun seat sya umupo. Sa likod kaming tatlo.
Ano kayang mangyayari ngayong first day? I heard orientation daw bago pumunta sa kanya kanyang room. Naranasan ko naman noon na mag orientation pero matagal na yun at hindi ko na naaalala ang ginagawa.
Mabilis ang dalang sasakyan ni Manong Rudy ngayon kaya maaga kaming nakarating sa school. Nandito kami sa parking, marami na din sigurong estudyante sa loob, 6:15 na pala.
"Salamat po Manong Rudy. Sunduin nyo na lang po kami mamayang hapon" bumaba kami sa sasakyan at naagaw na naman namin ang atensyon ng ilang estudyante na kararating pa lang din dito sa parking.
"Nakakailang naman ang tingin nila saatin" lumapit ako kay Ranz, hinawakan ko ang dulo ng uniform nya para kumapit.
Napatingin naman sya saakin at kinuha ang kanang kamay ko at isinabit sa braso nya.
"Dont be so nervous, nagagandahan kase sila sayo kaya ganyan sila makatingin" agang aga nambobola.
"Nako ha agang aga" pinalo ko ng mahina ang dibdib nya at ibinalik sa pagkakahawak sa braso nya ang kanang kamay ko.
Naglakad kami papasok sa campus. May mga nagsasabi na dumiretso kami sa gym for orientation. Sinunod na lang namin yung naririnig namin, tanda ko naman kung saan ang gym at saka marami ding tao ang nasa hallway ngayon. Sa Gym din siguro ang punta.
Nakahilera kaming apat sa hallway, at bawat sulok na nadadaanan namin may students na nakatitig lang. Merong mga pinauuna kami, pinagbubulungan at yung iba kinikilig pa. Siguro kailangan kong masanay sa ganitong routine araw-araw.
BINABASA MO ANG
Bad Girl Boss [COMPLETED]
Teen FictionSantini Royal Empire is the world's famous empire in the history. Si King Harry Santini Sr. ay naluklok noong 19th century at ang kanyang henerasyon ay nagpatuloy sa ngayon. Nanunungkulan ang kanyang ika-3 henerasyon at hindi nabibigo ang mga tao sa...