36

32 3 0
                                    


Ranz




HINDI parin magsink in sa utak ko lahat lahat, hanggang sa maupo ako sa couch ng table namin dito sa bar. Parang nawala lahat ng nainom kong alak.



Hindi ako nagkakamali, magkahawig na magkahawig sila. Sa hulma ng mukha ay talagang makikilala mong sya si Ivory. Pero kung sya nga iyon bakit hindi nya ako kilala.



Nagbago na din ang buhok nya, blonde na iyon at hanggang bewang na. Baka naman kamukha lang talaga? Nakainom lang ako.



Napahilamos ako ng mukha, hangga't hindi ko muli nakikita ang misteryosong babae na yun ay hindi ko muna sasabihin sa iba na, may kamukha si Ivory at kasama pa ni Vienna.



"Hoy Ranz! Kanina ka pa naming tinatawag. Bakit ba ang lalim ng iniisip mo?" hindi ko naman sinagot ang tanong ni Tyler dahil alam kong kukulitin nya lang ako.



Pagkauwi ko sa palasyo, umakyat ako sa kwarto at nagshower. Uminom muna din ako ng tubig para hindi gaanong masakit ang ulo ko bukas. Isang linggo na lang, flight na namin to US.



This week aayusin ko na lang ang papers ko, pupunta ako sa office para makuha lahat ng requirements para sa Vassar College.






Maaga akong nagising dahil may katok ng katok sa pinto ng kwarto, dumiretso muna ako sa cr kahit na inaantok pa ako. Nag hilamos at nagtoothbrush lang ako pagkatapos ay binuksan ko ang pinto.



"Anak, kamusta na?" si mommy lang pala.



One week din silang nawala ni Daddy dahil may inaasikaso daw. Hindi ko naman tinatanong kung ano yun dahil hindi ko trabahong mangusisa ng ibang bagay.



"I'm okay mom, I'm still sleepy."



"Oh sorry anak, namiss kase kita. Mamaya kasi aalis na naman kami ng daddy mo" yeah ganyan sila palagi.



Nung bata pa lang ako, alis sila ng alis. Hindi ko naman sila pinipigilan, nagdecide na din akong pumasok sa military school para sundan ang yapak nila. Hanggang sa lumaki na ako, hindi ko na hinahanap hanap ang presensya nila.



"Its okay mom. Naiintindihan naman kita. Namiss din po kita" ngumiti naman sya sa akin.



"Handa ka na ba sa pagpunta mo sa US? Yung mga gamit mo ready na?"



"One week pa naman po, aayusin ko muna yung mga papers bago yung mga gamit na dadalhin ko"



"Bumili kami ng bahay doon, kasya kayong tatlo nina Shane at Tyler. Balita ko ay wala pa silang nahahanap na matutuluyan doon kaya nagdecide kami ng daddy mo na doon na lang sila patuluyin para may kasama ka" nagulat naman ako.



Hindi ko inexpect na gagawin nila yun for me akala ko ako pa ang maghahanap ng matutuluyan ko.



"Your know your limitations anak, alam kong hindi nyo pababayaan si Shane. Ayaw din nina Mr. at Mrs. Mitchell na walang kasama si Shane sa magiging bahay nya" sumulpot naman si Daddy sa tabihan. Timapik nya ang likod ko at tumango sa akin.



"Salamat po dad, mom" niyakap ko sila bago sila umalis.







Wala akong ginawa sa isang linggo pang pagstay ko dito sa palasyo kundi ang mag ayos ng mga gamit para sa pagalis ko, tumatambay sina Calyx at Calvin sa kwarto ko dahil mamimiss daw nila ako. Tinuring ko na din silang mga kapatid. Mamimiss ko din sila.



Bad Girl Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon