....
After so many years, napagtagumpayan kong makatapos ng military. And yes! Finally nakauwi na ako sa Kentwood, may surpresa ako sa kanila.
"I'm home!!" sigaw ko ng makapasok ako sa pinto ng bahay namin.
"SURPRISE! WELCOME HOME!" nagulat ako ng bigla silang lumabas lahat mula sa kitchen.
Namiss ko silang lahat. Sobra, buhat kasi noong may mangyaring masama kina Ivory sa US ay bumalik din ako kaagad sa military base para ipagpatuloy ang pagsusundalo ko. Ngayon lang talaga ako nakauwi dahil hindi ko pwedeng iwanan ang trabaho ko.
Nabalitaan ko din na ikakasal na si Calvin at Francine, invited ako so kailangan kong pumunta at pagkatapos noon ay balik na ulit sa trabaho.
"Hi kuya, I miss you" lumapit naman sa akin si Shane, ramdam kong may mabigat syang dinadala. Kahit na palagi ko syang inaasar ay mahal na mahal ko yan.
Alam kong nag break sila ni Tyler ilang taon na ang nakakalipas at itinuon lang nya ang sarili sa trabaho para hindi madistract.
"I miss you too Shane, okay ka lang?" nakita ko namang nangingilid ang luha nya.
"Of course kuya!" hinampas naman nya ako sa balikat.
"Hi anak, I missed you. Namiss ka namin ng daddy mo" niyakap ko naman si Mommy at si Daddy.
Namiss ko sila, silang lahat.
"By the way, may ipapakilala nga pala ako sa inyo"
Hinila ko sya sa loob, nahihiya kasi kaya hindi pumapasok.
"Hmm, guys this is Faye, my co-military and my girlfriend, for 2 years" nakita ko namang nanlaki ang mata nilang lahat sa akin.
"Hi Ate Faye! Nako wag kang mahiya sa amin ha. Feel at home" lumapit naman agad si Shane kay Faye at natunugan ko ang pagpapakawala ni Faye ng hininga.
Malugod naman syang sinalubong ng parents ko pati ng mga pinsan namin.
2 years na kami ni Faye, sa military school kami nagkakilala. Una syang pumasok doon pero magkaedad lang kami. Colonel din kasi ang father nya at mataas ang posisyon kaya agad syang nakapasa sa military school. Senior ko sya nung dumating ako doon, hindi ko inaasahan na makakapagpalagayan ko sya ng loob.
Hindi ko na din itinuloy ang panliligaw ko kay Ivory noon, alam ko kasi at ramdam ko na si Ranz ang gusto nya at hanggang crush lang ang para sa akin.
Kahit sa kaunting panahon ay hindi naman ako nagsisisi na minahal ko si Ivory dahil marami din akong natutunan, na hindi lahat ng bagay ay minamadali at kung talagang magkaibigan na kayo sa una pa lang ay mas pahalagahan ninyo ang friendship kesa mawala iyon kapag nagbreak na din kayo as boyfriend and girlfriend.
Dumating na ang araw ng kasal ni Calvin, bagay na bagay sila ni Francine. Nakita ko naman si Tyler at hanggang ngayon ay hindi ko parin sya kinakausap. Malaki ang kasalanan nya sa akin dahil sinaktan nya ang kapatid ko.
Papalapit sya sa amin at halatang aalukin ng sayaw ang kapatid ko, hindi na ako tumutol dahil panahon na din para pagusapan nila ang kanilang problema , ilang taon na din ang kanilang pahinga. Mas matured na silang magisip ngayon.
BINABASA MO ANG
Bad Girl Boss [COMPLETED]
Teen FictionSantini Royal Empire is the world's famous empire in the history. Si King Harry Santini Sr. ay naluklok noong 19th century at ang kanyang henerasyon ay nagpatuloy sa ngayon. Nanunungkulan ang kanyang ika-3 henerasyon at hindi nabibigo ang mga tao sa...