34

28 3 0
                                    

Ranz





SOBRANG bilis ng pangyayari, nawala ang lakas at tapang ko sa pakikipaglaban. Hindi nararapat sa akin ang ibinigay na medallion ni Principal Spenser. Hindi ko nagawang mahanap at iligtas ang Prinsesa ko..





Iminulat ko ang aking mga mata, nasa silid ako na puros puti ang makikita. Nahihirapan akong huminga dahil sa nakakabit sa aking oxygen, akala ko ba mas madali kapag may ganito.





"Anak, gising ka na! Hintayin mo ako tatawag lang ako ng doktor" hindi ako makapagsalita, nanunuyot ang lalamunan ko.





Ni hindi ko magawang tawagin man lamang si mama. Ilang araw na ba akong nakahiga dito sa hospital bed na ito?





Pinilit kong tumayo at tinanggal ang swero pati na rin ang pagkakakabit ng oxygen, kailangan kong hanapin si Ivory.





"Hijo, maupo ka." namataan ko ang isang doktor na papalapit sa akin. "Makakasama sayo iyan, kailangan mo paring magpahinga"





Nagmadali syang hawakan ako para hindi ko pwersahin ang sarili kong tumayo.





"Ma, kailangan ko ng lumabas dito. Hahanapin ko ang prinsesa" hinawakan ni Mama ang kamay ko.





May kung anong lungkot sa mga mata nya, hindi ko maintindihan. Iba ang pakiramdam ko.





"Anak, patay na ang Prinsesa." Halos magpanting ang tainga ko sa aking narinig.





"Ma naman kagigising ko lang, binibiro mo na agad ako" hindi inaasahang umagos ang luha sa aking mga pisngi.





Gustuhin ko mang suntukin at ibato lahat ng gamit dito sa loob ng kwarto ng hospital pero hindi ko magawa. Umiiyak na din si Mama. Kasalanan ko ito, ako ang katabi nya ng mangyari ang kaguluhang iyon.





Pilit kong pinigil ang pagiyak ko.





"Ma, sabihin mo sa akin, ilang araw na akong nakahiga dito. Wala akong maalala sa nangyari. Anong nangyari sa akin? Bakit nasa ospital ako?"





Tumitig si Mama bago nagsalita.









Habang nasa stage kami ng Auditorium, napansin kong hindi mapakali si Ivory. Nagtataka ako ngunit hindi ko na sya tinanong dahil ang akala ko ay kabado lang talaga sya.





Wala sina Mama at Papa dito sa school. Hindi ko naman magawang itanong sa Hari dahil nahihiya ako. Sana lang ay nandito sila ng makita naman nila na ibinigay sa akin ni Principal Spenser ang medallion na dating sila ang may hawak.





Nilinga linga ko ang aking paningin, at nakita kong nagmamadaling pumasok sa entrance ng Auditorium sina Mama at Papa, nakatingin sila sa akin pero may kung ano sa mga tingin nila. May pag-aalala doon at hindi ko mawari ang ibang emosyon na inilalabas ng aura nila.





Maya maya pa ay nakita ko naman ang guard ng school at guard ng mga Santini na isa isang nilapitan ang mga estudyante, isa isang nagpanic ang lahat. Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari, lalapit sana ako kina Mama pero humadusay na lamang bigla si Ivory.





Namatay ang ilaw at may humawak sa akin, hindi ako makabitaw. Parang may kung anong itinurok sa leeg ko at hindi ko maigalaw ang aking katawan, namamanhid ito. Madilim ang paligid at tanging anino lamang ng isang lalaki ang aking nakikita.





Pakiramdam ko at pinalo nya ako sa ulo ko, nahihirapan na akong huminga. Siguro dahil sinisipa nya ang aking tiyan. Hindi man lang ako makagalaw para makailag sa ginagawa nya.





"Ta-tama na" bulong kong walang kalaban laban.





Maya maya pa ay unti unting bumabalik ang lakas ko, nawawala ang pagkamanhid ng katawan ko. Nararamdaman ko na din ang sakit na dulot ng pagsipa at paghampas sa ulo ko.





Kaya ko pa, kaya ko pang tumayo.





"Ivory? Asan ka na?" sinikap kong sumigaw pero isang tinig ang aking narinig na syang nagbigay kilabot sa akin.





"Kamusta ka, Colonel Imperial?" siya ang lalaking nanggulo noon sa palasyo, pitong taon na ang nakalilipas. "Naaalala mo pa ba ako?"





"Walang hiya ka! Asan ang prinsesa! Wag nyo syang idamay." hinang hina na ako, ngunit ayokong mahalata nya iyon.





"Hindi ko pwedeng sabihin sayo, pero alam kong naghihingalo na sya ngayon" sagot nya at tumawa ng malakas.





"Ako na lang ang parusahan ninyo, wag ang pamilyamg Santini!" tumawa muli sya ng malakas, nakakaasar. Kung malakas lamang ako ngayon ay baka ako pa ang makapatay sa lalaking ito.





"Hindi ka naman Santini, bakit kita idadamay? Ikaw lang naman ang nagdadamay sa sarili mo. Kaya heto nasasaktan ka. Hayaan mo hindi ka na din magtatagal" hindi na ako nakapasalita pa.





Hinampas nya muli ang ulo ko, baseball bat yata ang gamit nya. Hindi ko na talaga kaya, talo ako sa ngayon. Sorry Prinsesa, hindi kita nagawang iligtas.











"Ang iyong ama ang nagligtas sayo, hindi nya din nahuli ang bumugbog sayo noon. Nahampas nya lamang ito pero tumakbo agad. 6 na buwan ka ng nakaratay dyan anak. Malala ang bugbog saiyo sa ulo mo pa lamang. Ginawa naming lahat para gumaling ka. Akala pa namin noon ay makina na lamang ang nagpapabuhay sayo. Pero hindi kami nawalan ng pagasa" nang sabihin iyon ni Mama ay naalala ko lahat ng nangyari ng mga sandaling iyon.





Napahilamos na lang ako ng mukha, hindi ko parin matanggap na wala na sya. Wala na ang babaeng mahal ko.





Maghapon parin akong nakahiga dito sa hospital bed. Bukas pwede na daw akong ilabas, hindi pa daw kasi pwede ngayon dahil may mga gagawin pa silang test, lalong lalo na sa naging damage ng ugat sa ulo ko.





Wala pa akong balak itanong kung nasasaan na ba ang mga Santini, binisita naman ako ng mga kaibigan namin. Hindi rin nila inuungkat ang mga nangyari sa akin.





Alam naman siguro nila na ayaw ko pang pagusapan ito sa ngayon. Nagtuloy tuloy ang pag pasok nila sa Hammelton pero ako, naudlot dahil nga 6 na buwan akong comatose. Nagkukwento sila sa mga naging activities sa school.





Kung hindi siguro to nangyari, masaya kami ngayon. Kaming lahat.





December na at malapit na rin ang Christmas, ito sana ang una naming Christmas together pero malabo ng mangyari yun. Pagkalabas ko ng hospital na ito ay pupuntahan ko agad ang puntod kung saan inilibing si Ivory.





Kahit hindi ko pa rin tanggap at sinisisi ko parin ang sarili ko sa nangyari sa kanya. Kakayanin kong bisitahin sya para humingi man lang ng tawad. I miss her so bad.





Mahal ko na sya, iba na ang epekto ng nangyari sa akin. Ngayon ko napatunayan na hanggang salita lang ako. Hindi ko sya nagawang iligtas. Hindi ko natupad lahat ng pangako ko sa kanya, siguro hanggang dun na lang talaga yun, at kailangan kong tanggapin yun.





----




xx

Bad Girl Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon