Special Chapter!!!
Shane
LUMIPAS ang isang taon, mula ng mawala ang bestfriend ko, nandyan si Tyler para damayan ako, nasa burial pa lang kami noon sa palasyo talagang hindi sya umalis sa tabi ko, maliban kay Kuya at sa parents ko.
Nung mga panahon din na yon ay crush na crush ko sya, hindi ko lang sinasabi kase pinapahalagahan ko yung value ng friendship namin at syempre tropa sya ni Kuya. Kahit naman hanggang ngayong college na kami crush ko parin sya.
Hindi ko pinahahalatang naiilang ako sa kanya, sa mga titig nya, sa mga pag aasar nya. Sinasabayan ko lang yun para hindi nya mahalata pero itong si Ranz medyo nakakahalata na sa nararamdaman ko.
Palalim ng palalim ang nararamdaman ko kay Tyler lalo pa at magkasama kami ngayon ng bahay.
"Mag uusap muna kami ni Shea, maiwan ko muna kayo. Ty ikaw na muna ang mag hatid kay Shane. Sa Med Dept na ang diretso ko mamaya" umalis na si Ranz kasama si Shea.
Naguguluhan kami pare pareho kung bakit kamukha nya si bes, namimiss ko na rin si Ivory. Kung mabait lang din si Shea baka ako na mismo ang lumapit sa kanya para makipag kaibigan. Kaso masama naman ang ugali.
"Ate, Kuya aalis na ako. May klase pa ako at saka may meeting ang S.A. sa board room. Bye po" naiwan kaming dalawa ni Tyler dito sa cafeteria.
Nahuli ko namang nakatitig sya sa akin at iniwas sya iyon nung makitang nahuli ko sya.
"Hmm, kamusta naman sa Med Dept? Mahirap ba?" tanong ko sa kanya, mabuburyo kami dito kapag hindi kami nagusap.
Isa pang subject ang vacant namin parehas na parehas ang time ng Medical Dept at Tourism Dept. Nagkataon lang siguro.
"First day pa lang naman, may mga prof na nagevaluate ng topics, meron namang nagkwento lang siguro bukas bakbakan na kami" titig na titig ako sa kanya habang nagsasalita sya.
Pwede syang maging model actually, perfect ang hulma ng mukha nya, from his brown eyes, thick eyebrows, nose and pinkish lips. Matangkad din sya at hanggang balikat nya lang ako.
"Huy Shane! Okay ka lang ba? Kanina pa kitang tinatawagan, may masakit ba sayo?" hinawakan nya naman ang leeg ko.
Ang init ng palad nya, may kung anong naramdaman naman ako sa tiyan. Parang may mga nagliliparan na paru-paro. Pucha kinikilig ako, bakit ka ba ganyan Ty?
"Hindi ka naman mainit, I called you 5 or 6 times nakatingin ka lang sakin, may dumi ba sa mukha ko? O nagagwapuhan ka lang sakin?"
"Oo ang gwapo-- ay este ha? Sorry may uling ka kasi uhm ano tss" potek ano bang sinasabi ko?
"Ow haha, sabihin mo na lang. Maganda ka rin naman at gwapo ako. Bagay nga tayo" rinig ko yung una nyang sinabi kaso yung huli hindi na. Hina hina kasi ng boses.
"Ha? Anong sabi mo?" tanong ko
"Wala, sabi ko ang ganda mo. Tara na nga 30 minutes na lang magstart na ang class" ang bilis naman ng oras kapag kasama ko sya.
Tumayo ako, kukuhanin ko sana ang bag ko pero nakuha na nya agad yun. Umuna sya ng paglalakad sa akin, dala dala yung bag ko.
"Akin na yang bag ko, ako na magdadala" tumingin sya sa akin.
"Ihahatid kita hindi ba? Kaya ako na magdadala ng bag mo" medyo malayo ang agwat namin kaya lumapit sya sa akin.
Ngumisi naman sya at saka may ibinulong.
"Gusto kita, gusto kitang ligawan Shane"
Yun lang at tinalikuran nya muli ako. Hindi pa pumapasok sa utak ko kung ano yung sinabi nya. Ano daw liligawan nya ako? Nananaginip ba ako? Kung ganun gisingin nyo naman ako! Baka mamaya panaginip lang pag gising ko di pala totoo.
Hindi maiiwasan na may mabighani sa kagwapuhan ni Ty, may mga babae na kinikilig sa building ng Tourism Dept, dahil nga inihatid nya ako dito. Kapag kasama ko silang dalawa ni Ranz, halos malaglag na ang bra at panty ng mga babae dito sa sobrang tili at kilig nila. Tss. Sorry kayo ako ang bestfriend ni Ranz at soon to be girlfriend ni Ty hehe
"Sunduin ka namin dito mamaya, intayan mo kami. Advance ng 30 minutes ang labas namin sayo" magsasalita pa lang ako para magpaalam sa kanya pero hinalikan nya na ako sa noo.
Gulat akong tumingin sa kanya pero kinindatan nya lang ako. Potek! TYLER LINCOLN GANYAN KA BA TALAGA MAGPAKILIG?!!
Hindi nya na inantay pa na may sabihin ako, umalis na sya at hanggang sa makababa sya ng hagdan ay hindi ako umalis sa tayo ko. Nagfreeze ako ng slight.
Wala pa naman ang prof kaya pumunta muna ako sa cr. Tiningnan ko muna kung may papasok na iba or may tao sa labas bago ako nagsisigaw. Letse! Hindi ko alam kung kumukulo ba ang tiyan ko sa kilig o sa gutom e kakakain ko lang.
Yawa ka Tyler! Pafall!
Natapos ang buong klase ko, lipad naman ang brain ko, pati brain cells ko hindi nagpa-function. Punyeta! Kung nandito lang siguro si Ivory, kinikilig din yun. Nakakamiss magopen sa bestfriend ko.
Nasa may corridor ako at hinihintay si Tyler, 30 minutes advance ang labas nila ah bakit wala pa? Mga 20 minutes pa akong naghintay. Nakasandal ako sa pader at nakahawak strap ng mini backpack ko, tinamad akong mag bag ng prada first day pa lang naman. Ayokong maging pabida hahaha
Maya maya pa ay dumating na sila, nagtaka ako kung bakit kasama nila si Shea. Hindi ko na lang yun pinansin.
"Lets go Shane" kinuha nya ulit yung bag ko, tumaas naman bigla isang kilay ni Ranz.
"Bro di ko alam gentleman ka pala?" binatukan naman ni Ty si Ranz.
"Gago, ganyan kasi manligaw bro hindi yung sasabihin mong mahal mo tas di mo naman ipaparamdam" nagulat naman ako sa sagot ni Ty.
So seryoso nga sya? Liligawan nya nga ako. Inaasahan ko rin namang biro yung sinabi nya kanina pero pinagdasal ko sa CR na hindi hahahaha
Kung papasa ka man sa akin, first boyfriend kita, seryoso. Bukod sa fling hahahahaha
Sis, paano kumalma?
----
xx
BINABASA MO ANG
Bad Girl Boss [COMPLETED]
Teen FictionSantini Royal Empire is the world's famous empire in the history. Si King Harry Santini Sr. ay naluklok noong 19th century at ang kanyang henerasyon ay nagpatuloy sa ngayon. Nanunungkulan ang kanyang ika-3 henerasyon at hindi nabibigo ang mga tao sa...