...
"Baby I'm pregnant!" sumigaw ako sa talon at sa tuwa ng malaman kong buntis si Francine. Ilang taon na rin kaming magkasintahan.
Nung sinabi ni Francine na buntis sya ay noon lang din kami nakapag usap ni Calyx tungkol sa magmamana ng Korona galing sa aming ama. Hindi ito tinanggap ni Ate at sinabing kami na ang bahala dito dahil gusto pa nilang ipagsalin salin ang lahi namin.
Sabi ni daddy after three years ay kailangan naisalin na nya ang korona sa isa sa amin ni Calyx. Hindi ko rin naman aakalain na magkakaanak kami ni Francine. Hindi ko pa nga nahihingi ang kamay nya sa magulang at kapatid nya.
Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at nag set na ako ng plans for my immediate engagement party para kay Francine. Katulad ng magulang at kapatid nya ay nakapagtapos sya ng kurso sa panggagamot.
Sinabi ko na din kay Francine na sabay naming sasabihin sa magulang namin na buntis sya pero hindi nya alam na sa engagement party iyon. Dahil busy sya parati sa hospital nila ay pumunta ako kay Tito at Tita, pati na rin kay Tyler para magpaalam at hingin ang kamay ni Francine.
Pumayag naman sila agad at kasabwat ko sila sa gaganaping engagement party sa palasyo. Hindi naman sila nag alinlangan. Sa tagal na namin ni Francine, hindi naman sila tumutol sa relasyon namin.
"Francine Lincoln, baby. Will you marry me?" nagsigawan naman ang mga kaanak ko pati na din ang mga kaibigan at pinsan ng mahal ko.
"Yes baby!" sinuot ko ang singsing sa daliri nya at niyakap sya ng sobrang higpit.
"Last, I just want to announce. Francine is pregnant. Kakaalam lang namin last week. After nating magusap Calyx hahaha. Ang daming blessings ang natatanggap ko. Salamat sa inyo, salamat sayo baby. Tita, tito sana wag kayong magalit hehe" napakamot naman ako sa ulo.
Nakita ko namang masaya ang reaksyon ng magulang ni Francine.
"Gago ka Calvin!" biniro naman ako ni Kuya Tyler. Kinutusan pa ako.
Lumapit naman sya sa kapatid nya.
"Magkaka pamangkin na ako. Tssk! Matanda na talaga ako" nagtatawanan naman kami.
"I pronounce you husband and wife, you may kiss your bride" garden wedding ang napili naming theme para sa kasal, kokonti lamang ang pinili naming dumalo dahil yun ang gusto ng asawa ko.
Gusto man nina mommy at daddy na bongga ang kasal namin ay pinili namin ang private na kasal lamang. Walang frustrations at hindi hassle sa preparation.
4 months ng buntis si Francine at medyo pahirap na din ng pahirap ang sitwasyon, buti na lang talaga at doktora itong asawa ko kung hindi baka parehas kaming mahirapan sa pagbubuntis nya kahit hindi ako ang may dala nung bata.
Maselan talaga daw ang mga nagbubutis, maraming hihinging pagkain tapos pag nahanap mo na sasabihin ayaw na. Pero binibigay ko sa kanilang dalawa ni baby yung mga kailangan nila.
Kaya ng lumabas ito sa tiyan ni Francine ay sobrang saya ko. Pinangalanan namin syang Franzie. Fran for Francine and Zie is Zei im my name. Lalaki sya at manang mana ang hubog ng itsura sa akin. Aba magkakasabugan ng mukha kapag hindi ako ang kamukha, baka iba ang ama.
Hindi ko maimagine kung paano ba kami naging mag kasintahan ni Francine, dahil ang alam ko nga noon ay patay na patay sya kay Calyx. Hindi ko alam na patagal ng patagal ay nahulog na din pala sya sa akin. Balak ko pa sana noong itigil ang pangungulit sa kanya, pero nagpursigi ako dahil wala namang dumadating sa aking isang babae na kagaya nya.
Tumagal ng tumagal ay palalim na ng palalim ang nararamdaman ko, inamin nya din naman sa akin na minamahal nya na ako dahil palagi daw akong nasa tabi nya thru ups and down. Nung college kasi, after nang graduation ng Medical Courses ay nagtake agad sya ng bar exams. Sobrang hassle ng schedule nya noon at wala na syang time kumain.
One time pumunta ako sa dorm nya at nakita kong umiiyak sya. Dinalhan ko sya ng foods at sobrang nangangayayat na din dahil sa pag-aaral. Doon ko sinabi sa kanya na pwede namang mag take ng board kahit na hindi pinababayaan ang sarili. Kulang sya sa confidence kaya ako yung nandoon para icheer up sya.
Matagal ko din naman syang napasagot dahil nagsugurado din sya sa nararamdaman para sa akin, baka daw kami mafeel ko na kaya nya ako minahal ay dahil sa kakambal ko. Tiniis ko lahat ng iyon at ngayon ay nasa akin na sya.
Sya na ang magiging reyna sa sarili kong palasyo kasama ng anak naming si Franzie.
Hindi ko pinagsisisihan na minahal ko si Francine. Isa sya sa bumuo ng pagkatao ko. Sya ang insipirasyon ko sa lahat.
"Habang iniisip ko, ako ba dapat ang maging bagong Hari ng Kentwood? Ay hindi ko na pala dapat isipin yun dahil, kayang kaya kong pamunuan ang bayan na ito. Hindi ko man mahigitan ang pamumuno ng aking ama at ng aking mga ninuno ay papantayan ko ang kanilang galing, para sa bayan at para sa Kentwood!" sumisigaw at walang humpay ang saya ng mga tao ng maisalin ang korona sa akin pagkalipas ng 3 taon.
Tinawag ko naman ang aking kapatid para masaksihan nila ang panibagong yugto ng buhay nya, kasama si Victoria.
Masaya kaming pinanood ang paghingi nya ng kamay kay Victoria. Masaya kaming lahat para kay Calyx dahil natupad nya lahat ng gusto nya. Presidente na sya ng Kentwood at magiging first lady na nya si Victoria. Bagay na bagay sila. Karapat-dapar din silang mamuno sa bayan.
May mabuting puso at may dangal sa bayan.
Katulad nila, at tutuparin ko ang lahat ng aking pangako.. at plata porma bilang bagong Hari ng Kentwood, kasama ang aking asawa na si Queen Francine at Prince Franzie...
----
xx
BINABASA MO ANG
Bad Girl Boss [COMPLETED]
Teen FictionSantini Royal Empire is the world's famous empire in the history. Si King Harry Santini Sr. ay naluklok noong 19th century at ang kanyang henerasyon ay nagpatuloy sa ngayon. Nanunungkulan ang kanyang ika-3 henerasyon at hindi nabibigo ang mga tao sa...