20

36 3 0
                                    

Ivory

PAGUWI namin galing sa resthouse, nagpasya na akong magpahinga dahil dinalaw na din ako ng antok. Nagising ako sa maliwanag na sinag ng araw sa bintana. Kinuha ko ang phone ko dahil naalala ko na nagtext pa ako kay Ranz kagabi bago matulog.






From: Ranz

Maliit na bagay. Your always welcome my princess :)








Napangiti naman ako ng mabasa ang text nya. Kung nabasa ko siguro to kagabi sobra lalong mahimbing ang tulog ko hahaha



Bumangon ako para makapagshower, tinatamad pa akong bumaba kaya pagkatapos ko dito manunuod muna ako sa tv o di kaya ay sa laptop. Nagtungo ako sa walk-in closet, naghanap ako ng masusuot. Trip ko yatang mag dress ngayon? Hinanap ko yung off-shoulder na dress, kulay mint green ito, may design na yellow flowers and above the knee. Pagkatapos kong magbihis tumawag ako kay Yaya Tess para magpahanda ng almusal.




Umupo ako sa kama habang sinusuklay ang buhok ko. Binuksan ko ang tv and I connect my laptop para mas feel kong manood, maganda kase kapag malaki yung screen. Bago pa ako makapaghanap ng movie na papanuodin ko ay biglang may kumatok sa pinto.




"Come in!" sigaw ko




"Anak, gising ka na pala" ay akala ko si Yaya Tess. Si daddy pala.




"Hi dad goodmorning" tumayo ako and I hugged him.




"Kamusta ang tulog ng baby girl ko?" sweet talaga ni daddy




"Okay naman po, napagod din po kase ako kahapon sa paglangoy kaya napahimbing ang tulog" ngumiti naman sya sakin. Alam kase ni daddy na ngayon ko lang nagagawa itong mga bagay na ganito.





"You want to buy some stuffs for school?" ha? gusto nya na ako ang mamili ng school supplies ko?





"Really daddy? Akala ko po kayo na ni mommy ang magpapabili ng supplies namin?"






"Naisip namin na ispend nyo yung time nyo ngayon sa pamimili ng gamit since alam ko na hindi mo pa nagagawa yon"





"Yey. Thankyou daddy. I want to do that"






"Sige isama mo mga kapatid mo, kasama nyo din si Ranz"







"Yeah sure daddy thankyou talaga" napabitaw ako sa pagkakayakap ko ng may iabot sya saakin.







"Here's your credit card at bumili ka kung anong gusto mo, kumain ka or anything. Naibigay ko na rin sa mga kapatid mo yung Credit Card nila" ngumiti ako kay daddy at muli syang niyakap.






*knock knock*







Nakita namin sa pinto si Yaya Tess, may dalang tray ng pagkain. Mukhang madami yun ah?






"Mahal na prinsesa ito na po ang pagkain na pinahahanda ninyo, nakita po kase ako sa hallway ng mahal na hari at pinadagdagan nya po ito kaya ako nagtagal" paliwanag ni yaya





"Okay lang po yaya" inilapag niya ang tray sa may sofa sa loob ng kwarto ko, may maliit na sofa din kase ako dito para kapag may kaibigan ako na bumibisita at tinatamad akong bumaba, dito ko sila pinapupunta.





Bad Girl Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon