55 - Francine

21 2 0
                                    

...





0006 Lincoln, Francine





Napasigaw ako sa tuwa at nagtatatalon pa ng isa ako sa mga nakapasa sa board exam. Halos mapaluhod ako sa tuwa, nanlalabo na din ang mga mata ko dahil sa mga luhang pumapatak galing sa mata ko.





"You did a great job Francine, top 6 ka pa! I'm so proud of you" halos laging nandyan si Calvin para sa akin.





Binibisita nya ako palagi sa dorm ko dahil malayo ang school ko sa Kentwood. At bago ako umuwi sa bahay ay nandidito na naman sya para samahan ako, sya ang unang unang nakaalam na nakapasa ako at top notchers sa bar exam.





Nung mga panahon na iyan ay hindi pa kami, pero hindi sya sumuko. Kahit ako ay napapagod para sa kanya pero nitong mga nakaraang araw ko lamang nalaman na sa kanya ako sumasaya, sa kanya ako kumukuha ng lakas ng loob at hindi nya hiningan ng kapalit ang pagmamahal na ibinibigay nya sa akin.





He's the one..





Nung unang nanligaw sya saakin, 1st year college kami. Tumanggi ako noon, kasi ayokong maisip na kaya ko sya sasagutin at papayagan ay dahil ng kapatid nya.





Patay na patay talaga ako kay Calyx noon kaya hindi ko pinupush yung sarili ko kay Calvin, o kahit na kanino man. Kahit alam kong ang mahal na ni Calyx noon ay si Victoria.





One time kinausap ako ni Calyx..





"Bigyan mo na ng chance si Calvs, alam kong may gusto sayo yung kambal ko" nasa isang coffee shop kami sa labas.





College pa kami.





"Hindi ba sinabi ko ng ikaw parin ang gusto ko. Pwede ba wag nyo akong pilitin. Hindi ko din naman hinihingi pabalik yung pagmamahal mo. Ang sa akin lang pabayaan nyo ko, kung ano yung gusto ko" pinagtitinginan kami ng tao dahil alam nilang prinsipe ng Kentwood ang kausap ko.





Wala akong pakialam, naiinis ako kaya ako nag walk out.





Thru ups and down ko nandiyan si Calvin para sa akin, never syang napagod kahit na kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Sa paglipas ng panahon, natutunan ko din kung paano magpahalaga ng tao.





Lalo na pagdating sa kanya, ayoko ng mawala pa sya sa akin.





Inaya ko sya na mag dinner sa isang restaurant. Dito ko na rin aaminin na mahal ko na sya.





"Hm, Calvin may sasabihin sana ako sayo" napatigil naman sya sa pagkain at tumingin sa akin.





Kinabahan naman ako sa mga tingin nya.





"Okay, tell me" bruskong brusko ang boses nya at akala mo galit.





Pero nawala lahat ng kaba ko ng ngumiti sya. Nakahinga naman ako ng maluwag.





"Thank you for being there with me since day one. Thank you sa support at sa palaging pag checheer up sa akin. Kaya Calvin.. sinasagot na kita" halos lumuwa ang mata nya sa gulat.





Ilang minuto pa syang naka tingin sa akin bago nagreact. Natatawa ako sa reaksyon nya. Kinuha nya naman ang kamay ko at hinalikan ang aking palad. Namula naman ang aking pisngi sa kilig.





Pagkatapos naming kumain noon ay dinala nya ako sa isang napakagandang lugar. Nasa bundok kami, nahiga kami sa ibabaw ng kotse nya at tumingin sa langit.





Napakaganda ng tanawin, kitang kita din namin ang ilaw sa buong nayon.





"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko sa kanya.





Nakatingin parin sya sa langit. Nasilayan ko naman ang mga ngiti nya na lalong nakakapagpalambot sa aking puso.





"Ang ganda ng mga bituin ano? Sana nga lang naaabot ko iyan. Pero kuntento na ako sa isang bituin na nasa tabi ko. Bituin din sya na mahirap makuha. Hindi ko pa inaasahan na mapapa sakin" tumingin naman sya sa akin at ngumiti.





Wala akong masabi, paano pa kaya nya ako natiis eh halos ipagtabuyan ko na sya noon.





"Mahal kita Calvin. Mahal na mahal" yun lang ang tanging lumabas sa bibig ko.





Pero sa mga ngiti nya ay parang pati buwan ay nakuha nya.





"Mahal na mahal din kita Francine, baby" lumapit sya sa akin at ginawaran ako ng isang halik. Unang halik, na nanggaling sa pinakamamahal ko.





Sa ilang taon naming pagsasama ni Calvin ay walang naging problema. Kadalasan kapag busy ako ay iniintindi nya, sobrang daming pasyente na kailangan ng tulong ko kaya hindi ko sila pwedeng iwan na lamang basta basta. Sa gitna ng pagoopera ko ay nakaramdam ako ng hilo.





"Doc okay lang po ba kayo?" tanong ng nag-aassist sa aking nurse.





"Tawagan mo nga si Dr. Cabrera, sabihin mo mag switch muna kami. Hindi ko talaga kaya" agad naman syang lumabas at tinawag yung isang Doktor dito sa hospital.





Maya maya pa ay dumating na agad sila at ipinayo nyang magpahinga muna daw ako. Siguro ay sa sobrang pagod ay nakaramdam ako ng hilo.





Pumunta ako sa may canteen ng hospital para kumuha ng pagkain, pero iba ang pang amoy ko sa mga ito at parang hinihila angg bituka ko sa tiyan. Hindi na ako dumiretso sa canteen at inilihis ko na lang ang sarili ko sa restroom.





Dumiretso ako sa sink at sumuka. Hilo at pagsusuka? Hindi kaya.. hindi kaya buntis ako? Sa sobrang busy ay hindi ko na din natrack ang mentruation ko. Kinuha ko sa bulsa ang phone ko.. Shit.. delayed na ako ng ilang linggo.





Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa, bumili ako sa pharmacy ng pregnancy test.





It's positive.





Naluha ako, hindi sa lungkot. Sobrang saya ko dahil magkaka-baby na kami ni Calvin. Pero hindi pa kami kasal. Paano ko sasabihin sa kanya. Saktong sinundo nya ako sa hospital nung hapon na malaman kong buntis ako, sobrang saya nya sa nalaman nya at sinabi nya din sa akin na sya ang magmamana ng korona mula sa kanyang ama.





Ilang araw din ay nagpropose sa akin si Calvin, nalaman na din ng parents ko na buntis ako. Hindi naman pinatagal ng royal empire ang kasal namin at pinagplanuhan na nila agad iyon.





Hanggang sa manganak ako, lalaki ang anak namin ni Calvin na pinangalanan naming Franzie hango sa pangalan naming dalawa. Lumaki sya ng bibo at mahal na mahal sya ng Tito at Tita nya pati na din ng Hari at Reyna.





Noong una ay si Calvin ang sumuporta sa aking pangarap, ngayon ay nandito kami sa palasyo at kasama nya akong puputungan ng korona.





Isa na din akong Reyna, hindi ko aakalain na magiging ganito kami kasaya. Masaya na din ako para kay Victoria. Pinapanood namin sila, habang nakaluhod si Calyx sa harapan nya na may hawak na singsing.





May mga bagay naman talagang worth it pakawalan at ipaglaban.





Gaya na lamang ng mga naging desisyon ko. Masaya na ako ngayon sa piling ng asawa ko.





Sya ang bukod tanging mamahalin ko, wala ng iba. Kasama ng aming anak..





----





xx

Bad Girl Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon