Special Chapter!!!
Tyler
KANINA pa titig na titig sa kagwapuhan ko si Shane, joke. Ilang beses ko na siyang tinatawag pero parang wala syang pakialam at walang naririnig. Nakatunganga lang.
"Huy Shane! Okay ka lang ba? Kanina pa kitang tinatawagan, may masakit ba sayo?" dinampian ko pa ng kamay ang leeg nya para tingnan kung nilalagnat ba sya or what.
Hindi ulit sya nagsalita pero nung mahawakan ko sya bigla naman syang namutla.
"Hindi ka naman mainit, I called you 5 or 6 times nakatingin ka lang sakin, may dumi ba sa mukha ko? O nagagwapuhan ka lang sakin?" ngumisi naman ako sa kanya para asarin sya
"Oo ang gwapo-- ay este ha? Sorry may uling ka kasi uhm ano tss" aminin mo na kasi hahaha
Highschool pa lang, palagi kong inaasar si Shane, hindi naman nagiisip ng malisya yung Kuya nya si Zac na tropa ko naman. Ayaw ko sanang taluhin si Shane kasi nga baka masira ang friendship naming tatlo, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na mahulog sa kanya.
Hinintay ko muna talaga syang mag college para ipaalam na gusto ko syang ligawan. Perfect girlfriend kung tutuusin si Shane, marunong sya sa lahat at kahit na mayaman sila ay hindi sya spoiled. Maswerte ako kapag pumasa ako sa kanya. Since nag Grade 11 kami, palihim ko syang sinusulyapan. Kapag kausap nya yung iba naming tropang lalaki, nagseselos ako noon. Pero sino ba naman ako, ang alam ko lang naman noon ay kaibigan lang ang turing nya sa akin.
Nalaman ko lang na may gusto sya sa akin nung graduation namin sa Hammelton.
"Congratulations guys!" halos sumigaw kaming lahat ng matapos ang graduation rites.
Lumapit ako sa mga kaibigan ko at nagcongrats din sa kanila, maya maya pa ay sa kasiyahan namin hindi ko namalayan na niyakap pala ako ni Shane, tumigil kami saglit sa pagtalon ng maramdaman nya na yakap yakap nya ako.
Nang sandaling iyon gusto ko na talagang umamin sa kanya, napansin ko naman yung ibang kaibigan naming babae na kinikilig sa amin.
Tumikhim naman si Zac at agad napahiwalay si Shane sa akin.
"Uhm sorry congrats" kitang kita ang saya sa mga mata nya kahit nahihiya sya sa akin.
"Sayo din, congrats" ginulo ko naman ang buhok nya at hinampas nya ang kamay ko
"AYIEEEE!!" sigaw nung kabarkada naming babae
"Nako, Tyler crush ka nyang si Shane!" sigaw ni Flor, girlfriend ni Peter
"Uy, grabe ka sa akin Flor. Bakit mo naman ako binubuking!" nagkunwari akong hindi ko narinig ang sinabi ni Shane.
Mula noon ay mas lalong lumalim ang nararamdaman ko sa kanya.
Nung mamatay ang prinsesa palagi akong nasa tabi ni Shane, sakin nya nilalabas ang sama ng loob nya sa pagkawala ng bestfriend nya. Hindi ko sya iniwan hanggang sa huli. Ramdam ko din ang sakit na mawalan ng kaibigan kahit na hindi kami gaanong magkaclose ni Ivory.
Hinihintay pa namin sa tapat ng Medical Dept si Shea, hindi ko alam kung bakit nagbago ang ihip ng hangin, kanina lang ay inis na inis itong si Ranz sa babaeng yun tapos ngayon balak pa namin hintayin sa pag-uwi. Ano kayang nangyari dun? Hindi ko na lang inusisa at malalaman din siguro namin mamaya ni Shane.
"Sorry, nahuli ako. Tinakasan ko kasi ang mga bestfriends ko" pawis pawisang lumapit sa amin si Shea. Kinuha nya muna ang panyo nya saka inayos ang sarili.
Umuna ako at iniwan ko silang dalawa para magsabay, dumiretso kami sa Tourism Dept, tinanong pa ni Shea kung bakit kami nandidito pero hindi naman sya inimikan ni Ranz.
Sinabi ko nga pala kay Shane na 30 minutes advance ang aming labas pero nahuli naman ako ng dating. Bawas pogi points yata ako.
"Lets go Shane" kinuha ko ang bag nya at ito namang si Ranz nang-asar pa
"Bro di ko alam gentleman ka pala" sinamaan ko naman sya ng tingin
"Gago, ganyan kasi manligaw bro hindi yung sasabihin mong mahal mo tas di mo naman ipaparamdam" pinaringgan ko naman sya kasi dati alam ko balak nyang manligaw kay Ivory tapos sinabihan nya lang ng mahal nya pero di naman pinararamdam.
Tahimik lang kami pauwi, kami lang ditong tatlo sa sasakyan ni Ranz. May sasakyan namang kanya si Shea. Hindi nagsasalita si Shane, tatabi sana ako sa kanya sa backseat kaso sa harap ako pinaupo ng mokong na si Ranz.
Malapit lang naman ang bahay kaya agad kaming nakarating. Unang nagpark ng sasakyan si Shea sa tapat ng bahay nya at dumiretso sa harap ng bahay namin. Maguusap yata sila ni Ranz sa bahay, umuna ako sa paglabas ng kotse at pinagbuksan ng pinto si Shane. Sumabay ako sa kanya papasok, hindi parin siya nagsasalita.
"Imik ka naman" tumingin sya sa akin. Tumitig lang ako sa mukha nya.
"Nahihiya ako, iba pala talaga ang feeling ng may manliligaw sayo" sabi nya
"Wag kang mailang sa akin, itrato mo parin ako ng normal. Parang ganun lang din sa dati" paakyat kami ng hagdan habang naguusap.
"Hindi naman maiiwasang mailang, lalo na at babae ako. Bakit dati ba yung mga niligawan mo hindi nahihiya sayo?" natawa naman ako ng bahagya
"Wala naman akong niligawan noon kasi sila ang nanliligaw sakin" hinampas nya naman ako sa balikat. "Aray ko, bakit ba? totoo naman sinasabi ko"
"Lakas din ng amats mo no? Sige na magbibihis muna ako at ipaghahanda ko kayo ng meryenda" binuksan nya ang pinto ng kwarto nya at hinarang ko naman ang kamay ko don
"Nagpapractice ka na talagang magkaroon ng asawa no" inirapan nya lang ako, halata naman sa mukha nya na kinikilig sya.
Napakacute nya talaga!
Ilang minuto ang lumipas, nauna akong bumaba kay Shane. Nasa sofa kaming tatlo ni Ranz at Shea. Naguusap silang dalawa hindi ko naman iniintindi at hindi rin naman nila ako tinatanong.
Maya maya ay bumaba na din si Shane, naka puting tube lang siya at red dolphin shorts. Naka ponytail naman ang buhok nya at naka turban na red.
"Anong gusto nyong meryenda?" tanong nya.
Sasagot na sana si Ranz pero naunahan ko sya.
"Ikaw! Ikaw ang gusto kong meryenda haha akin ka lang dapat" binato naman ako ni Ranz ng unan.
"Napakabastos mo bro!" nginisian ko lang sya at nakita ko namang nasa kitchen na si Shane. For sure kinikilig yan hahahaha
----
xx
BINABASA MO ANG
Bad Girl Boss [COMPLETED]
Teen FictionSantini Royal Empire is the world's famous empire in the history. Si King Harry Santini Sr. ay naluklok noong 19th century at ang kanyang henerasyon ay nagpatuloy sa ngayon. Nanunungkulan ang kanyang ika-3 henerasyon at hindi nabibigo ang mga tao sa...