31

31 2 0
                                    

Ivory






PAGKAHANAP namin ng maiisuot ni Victoria, bumaba na kami dahil ready na ang lahat. Nagtext na din si Ranz na nakapamili na daw sya ng mga lulutuin na pagkain. Siya na daw ang bahala don.






Naka maroon na one piece lang si Victoria at naka maroon din na dolphin shorts, pinatungan lang namin ng white top na see-through para hindi masyadong expose ang balikat nya. Nahihiya talaga eh hahaha






Pinapunta ko na lang din dito ang mga kaibigan namin. Sinabi ko naman kay Shane na wag ng isama si Zac dahil ayokong masira ang gimik namin.






Sakay kami ng malaking van para magkasya kami pati ang mga gamit namin. Nasa shotgun seat ako. Nasa likod ko naman si Benj, Peter, at Luke kase tatlong seat lang ang available doon. Sa sunod na upuan si Shane, Tyler,Francine at Calvin, Sa pinakadulo naman si Calyx at Victoria.






Mukhang okay naman na sina Calvin at Francine hindi na sila nag aasaran at malimit ng tumawa sa jokes ni Calvin si Francine pero kapag talagang nakikita nya si Victoria at Calyx may kung anong lungkot sa mata nya.






Lagi namang magkasama sina Victoria at Calyx sa school. Pero sa palasyo madalang lang sila magkasama, baka kase mahuli nina mommy at daddy mamumura si Calyx. Sinabihan ko naman sya agad about doon at alam naman daw nila ang limitations nya.






What if mag palaro ako mamaya? Hmm? Spin the bottle? HAHAHA Sigurado akong mag kakaaminan mamaya ng feelings.






After 45 mins nakarating kami sa resthouse. As usual nakakita na naman ako ng mga nakanganga. Kulang na lang pasukan ng kung ano ano sa bibig, kami lang magkakapatid ang hindi nabigla kase nakapunta na kami dito.






Tuwang tuwa naman si Shane, ang tagal na daw nya sa Kentwood pero ngayon nya lang nakita ito.






Umuna naman ako sa Resthouse para tulungan si Ranz. Hinayaan ko naman silang mag sight-seeing dahil alam kong namamangha parin sila sa ganda dito.





Kasunod ko naman si Manong Rudy na bitbit ang mga beer at drinks namin para mamaya. Nasa cooler kasi hindi ko naman kaya.






"Dito nyo na lang po ilagay Manong Rudy, salamat po" tumango naman sya at pumasok sa loob para tulungan si Ranz.






Sumunod naman ako at pagkabukas ko palang ng sliding door. Naamoy ko na agad ang niluto nya.






Sisig, lumpia, dynamite, kalderta at kung ano ano pang pamulutan ang nandito, may rice din kase baka daw magutom yung iba. May pizza ulit, ibat ibang flavor. Hindi naman mawawala yung favorite kong cheese overload. Yey!






"Ang bilis mo namang magluto, sana next time turuan mo naman ako" umupo naman ako sa harap ng maliit ng table at humarap sa may kitchen.






"Bakit? Handa ka na bang mag-asawa?" napaubo naman ako sa sinabi nya. Ano? Asawa?






"Ha? H-hindi! Grabe ka naman" potek nauutal tuloy ako






"Hahaha, ano ba joke lang" lumapit naman sya sakin at ginulo ang buhok ko.






"Guys! zup?" rinig kong sabi ni Ranz kaya tumayo naman ako at humarap sa pinto dahil pumasok na yung mga kasama ko.






Bad Girl Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon