Chapter 7

73 4 0
                                    


Ivory.

NAKAKATUWANG isipin na marami pa pala talaga akong bagay na hindi nasusubukan. At kung hindi dahil kay Ranz, hanggang ngayon hindi ko pa sana to magagawa.



"okay!" sinara ni Ranz ang pinto ng kotse. Hindi ko alam kung saan ang lugar na ito pero sobrang ganda.



"Welcome to my favorite place" inikot ko ang paningin ko para masilayan ang ganda ng lugar na ito



May malawak na tubig na nanggagaling sa bundok, may falls at sobrang linaw ng tubig as in. May kubo malapit sa falls. Kubo kung tawagin pero sa tingin ko at malaki pa ito sa kubo.



Hinawakan ni Ranz ang kamay ko at nagtungo kami sa kubo. Pagdating namin dito, mukhang rest house ang bahay na ito. super ganda. Glass wall lang ito at wooden ang floor.



"Pinagawa ko ito 2 years ago, nag ipon ako para makapagpagawa ng bahay dito. Maliit lang pero nandito lahat ng kailangan ko"



Pinakinggan ko lang syang magkuwento.



"Una kong nadiscover ang lugar na to 6 years ago. which means bago pa kita makilala. Wala pa kong nadadala dito. Lagi akong pumupunta dito para ikalma ang sarili ko. After non, nakilala kita at gumaan ang loob ko sayo. Nagpromise ako sa sarili ko na magpapagawa ako ng bahay at ikaw ang una kong dadalhin dito dahil napasaya mo ako nung makilala kita kahit saglit lang"



Tumingin sya sakin, hindi ko maiwas ang tingin ko sa kanya. Feeling ko nagfreeze lahat.




"I'm so damn speechless"



"Why?"



"Nothing uhm, tara swimming na lang tayo?" yun na lang ang nasabi ko



Shit! wala naman akong dalang pang swimming? Paano na?



"pwede mong gamitin tong shirt ko" alok ni Ranz at paglingon ko sa kanya. God. Naka topless na sya. geez! Bakit?.. Bakit??... What?? Anong iniisip ko!? Iww



"Ivory?" tawag nya



"Ahh haha oo ano yang, can I borrow your s-shirt?" umayos ka nga Ivory parang di ka Prinsesa.



"Oo naman, pasok ka na lang sa loob, dun ka magpalit"



Pumasok ako sa loob at huminga ng malalim. Hay nako Candice Ivory, wag ka ngang ganyan. Arggggghh! Stay Calm okay! Focus!



Medyo mahaba yung shirt nya umabot hanggang taas ng tuhod ko. Ayokong mabasa yung short ko kase maong yun matagal matuyo kaya hinubad ko na din. Hindi naman siguro halata na naka panty lang ako.



Lumabas na ako at nakita ko syang nasa tapat ng falls. Naglangoy ako papunta dun at umupo sa malaking flat na bato. Sarap sa balat ng tubig di gaanong malamig at di gaanong mainit. Sakto lang.




"Hey!" tawag ko kay Ranz



"Hey"



"Oh bat parang ang tahimik mo?"


"Ah wala lang ang lamig kase"



"Tara kase swimming tayo dalii" tumayo ako sa bato. niyaya ko sya hinila pero na out of balance ako.



Hindi ko kayang tumayo, parang nagslow mo ang paligid, napapikit na lang ako at ng maramdaman kong parang hindi parin ako bumabagsak ay iminulat ko ang aking mga mata. Hawak ako ni Ranz. Sobrang lapit ng mukha namin sa isat isa.



Tumitig ako sa kanya, napakaganda ng mga mata nya, light brown ang kulay nito, matangos ang ilong nya at pink ang kulay ng labi nya. Ngayon ko talaga masasabi na ang gwapo gwapo nya sa malapitan. Naramdaman kong umikot ang palad nya sa likod ko, hinatak nya ko patayo para lalong mapalapit sa kanya. Shit ramdam kong umiinit ang pisngi ko. Halata nya kaya na nagbublush ako? Nagbublush nga ba ako??



Tutungo sana ako pero pinigilan nya ang baba ko.




"Alam mo Princess Ivory, may matagal na kong gustong sabihin sayo kaso malayo ako. Hindi ko yun magawa kase hindi kita nakakasama. Pero ngayon siguro naman maaari ko na tong sabihin sayo. I like you Ivory. Hindi dahil prinsesa ka, mayaman ka hindi. Minahal kita sa paraang alam ko lang. Dahil sa katangian mo"




Oh god! I'm speechless again and again! Ngayon lang may nagconfess ng ganito sakin at kahit kailan hindi pa ko nakakaranas ng ganito.


"Uhm ahh ano, tss. ano bang dapat kong sabihin?'



"Ssshhhh" pinigilan nya akong magsalita gamit ang hintuturo nya



"Wala kang kailangan sabihin" Hinawakan nya ang pisngi ko. Unti unti nyang inilalapit ang kanyang mukha saakin, pumikit na lang ako at..



NARAMDAMAN KO ANG PAGDAMPI NG KANYANG MGA LABI SAAKIN.



---

Bad Girl Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon