EPILOGUE

82 1 0
                                    

*Mas maganda kung papakinggan nyo yung A Thousand Years ni Christina Perri habang binabasa nyo ito*





IVORY





Nagulat ako ng nagsalita si Calyx at inagaw ang mic kay Ranz, napasama pa ang pangalan ko.





Hindi ko naman sinunod ang sinabi nya pero pinilit nya akong tumayo sa kinauupuan ko. Nang makarating kami sa unahan ay nasulyapan ko namang tinapik nya pa si Ranz at itinulak ako. Nag thumbs up pa ang loko kay Ranz bago bumalik sa tabi ni Victoria.





"Uhm, Ivory. My Princess"





Halos mabingi ako sa hiyawan ng mga nanunuod sa amin. Pati na din sina Mommy at Daddy ay nakikibulyaw pa





"Ilang taon na din tayong nagmamahalan, kasama kita sa lahat. Sa pagtupad ng pangarap ko ay palagi kang nakasuporta. Hindi ko naman minadali ang lahat kaya ngayon ko lang ito sasabihin sayo. Mas gusto ko rin na planado para sa Prinsesa at Binibini ko"





Nakita kong may kinuha sya sa bulsa at bumungad sa akin ang isang singsing na may dyamanteng bato sa gitna. Napapaluha kong tumingin sa kanya at sya naman ay nakaluhod lamang sa tapat ko.





"Princess Ivory, kahit akoy simpleng nakapagligtas mo lamang. Maaari ko bang hingin ang iyong kamay, para ikaw ay pakasalan? Will you marry me my Princess?"





Nagpipigil hininga ako ngayon dahil hindi ko inexpect ito. Akala ko tatandang dalaga na ako. Charot hahahaha





"Ranz, ano kasi" nakita ko naman sa mukha nya ang panlulumo.





Pakakabahin muna kita.





"Mahal kita, mahal na mahal. Kaya oo ang sagot ko. Baliw ka ba!? Oo gustong gusto kong makasal sayo! Letse akala ko tatanda na akong dalaga" nagpatakan naman ang luha ko na kanina ko pang pinipigilan.





Naluha ako dahil sa saya. Saya na maaaring habang buhay kong maranasan sa kanya. Sa aking mahal.. sa prinsipe ng buhay ko.





Nagtawanan naman ang mga bisita at nagpalakpakan.





Hindi ko inaasahan na aabot kami sa ganito ni Ranz, na feeling ko ay palagi ko na lamang syang binibigyan ng sakit ng ulo noong mga panahon na kailangan ko pang alalahanin lahat ng bagay na kailangan kong maalala.





Hanggang sa maabot ko ang pangarap kong maging isang Prime Minister ng Kentwood. Nandyan din ako nung maabot ni Ranz ang pangarap nya. Ilang taon nya din ako inintindi kahit na napaka topakin ko, napaka sira ulo ko, napaka pasaway ko ay hindi nya ako iniwan, hindi nya ako niloko.





"Baby ko" kahit na 26 years old na ako ay baby parin ang tawag sa akin ni mommy.






"Dont call me baby mom, I grew up now" tinititigan ko ang itsura ko sa salamin.





Suot ang puting gown.. finally heto na ang hinihintay kong sandali sa buhay ko.





Ang aking happy ending..





"Mahal na mahal kita anak, mahal ka namin ng daddy mo" nakita ko namang naluha si Mommy.





Kahit sya ay palaging nariyan sa akin noon, hindi sya sumukong ipaalala lahat sa akin ang mga masasayang ala-ala naming dalawa kasama si Daddy.





Bad Girl Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon