49

23 3 0
                                    

Special Chapter!!!




Charlotte




ITS SATURDAY! Excited na akong umuwi sa mansion, bored na bored ako dito sa modelling school. Hindi pwedeng lumabas kapag hindi pa weekend, bakit kasi dito pa ako ipinasok nina daddy. Ang dami naman dyang modelling school na hindi mahigpit.




Matagal na din akong wala sa bahay, hindi ko na alam kung anong ganap sa doon, ni hindi man lang nga ako kinakamusta ni Saizy even my mom and my dad. Kaya napagplanuhan ko na hindi ipaalam sa kanila na uuwi ako.




3 hours lang naman ang byahe, hindi ko na nagawang matulog sa van dahil excited talaga ako. Halos mabilis ang byahe at oras kaya nakarating ako agad sa mansion.




Nagulat naman ang mga katulong dahil nakita nila ako muli, nakita nila ang kagandahan ko hahahaha




"Wag nyong sasabihin kay Dad, Saizy and Mom na nandito ako ha. Isusurprise ko sila" bilin ko sa lahat ng katulong namin.




Dumiretso ako sa front door ng may narinig akong usapan




"Balak naming kidnapin ang anak ng Imperial, Mitchell at Lincoln mamaya sa tulong ni Saizy. Nagpresenta sya na magkunwaring si Shea, para makuha ang loob nung tatlo. Papunta na ako sa address na ibinigay mo sa akin. Isasama ko na din doon si Saizy. Magkita kita na lang tayo. Wala si Irma dito nasa opisina siguro, sige ibababa ko na" tumago ako sa tabi, baka makita ni Daddy na nakikinig ako sa kanya.




Maya maya pa ay dumiretso na sya sa family van namin at umalis. Umakyat ako sa kwarto ko at nagdial ng number sa phone. Kailangang malaman ito ng Hari at Reyna, pati na din ang Imperial at Mitchell.




Si Mrs. Imperial ang una kong tatawagan, sya na ang bahalang magpaliwanag sa Hari at Reyna.




"Hello, Tita? Si Charlotte po ito"




[Oh hija, napatawag ka? May problema ba?]




"Yes po meron po, kasi po kararating ko lang dito sa bahay namin at narinig ko si Dad na kausap yata si Tito Luis yung tatay ni Vienna, kikidnapin daw nila si Ranz, Tyler at Shane. Kung pwede po ay pumunta na kayo dito sa US ngayon din. Susundan ko po sila at bibigyan ko kayo ng update mamaya"




[Sige sige hija salamat sa impormasyon, tawagan mo lang ulit ako mamaya ha]




"Sige po tita I will, isesend ko na lang po sa inyo ang address kapag nasundan ko na si dad"





Binaba ko na ang phone ko, nagbihis ako ng panibagong damit, all black. Para hindi ako mapansin mamaya in case na masundan ko sina Daddy. Nagponytail din ako at nagsuot ng cap. Sa likod ako ng bahay dumaan, pinagbilin ko pa ulit sa mga katulong na wag sabihin kay mommy o kahit na sino na nakauwi na ako.




Mabilis akong nagdrive para masundan si Daddy, thank god at traffic sa labas ng village kaya ngayon ay magkasunod lang kami. Hindi alam ni daddy na bumili ako ng kotse at sa likod ng mansion ko pinark kaya kahit mapansin nya ang plaka ko ay hindi nya makikilala ang sasakyang gamit ko.




Nang makaluwag ang traffic ay binagalan ko ng konti ang pagpapatakbo, para hindi rin mapansin ni Daddy na sumusunod sa kanya.




Napaisip ako kung bakit pati si Saizy ay sumang-ayon sa plano ni Daddy Jerry, Tito Paul at Tito Luis. Alam ko naman lahat na balak nilang kuhanin ang trono ng Hari sa kanya pero akala ko noon ay nagbibiro lamang ang mga ito.




Si Tito Luis lang naman ang kapatid ni King Harry sa ama at kapatid ng daddy ko si Daddy Jerry at Tito Luis sa mommy lola ko. Ayoko ng gulo, oo mataray ako at maldita sa school o sa kahit saan pero kapag patayan na ang usapan, ayoko ng ganun. Natatakot ako, pagdating dito talo kami. Mas malakas ang hukbo ng emperyo kesa sa amin, simpleng tao lang kami.




Kaya hindi tinuring ni King Harry II na anak si Tito Luis dahil anak ito sa labas at dahil sa pagsunod sa batas ay ang pinamanahan nya ng korona ay si King Harry III.




Sa pagiisip ko ay hindi ko namalayan na nakatigil na pala ang sasakyan ni Daddy. Malapit kami sa gubat kung saan may tinatagong planta sina daddy, pagmamay-ari ito ni Mommy Lola noon, imbakan ito ng kopra kaso na bankrupt ito dahil nadepress si Lola sa nangyari sa kanila ng dating Hari.




Inatras ko ang kotse ko baka magtaka si daddy, hindi muna ako lumabas. Naghintay pa ako ng ilang minuto at nakita ko namang magkasunod si Tito Paul at Tito Luis kasama si Daddy at Saizy na inaayos yung maskara nya, napaharap sya sa pwesto ko at tiningnan maigi ang aking kotse habang nagsusuot ng maskara. Kamukha ni Ivory yung sinusuot nya, kaya pala sabi ni daddy nagpresenta sya. Bakit Shea yung pangalan na narinig ko.




Dami namang ganap tss, di ko na maintindihan kung ano iisipin ko!




Tinawag na siguro sya ni Daddy kaya wala syang nagawa kung hindi umalis. Nung makalayo layo sila ay bumaba ako sa kotse at nagpunta sa abandonadong lugar sa gubatan. Hindi naman ito masyadong malayo, tinext ko na rin si Tita at sinend ko ang address kung nasaan kami.




Bubuksan ko sana yung pinto kaso nakalock, wala naman akong susi. Anong oras pa sila babalik kung mananatili ako dito. Anong oras na, ang aga aga pa?



Sumandal ako saglit ng may nagtext sa cellphone ko.



From: Tita

On the way na kami hija, madali lang ang magiging byahe namin dahil naka private plane kami. I update you kapag nasa airport na kami. Kasama ko ang Hari at Reyna pati na din ang kambal. Si Mr. Mitchell at Mr. Lincoln ay kasama ko din. Susunod na din si Zac from Military School. Hintayan mo kami, madami na din tayong back up. Magiingat ka baka makita ka ng iyong magulang.



Nag reply naman ako sa kanya.



To: Tita

Yes tita, kayo din po magiingat. Text nyo po ulit ako kapag malapit na kayo. Sige po.



Kinakabahan ako, sarili kong magulang ay kinalaban ko. Ayoko kasing may mapapahamak, ayokong may masasaktan. Bakit kasi ganito na lang kagahaman ang pamilya ko?



----



xx

Note: Kung hindi nyo po nagets ang family cycle ng Hernandez at Flin ay ito:

Luis Hernandez - Father ni Vienna, anak sa labas ng dating hari na si Harry II, step brother ni King Harry III

Jerry Flin- Father ni Charlotte at Saizy, kapatid ni Luis Hernandez sa ina

Paul Flin- Father ni Jon, kapatid ni Luis Hernandez sa ina

Hernandez ang apelyido ng nanay nila nung dalaga pa, at nagkaroon ito ng bagong asawa ng maipanganak si Luis, at Flin na ang naging apelyido ng nanay nila hanggang sa mamatay.

Bad Girl Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon