Chapter 1

273 10 0
                                    


7 years later...



NAG-EENSAYO ang dalawang kapatid ng prinsesa na sina Calyx at Calvin habang nagpapahinga ang prinsesa sa ilalim ng puno. Marahil lingid sa kaalaman ng karamihan na simula nang may nangyaring trahedya noong kaarawan niya, pitong taon na ang nakalilipas ay minabuti ng kanilang ama na pag-aralin sila ng self-defense kung kaya't alam at handa sila sa kung ano man ang mangyari. Ang alam din ng mga tao ay ipinadala ni King Harry at Queen Dalia sa ibang lugar ang kanilang mga anak para sa kaligtasan ngunit nasa palasyo lamang ang mga ito at doon nakatira. Hindi sila pinalalabas ng kanilang ama at ina at ang tanging nakakaalam lamang na nandoon sila ay ang mga katulong at ang mga pinsan nila. Ngayong mag lalabing-walong taon na ang prinsesa ay hindi man lang nila magawang icelebrate ang birthday nito. Para na din maging ligtas ang mga taga Kentwood at ang Royal Empire.




"Siguro naman Honey, pwede nating pag-aralin ang ating mga anak sa Hammelton, hindi naman nasubaybayan ng mga tao ang paglaki nila at sigurado akong hindi sila makikilala ng mga tao at ng magiging kaklase nila"




"Magandang ideya yan honey pero nag aalala parin ako sa mga anak natin"



Hindi alam ni King Harry at Queen Dalia na narinig ni Princess Ivory ang pag-uusap nila. Dumiretso sa hardin ang prinsesa at hinanap niya ang kanyang mga kapatid.



"Calyx, Calvin, may balita ako sa inyo"



"Ano yun ate?" tanong ni Calyx



"Gusto ni Mommy, na pag-aralin tayo sa Hammelton"




"Talaga? Paano yun? Baka mabuking nila ang gang natin ate?" pag-aalalang sambit ni Calvin




"Dont worry guys, we will have a meeting tomorrow. Tell everybody na mahalaga ang meeting na to, okay?"




"Yeah mas mabuti ng handa tayo, ang alam kase nina mommy at daddy na walang nakakakilala satin except sa mga pinsan at childhood friends natin"




Sumenyas si Prince Calyx kay Princess Ivory dahil paparating ang magulang nila. Ngumiti lang ang tatlo na parang walang nangyari.




"Let's go mga anak, kakain na tayo at we will watch movies right? Sunday ngayon! Family Day!"




"Yes mom, we will be there"






Ivory.

Sarap pagmasdan ng mga bituin sa langit, nagkikislapan, malaya... Malaya? Hangad kong maging malaya pero hindi naman mahalaga yun kase may mabubuti akong kaibigan at pamilya. Katatapos lang naming manood ng movie. 12 am na pero di parin ako dinadalaw ng antok. Nasa veranda ako ngayon at nakahiga sa duyan. Hanggang ngayon hindi parin mawala sa isip ko ang lalaking nagligtas ng buhay ko nung pitong taong gulang pa lang ako. Utang ko sa kanya ang buhay ko. Asan na kaya sya?




*kring kring*




Nagulat ako ng biglang tumunog ang telepono sa loob ng kwarto ko.




"Hello?"




"Hi Princess" si Shane, bestfriend ko at part din ng gang namin. Rank 6 at hinahangaan ng mga lalaki pagdating sa pakikipaglaban.





Bad Girl Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon