50

25 3 0
                                    

Ranz





HINDI na naituloy ni Saizy ang pagsampal nya kay Ivory dahil dumating na si Luis Hernandez pati sina Paul at Jerry Flin. Kasunod nila si Jon, pinag-aralan muna nila ang kami bago sila nagsalita.





Mauuulit na naman ang pangyayaring ito, pero hindi ko hahayaang mawala na naman si Ivory sa amin, sa Royal Empire.





"Magandang araw mahal na prinsesa" nang-aasar na bati ni Luis kay Ivory. Sinamaan nya lang naman ito ng tingin.





"Natatanga ka na ba? Walang maganda sa araw ko ngayon, walang hiya ka!" tumawa naman ng pagkalakas lakas si Luis. Mga baliw.




"Daddy, tama na pakawalan mo na kami dito! Wala namang kasalanan sayo si Ivory pati sila. Kung gusto ninyong makabawi pagusapan nyo sa magandang paraan, hindi ganito. Wag nyong ilagay sa kamay nyo ang batas" iyak na sigaw ni Vienna.





Naaawa ako sa kanya, pati sya ay hindi pinalampas ng kanyang ama. Iba na talaga ang sakit sa ulo nitong si Hernandez.





"Ano? Nahihibang ka na ba? At saka wag ka ngang pumutak dyan! Tinaraydor mo ako kaya manigas ka!"





"Wala kang kwentang ama" sa inis no Luis ay nilagyan nya ng tape ang bibig nito.





Kinuha nya ang baril sa may lamesa.





"Subukan mo pa akong suwayin, papatayin na talaga kita!"  tinutok nya ang baril sa ulo ni Vienna. Napahikbi naman si Shane sa awa kay Vienna.





Vienna don't deserve it from her dad. May sakit na yata talaga sa ulo itong si Luis.





Inalis na nya ang pagkakatutok nito sa ulo ni Vienna at inilipat kay Ivory. Nanlaki naman ang mata nya at ramdam ko na malaki ang kaba na kanyang nararamdaman.





"Ikaw at ang pamilya mo lang naman ang gusto kong patayin pero hindi ko rin alam kung bakit ng dahil sayo ay maraming nadadamay pa. Madali sana ang trabaho ko kung walang sumisingit singit sa plano ko!" tumingin naman sya sa akin at ibinalik muli ang tingin kay Ivory.





"Alam mo kung bakit maraming nadadamay ng dahil sa akin" nangunot naman ang noo ni Luis. Saan pa ba humuhugot ng lakas ng loob at the same time may kaba sa loob nya itong si Ivory? Babae sya at kung ibang tao lang ito ay hindi na yan magsasalita pa.





"Bakit?" nagtatakang tanong ni Luis.





"Dahil maraming nagmamahal sa akin. Sayo kasi wala" inihampas naman bigla ni Luis ang baril sa ulo ni Ivory, nakita ko kung paano sya napapikit ng maramdaman ang sakit na dulot noon.





"Tama na! Wag mo na syang saktan. Wala ka talagang kwenta! Kung inggit ka dahil hindi mo makuha ang kaharian sa mga Santini, mamuhay ka na lang ng normal kesa manghimas ka ng rehas" sigaw ko.





Matalim na tingin naman ang aking natanggap sa kanya. Pero hindi sya sumagot.





"Uunahan ko lang naman kayo, hindi ko rin naman kayo patatagalin dito. Papatayin ko kayo. Hanggang sa mabulok na lang kayo at hindi na kayo makita ng mga magulang nyo. Lalo ka na!" turo nya kay Ivory. "Isang taon ka rin nawala sa magulang mo, kaso sa kasamaang palad akala mo makikita ka pa nila pero nagkakamali ka dahil hindi na!" tumawa ng malakas sina Luis, Paul, Jerry at Saizy.





Bad Girl Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon