Ivory
NAPAKABILIS ng mga pangyayari, may dumating nga na tutulong sa amin kaso, nabaril parin si Vienna. Tatlong araw akong namalagi sa hospital, at ngayong araw na ito ang labas ko. Didiretso ako sa mansion ng mga Hernandez, doon nakaburol si Vienna. Ikukulong din sana si Mrs. Hernandez si Mommy Elma dahil alam nya ang tungkol sa lahat ng pakay ng kanyang asawa, pero napawalang sala ito dahil hindi naman sya sumama sa plano, si Saizy at Jon naman ay nakulong din dahil nasa legal age na sila. Habang ang parusang kamatayan naman ang ipinataw kay Luis, Jerry, at Paul.
Sinundo ako ng guard namin kasama si Ranz para samahan papunta sa mansion. Hindi ko pa nakakausap ang aking mga magulang at kapatid dahil busy pa sila sa kaso na idiniin noong mga nakaraang araw pagkatapos ng nangyari.
Nandito parin kami sa US, pagkalibing pa ni Vienna kami makakauwi ng Kentwood. Napagalaman ko din na si Charlotte ang tumulong kay na Tita sa nanay ni Ranz para mailigtas kami. Hindi pa ako nakakapagpasalamat sa kanya dahil sinasamahan nya ang kanyang ina na nagdadalamhati sa pagkakakulong idagdag pa ang parusang kinahinatnan ng kanyang asawa.
Sa aking malalim na pagiisip ay hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng mansion. Bumalik sa akin lahat ng ala-ala kung paano ako kamuhian ni Luis at si Vienna lang ang tanging taga salba ko. Nawala pa sya, nahihiya ako kay Shane dahil alam kong iniisip nya na parang mas matagal ko pang kilala si Vienna kesa sa kanya. Marami pa akong dapat pagdaanan dahil isang taon din akong nawalan ng ala-ala. Hindi naman agad manunumbalik ang lahat sa akin, kailangan ko pa rin ng konti pang oras at pahinga.
"Tara na?" giniya ni Ranz ang kamay nya para alalayan ako.
Hinawakan ko naman iyon ng walang pag-aalinlangan. Hindi ko ba alam kung ngingiti ako dahil sa loob ko ay masakit parin ang pagkawala ni Vienna.
Maraming tao sa loob ng mansion, siguro ay mga relatives ito ng Hernandez. Naagaw ko naman ang atensyon nilang lahat. May mga nagbubulungan at meron ding ngumingiti ng mapait sa akin.
Hindi ko sila masisisi, kung ako man o ang pamilya ko ang sisisihin nila sa pagkamatay ni Vienna ay tatanggapin ko iyon. Pero hindi parin niyon matatakpan ang butas sa ginawang krimen ng kanyang ama.
Hindi ko kinamumuhian si Mommy Elma at Vienna, kinamumuhian ko si Luis dahil nagawa nyang maging sakim ng dahil lang sa trono na gustong maagaw sa aking ama. Hindi nya naisip na may mga tao syang maiiwan pagkatapos ng lahat.
Nilapitan ko si Mommy Elma at agad naman syang lumapit sa akin, humagulhol sya at napaluha na lang ako, wala ni isang salita ang lumabas sa aking bibig. Hinintay kong humupa ang mga luha nya bago ko siya bibitawan.
Lumipas ang ilang oras ay kokonti na din ang tao dito sa mansion, halos yung iba ay nag alisan na at babalik na lamang daw kapag ililibing na si Vienna. Nakaupo ako sa harap ng coffin ni Vienna, pinagmasdan ko ang malaking litrato sa tabi noon.
Salamat sa kaunting oras na pagsasama natin Vienna, mabibigyang hustisya na ang pagkamatay mo. Kahit sarili mong ama ang gumawa sayo niyan ay hindi namin sya kaaawaan. Patawad kung ganoon na lamang ang mangyayari. Sana maunawaan mo at alam kong hangad mo lamang ang kaligtasan ng lahat.
Tumulo na naman ang mga luha ko, pinunasan ko iyon ng aking palad at ng tumunghay ako ay may nakatayo sa harapan ko. Iniabot nya ang panyo sa akin..
"Salamat.. Ranz" tumabi siya sa bakanteng upuan sa tabi ko.
"Palagi ko naman yang ginagawa sayo, hindi mo na kailangang magpasalamat" ngumiti sya sa akin.
Ang mga ngiting yun ang matagal ko ng gustong makita, pumasok sa mga ala-ala ko kung paano nya ako napasaya, kung paano kami magbonding kasama ng mga kapatid at kaibigan namin at higit sa lahat ay kung paano ko natanggap mula sa kanya ang aking unang halik..
Napaiwas ako agad ng tingin, feeling ko ay nag aapoy ang aking pisngi. Kahit pala nagka-amnesia ako, babalik at babalik sa akin ang mga masasayang alala mula sa nakaraan.
Pasalamat din kay Vienna dahil inaagaw nya sa akin yung gamot na pinaiinom ng walang kwenta nyang ama. Drugs pala iyon.
Dumating na ang araw, ihahatid na sa huling hantungan si Vienna. Hawak ang isang rosas na puti ay binitawan ko ito sa tapat ng ataol na unti unting tinatakpan ng lupa.
Yakap yakap ko si Mommy Elma, nakakalungkot isipin na magisa na lamang siya sa buhay. Kahit ang bangkay ng asawa nya kapag ito ay kinitil ay hindi nya puwedeng makita.
Ang mga bangkay nito ay ilalagi sa sementeryo ng mga taksil sa bundok ng Kentwood. Maaaring marami ang magbago sa buhay nya pero isa lamang ang hinihiling ko. Iyon ay maging maayos ito at makapag simula ulit si Mommy Elma ng bago at magandang buhay.
Nung hapon ding iyon ay umuwi kami ni Ranz sa Kentwood. Hindi pa ako handang makita at makausap muli ang aking mga magulang. Hindi ako mapakali sa pagkakaupo ko sa eroplano ng biglang hinawakan ni Ranz ang kamay ko. Tumingin naman ako sa kanya at ngumiti sya sa akin. Kahit papaano ay nabawasan lahat ng kaba ko.
Mabilis lamang ang byahe namin dahil private plane ang sasakyan. Halos ilang araw na ding hindi nakakapasok sa school si Ranz, Tyler at Shane sa Vassar. Pumayag naman ang Dean dahil nagpadala ng sulat si Mommy at Daddy sa kanila.
Dumiretso kami sa palasyo, nakakamiss ang lugar na ito. Nilibot ko ang aking paningin, hindi ko na matandaan ang bawat sulok ng palasyong ito. Malaki nga ang naging epekto sa akin ng pagkawala ng memorya pero nananatili sa puso ko ang pagmamahal sa mga kaibigan ko lalong lalo na sa pamilya ko.
Ibinaba ng driver namin ang dala naming gamit. Pag pasok na pagkapasok pa lang namin sa pintuan..
"WELCOME BACK PRINCESS IVORY!" Sigaw ng mga kaibigan ko, pinsan, specially Victoria, my siblings and my parents.
Napaluha ako sa saya, namiss ko ito.
Namiss ko ang Kentwood..
----
xx
BINABASA MO ANG
Bad Girl Boss [COMPLETED]
Dla nastolatkówSantini Royal Empire is the world's famous empire in the history. Si King Harry Santini Sr. ay naluklok noong 19th century at ang kanyang henerasyon ay nagpatuloy sa ngayon. Nanunungkulan ang kanyang ika-3 henerasyon at hindi nabibigo ang mga tao sa...