52 - Calyx

22 2 0
                                    

....



NARIRINIG ko ang ingay mula sa labas ng palasyo, kasalukuyan akong nagbibihis para sa gaganapin na paglilipat ng korona maya maya lamang.



Maraming nangyari ng mga nakalipas na taon, hindi ko nga akalain na ang aking ate na si Ivory ay buhay pa at itinago lamang siya ng mga Hernandez sa amin.



Masaya at tahimik kaming namuhay mula ng mahuli ang kapatid ni Daddy. Nakapagtapos na din ako ng pag-aaral sa kursong Political Science. Hindi na din ganoong kahigpit sina mommy at daddy, kahit na nasa amin na ang lahat ay pinayagan nila akong magtrabaho sa binuo kong law firm kasama ang magiging fiancé ko.



Sa pag-aayos ko ng necktie ay biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.



"Babe, halika na malapit ng magsimula, pinatatawag ka na din ni tito at tita, handa ka na ba?" lumapit ako sa kanya at niyakap sya. Napakaganda talaga nitong magiging fiancé ko.



"Oo naman, handa na ako. Sobrang saya ko nga eh"  hinalikan ko naman sya sa noo.



"I'm so proud of you babe, you did better decision for your family and for Kentwood"  ngumiti naman ako sa kanya, proud na proud din ako sayo Babe.



Wag kang mag-alala, hindi lang mga tao sa Kentwood ang masusurprise, ikaw din.



Bumaba kami sa at nakita kong nasa sofa ang mga magulang ko, si ate Ivory, Calvin, at ang Imperial. Marahan akong sumilip sa may bintana ng makita ko kung gaano karami ang tao sa harap ng palasyo.



Halata sa mga ngiti nila na masaya silang may bagong mamamahala ng Kentwood, tapos na ang termino ni Daddy kaya kailangan na niyang ipasa ito sa tagapagmana.



"Hi Franzie! How are you little boy?" binuhat ko naman ang makulit at bibong bata sa na tumakbo pa ng makita ako.



"Papa! I want chocolates, Mommy is angry because she doesnt want me to eat. Magdudumi daw ang aking shirt" nagpout pa sya para magpacute napatingin naman ako kay Babe at may kinuha syang maliit na chocolate bar sa pouch nya.



"Yey, thankyou mommy!" ibinaba ko na si Franzie at dumiretso sya kina mommy para pabuksan yung chocolate.



"Uhm, excuse me King Harry and Queen Dalia. The broadcast live starts in any minute now. Be ready!" tumayo naman na si Daddy at inayos ang damit nya.



Lumabas na sya ng balcony at nagsalita sa harap ng maraming tao, naririnig namin lahat ang sigawan ng mga tao dahil excited na din sila.



"Malugod kong ipinakikilala sa inyo. Ang aking anak, ang susunod na taga pamahala ng bayan ng Kentwood. Prince Calvin Zei Santini with his lovely wife Princess Francine Lincoln and his handsome son, my grandson, Franzie Santini"  kumaway naman sila sa mga tao bago kami sumunod nina ate.



"Karangalan kong isalin ang koronang ito saiyo aking anak, ipangako mong hindi lang ang iyong pamilya ang iyong mamahalin kundi pati na din ang buong bayan ng Kentwood." ipinatong na ni Daddy ang korona kay Calvin.



Oo, si Calvin ang susunod na magiging Hari ng Kentwood. Hindi na kami nagtalo pa kung sino ang magmamana ng koronang ito, marami akong gustong marating sa buhay. Kahit hindi ako ang Hari ay mataas din naman ang katungkulan ko, Presidente ako ng Kentwood, Santini parin ako. Hindi mababago iyon at nananalaytay parin ang dugo ng Royal Empire sa akin.



Mas magiging maayos ang bayan kung si Calvin ang mamumuno.



Sa aking malalim na pag-iisip ay hindi ko namalayan na tinawag pala ako ng aking kakambal. Heto na, kinakabahan na ako.



Ibinigay nya sa akin ang mikropono, tumingin naman ako kay daddy at mommy bago nagsalita



"Sa ilang taon na pagpupursigi ay nakamit naming magkakapatid ang aming mga hangarin. Hindi lang para sa amin kundi para din sa aming pamilya. Noong una ay hindi namin akalain na mabubuo pang muli ang pamilya namin dahil alam nyo naman, nabawasan kami ng isa. Yun ang pinakamasakit na parte para sa amin. Ngunit lumipas lamang ang isang taon ay napag-alaman naming hindi pa pala patay si Ate at malaking pasalamat namin yun dahil lalong naging matatag ang relasyon namin, buong pamilya.shit ang drama ko na yata hahahaha



"Ngayon ay nagkakaroon na kami ng ibat ibang desisyon, propesyon na mas maluwag tanggapin sa aming puso. Katulad na lang ni Calvin. Hindi kami nagkaroon ng issue sa kung sino ang magiging sunod na Hari, hindi dahil sya ang unang nagka-anak saming magkakapatid ay sya na ang Hari. Hindi po totoo iyon, talagang mas maluwag sa puso ko ang politika. Hindi man ako ang naging Hari ay nandito ako para maging Presidente ng bansang ito at malugod kong ginagawa ang mga tungkulin na dapat para sa akin, pero may kulang pa. Feeling ko ay kailangan ko na rin ng kaagapay sa buhay."
tumingin ako sa pinakamamahal kong babae. Naguguluhan syang tumingin sa akin.



"Alam mo, sa dami ng pinagdaanan natin sa buhay. Ikaw yung kasama ko, ikaw yung kaagapay ko. Ikaw ang nagpapasaya sa buhay ko kapag malungkot ako. At hindi ko iyon pinagsisisihan. Gusto ko lang sabihin sayo na" lumuhod ako at inilabas ko ang maliit na box galing sa bulsa ko at binuksan iyon. Nakita ko namang naluha sya, hindi sa sakit kundi sa saya.



"Will you marry me?"  nagsigawan lahat ng tao ng sabihin ko iyon. Pucha teka lang wala paaaaa!!!



"Calyx, thankyou, and... yes!" hindi ko na naisuot sa kanya ang singsing at binuhat ko na sya sa tuwa.



"Thankyou babe, thank you so much!!!" hinawakan ko ang pisngi nya at ginawaran iyon ng halik.



Lalong nagsigawan ang mga tao, niyakap ko ulit sya at iniharap sa magulang ko. Malugod nilang niyakap ang magiging prinsesa ko ang future wife ko.



"Congrats, Calvs! Big boy ka na talaga!" ginulo naman ni ate ang buhok ko.



"Ate naman! Wag! Masisira ang hairstyle ko baka magbago isip hahahaha" turo ko sa future wife ko.



"No! Kahit maging matandang gurang ka pa babe hindi kita ipagpapalit at hindi magbabago ang isip kong magpakasal sayo"  kiniss naman nya ako sa cheeks.



Napaka swerte ko talaga dito sa mapapangasawa ko.



Napakaswerte ko sayo Victoria..



----



xx

Bad Girl Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon