38

28 2 0
                                    

Ranz





KINAUMAGAHAN maaga akong nagising, may kahabaan din ang tulog ko dahil pagkaakyat ko kahapon dito sa kwarto ko ay hindi na ako bumaba pa dahil nakakapagod sa byahe, mas pinili ko na lang magpahinga.





Bumaba ako para magluto pero nadatnan ko si Tyler at si Shane na nagkukulitan sa kusina. Nakapagluto na yata si Shane dahil amoy adobo. Advantage na din ang magkaroon ng babaeng kasama sa bahay, may tagaluto na kami.





"Gising na pala si Ranz, tara kain na tayo" dumiretso ako sa dining table at naglapag ng plato si Shane sa lamesa.





Daig pa namin ni Ty ang pinagsisilbihan.





"Pwede ka ng mag asawa Shane" biro ko sa kanya.





Namula naman sya at iniwas ang tingin samin ni Tyler. Nako naman napapaghalata ka Shane.





Pagkatapos naming kumain ay saka ako nagprepare, mag-eenroll kami ngayon sa Vassar College. Isa ang school na yun sa may pinaka mahal na tuition, maganda raw ang turo sa Medical Field ng Vassar dahil karamihan sa mga nakapagtapos doon ay sa World Health Organization nagtatrabaho.





"Ang tagal tagal talagang magbihis ng mga babae!" reklamo ni Tyler.





Hinihintay kasi namin si Shane. Inis na inis sya dahil kalahating oras na kaming naghihintay. Maya maya pa..





Bumaba si Shane at napansin ko naman na titig na titig si Ty sa kanya. Naka sleeveless croptop lang kase si Shane at cargo skirt, she's wearing white nike shoes too.





"Huy! Matunaw yan!" bulong ko kay Ty at ngumisi pa ako sa kanya.





"Gago ka hindi ha, may dumi kase sya sa mukha" palusot pa





"Shane may dumi ka daw sa mukha sabi ni Tyler" napakapa naman sa mukha si Shane.





Tinawanan ko lang sya at kinuha ang car keys sa center table at lumabas.





Binuksan ko ang gate ng garage para ilabas ang sasakyan, ferari na kulay red ang binili nina mommy. Tss, di ko naman kailangan nito. Aksaya sa pera.





Habang binubuksan ko ang gate, nakita ko na naman si Shea, magisa lang sya ngayon at mukhang wala yung mga kaibigan nya.





Kung hindi lang talaga blonde ang buhok nito mapapagkamalan ko talagang sya si Ivory.





Napalingon naman sya sa akin. Kumaway ako pero inirapan nya lang. Sa gwapo kong to ginaganyan ganyan nya lang ako.





Pinaharurot nya ang Black na sports car nya at umalis.









Malaki ang school, siguro ay mamahaling muwebles din ang ginamit sa pagpapatayo nito, kumikinang ang pader na animo'y may mga kristal at dyamante na nakadikit.





Kaya siguro mahal ang tuition dito.





Inabot ko ang credit card ko sa registrar at ini-swipe nya iyon. Hindi ako nagdadala ng malaking pera, for safety na rin. I only use my credit card.





Natapos kaming magpasa ng enrollment form, magiikot ikot muna kami dito sa school. Sa sobrang laki nito ay baka maligaw kami kaya napagdesisyunan naming ikutin ang mahahalagang rooms like gym, auditorium, library at syempre cafeteria.




Kung iikutin mo to buong araw ay kulang na kulang.




Dumaan kami sa field, napansin ko naman na may pinagkakaguluhan sa hallway, daan papuntang building 01. Nagsisigawan yung mga babae at yung mga lalaki naman todo sipol sa kanila.





"Di ba yan yung apat kahapon?" at tama nga, grupo nina Shea. The spoiled brat.





Matataas ang tingin sa sarili, queen bee? Naaalala ko si Victoria sa kanila. Tumigil sila at kumaway sa mga tao. Maya maya pa ay may lumapit na Nerd sa kanila.





Nakasuot nya ng nagkakapalamg salamin at mahaba ang palda.





"Hi Shea, I'm your fan!" FAN? Artista ba yan? "Can I take a picture with you?" tinaasan lang ni Shea ng kilay yung nerd girl.





"Get out of my way nerdy girl! You're disgusting ew! Come on ladies lets go!" hinampas naman nya ng bag yung nerd at linampasan. Napakasama ng ugali.





Tiningnan ko naman yung dalawa sa tabi ko. May pagkainis din sa mukha.





"Oh, ngayon nyo sabihin na si Shea ay si Ivory" kumunot naman bigla ang noo nila





"Shea? You know her dude?" tss mausisa





"Nakita ko lang sa profiles" buti naman at wala ng back up question.





Pumunta kami sa cafeteria para kumain ng snacks, nagutom ako kaya inaya ko sila. Treat ko naman.





Habang iniintay namin ang order ay may pumasok sa entrance, parang pamilyar.





May hinahanap yata yung babae, tinawag ko si Shane para tanungin kung nakita na ba nila yun.





"Shane, tumingin ka sa entrance. Kilala mo na yung babaeng yun" tumingin sya at laking gulat ko ng sumigaw pa.





"SAIZY!" yung kapatid ni Victoria?





Lumapit sya sa amin at niyakap si Shane.





"Hi Kuya Ty, Hi Kuya Ranz!" bati nya sa amin





Ibang iba din ang ugali ni Saizy kay Victoria pero balita ko nakapasok daw sa modelling class si Victoria sa Colorado, maganda naman yun dami lang pinagawa sa katawan kaya nagiba ang itsura.





Nagkwentuhan kaming apat at kinuwento ni Saizy na nakapasa sya sa test dito sa Vassar, full scholarship ang nakuha nya at hanggang makatapos sya ng college at magkatrabaho ay sagot sya ng Vassar.





Nagpaalam na kami matapos ang isang oras na pagkukwentuhan, niyaya din namin si Saizy sa bahay pero next time na daw tatawag na kang sya kay Shane if gusto nyang pumunta.





Papunta na kami sa parking lot ng makita ko na naman yung apat, bale lima pala. Pinapagalitan nila yung isa, napakasama talaga ng ugali. Maya maya pa ay sinipa naman ni Shea.





Tumakbo ako para awatin sya.





"Hoy sandali lang, bakit mo ba sinasaktan yan" tinayo ko naman yung nerd at nagpasalamat sya sa akin. Sumenyas ako na umalis na bago pa ulit masaktan nitong bruha na to.





"Ano bang pakialam mo? Ako ang boss dito, ginagalang ako ng lahat dito sa Vassar tapos may pipigil sa akin ngayon? Sino ka ba?!" hindi na ko makapagtimpi sa babae na to ah





"Hindi ko na sasabihin sayo. Alamin mo na lang"






Tinalikuran ko na sya at sumakay na sa kotse.






Hindi mo gugustuhing malaman kung sino ako at kahit kamukha ka pa ng dating mahal ko.





Hindi kita sasantuhin.





---





xx

Bad Girl Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon