25

27 2 0
                                    

Special Chapter of Francine Lincoln




Francine




Naka sibangot akong naglakad papunta sa classroom ko, na inis kasi ako dun sa nangyari sa cafeteria kanina, nakita ko pa kung sino yung naka bangga kay Calyx. Yun yung saleslady sa bookstore, maganda sya at top student ng Hammelton.





Friends kami dati, pero lumayo sya sakin ng hindi ko alam ang dahilan.




Umupo ako sa 2nd row sa likod kasi wala akong ganang makinig kung ano man ang sasabihin ng teacher sa unahan. Kilala ko na kung sino ang adviser namin. Kaya hindi na kailangan pang makinig ako. Magpapakilala lang naman tapos nakakaboring yun. Ganun naman talaga kapag first day of school.




Tumingin naman ako sa paligid pero hindi ko parin makita si Calyx at si Victoria. Hindi ba dito ang section nila?




Ipinatong ko ang ulo ko sa desk. Nakaka panghina naman unang araw pa lang.





"Wag mong masyadong isipin yun" pamilyar ang boses nun ah? Umupo sya sa tabi ko. Pero hindi ko parin siya tinitingnan.





"Kung iniintay mo si Calyx. Nasa kabilang section sya. Hindi kami pinagsama dahil baka malito ang teacher namin. Room 401 sya." bakit nya ba sinasabi to? Hindi ko naman sya kinakausap ah?




Inayos ko ang upo ko at hinarap sya.




"Bakit mo ba sinasabi yan sakin?" tinaasan ko naman sya ng kilay.




"Halata naman sayo na gusto mo ang kapatid ko" he said in a sarcastic tone.




"Eh ano naman kung gusto ko sya? hindi ko naman tinatanong kung asan sya" pero gusto ko talaga yun malaman. Nagpapakipot lang ako.




"Okay sabi mo eh"




Hindi na sya muling nagsalita. Bigla naman dumating si Sir Bryan. Sya ang aming adviser. Teacher sya ng Calculus.




Uwian na, nilagay ko yung notebook ko sa bag at nagretouch ng make up ko. Hindi naman sya makapal. Tama lang sa isang estudyanteng katulad ko.




Hindi naman iyon katulad ng make up ni Charlotte. Sobrang pula na parang clown.




Kaklase ko rin pala yung kapatid ni Charlotte na si Saizy. Mas mabait at matalino si Saizy kesa sa kapatid nya. Kung hindi mo nga alam at kung hindi mo tatanungin sa nakakaalam parang hindi talaga sila magkapatid. Magkalayo itsura nila dahil nagpapa retoke si Charlotte tapos ni Saizy. Natural ang ganda.




Lumabas na ako ng classroom, diretso ako sa may parking dahil iintayan ko pa si kuya. Una kase ang labas namin kesa sa kanila. Madadaanan ko ang classroom nina Calyx.




'Room 401'




Nabasa ko yung sign sa may pinto at bigla naman itong bumukas. Iniluwa naman saakin ang masayang si Victoria kasama si Calyx.




"Hi Francine, nakita mo ba si Calvin?" tumigil sila sa harapan ko. Shit naiiyak ako.




"Ah ha? ano nasa room ay hindi nakaalis na pala. Nauna na saakin eh hindi ko alam" hindi ko pa alam ang sasabihin ko sa kanya.




"Ah ganun ba? Pasa parking ka na ba? Sabay ka na samin" aya ni Calyx




"Oo nga Francine. Matagal tagal na din tayong hindi nagkakausap. Kamusta ka na?"




Sasama ba ako o hindi?




Wag na lang.




"Ah hindi na. May dadaanan pa kase ako eh oo tama! may dadaanan pa ko. Mauna na kayo sige" hindi ko na inantay na makapag salita sila at umalis na ako. Agad namang tumulo ang mga luha ko.




Bakit ba ako nasasaktan eh wala namang kami?




Nakauwi na ako sa bahay, masama ang timpla ko kaya hindi ako maasar ni Kuya. Ramdam naman nya yun palagi kaya hindi nya na ako kinakausap.




Dinner time na at hindi parin ako bumababa. Nakailang tawag na si Mommy pero wala parin. Sinasabi ko lang na busog ako.




Nagbukas na lang ako ng social media para magcheck ng newsfeed. May biglang nag pop up sa notif ko.




"calvinzei followed you"




Akala ko Swortski ang apilyedo nito bakit may 'Zei' na nakalagay? Hmm, baka keme nya lang yan.




Nagfollow back naman ako. Sino ba naman ako para hindi sya ifollow. Akma ko na sanang ituturn off ang cellphone ko pero napansin ko yung suggested following.




calyxjd ?




Hindi ba si Calyx to? Sinubukan kong mag follow at agad naman nya akong finollow back. Bilis ah?




Inistalk ko ang profile nya at meron syang recent post. May effects na blur pero babae yung nasa picture. Halata pa lang sa pustura. Mukhang nakangiti din ito. Hindi ko naman makilala yung babae kase nga nakablur. Ang caption pa is 'Best V'




4 mins ago pa lang nya napopost to.




For sure si Victoria to. Matagal na ba silang magkakilala?




Hindi ko na lang yun pinansin, nilapag ko yung cellphone ko sa side table at lumabas sa may balcony. Tumingin ako sa langit para makita ang nagkikislapang bituin sa langit.




Tanaw din dito ang palasyo ng mga Santini, matagal na din nung makapasok ako sa palasyong iyon. Elementary pa lang ako noon. Kaklase ko kase sa Hammelton yung anak ni King Harry at Queen Dalia, kambal din yung anak nilang lalaki at may panganay na babae. Isa sa kambal nila ay sobra kong kaclose, kaso hindi na kami nagkita mula nung may nangyaring trahedya sa palasyo. Siguro nasa ibang lugar na yung mga yun para na din sa proteksyon para sa pamilya nila. Sino ba namang magulang ang gugustuhing malagay sa peligro ang anak nila.




Sese ang tawag ko sa batang yun noon. Kase tinawag nya akong Rara. Ewan ko ba dun kung bakit nya ako tinawag na ganun. Hindi nya daw kase mapronounce ng ayos yung Francine. Hindi ko rin naman naaalala pa yung tunay nyang name. Sa tagal na ba naman nun.




Pumasok na ako sa kwarto ko, need ko ng matulog para hindi ako malate bukas. Kahit na makikita ko na naman si Victoria at Calyx na magkasama hindi na lang ako magpapa apekto. Magfocus na lang ako sa studies ko.




Pero hindi parin mawawala yung pagtingin ko kay Calyx. Kahit sa malayo, makita ko syang masaya sa piling ni Victoria kung magiging sila man pagdating ng panahon. Support ko na lang sila.

----

xx

Bad Girl Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon