17

33 3 0
                                    

Ranz



PANGATLONG araw na namin sa training at di naman bago sakin to dahil nung nasa ibang distrito ako noon nung umalis kami dito sa Kentwood, nagtraining din ako mas mahirap pa sa ginagawa nila. Kaya puro papuri ang natatanggap ko sa mga trainor lalong lalo na kay Ms. Saraya. Isang linggo na lang ang natitira magsisimula na din ang klase sa Hammelton. Saturday bukas at walang training hanggang Sunday.



Gaganapin ang Duel ngayong araw at magbubunutan pa kung sino ang makakatapat namin. Hindi naman ako kinakabahan ayoko lang na babae ang makakatapat ko, eversince wala pa akong nakalaban na babae sa duel. Ayoko lang talagang may nakikitang babae na nasasaktan dahil naming mga lalaki.



Sumakay ako sa kotse ko at nagdrive papunta sa Empire Hotel. Hindi ako sumabay sa mga Santini dahil may kasama naman silang guard. Naka black na fitted sando lang ako, smooth loose pants and nike sports shoes para magaan sa paa. Dahil sa nakasports car ako ngayon madali akong nakarating sa Hotel. Marami rami na ding tao doon at nagpeprepare na sila sa duel. Nakita ko din si Ms. Saraya na may hawak na fish bowl na may lamang maliliit na papel. Ang mga Santini na lang pala ang iniintay namin, napansin ko pang nakatingin sakin si Zac, tinanguan ko lang sya pero inalis na nya ang tingin sakin.



Lumipas ang ilang minuto dumating na ang magkakapatid. Nagsimula ng magbunutan ang ibang members at nagpahuli ako. May mga members din kaseng hindi bubunot dahil pangalan nila yung nasa bowl. Nakita ko naman si Ivory na nasa likod kaya nilapitan ko sya.



"Hi?" bati ko sa kanya



"Hey, are you ready? Wait? bakit ko pa ba itatanong yan sayo ay baka nga maunahan mo na ko sa rango kase hanga sayo sina Ms. Saraya"



"Mas magaling ka parin princess walang tatalo sayo"



"Nasa dugo mo ang pagiging Imperial. Si Master Gideon ay Imperial din. Hindi nagkakalayo ang lakas nyo" Tama sya hindi nagkakalayo ang lakas namin. Lahat ng katangian ni Tito ay nasa akin. Lahat ng weapons ay kaya kong gamitin at paglaruan. Mabilis akong gumalaw ng hindi namamalayan ng kalaban. At higit sa lahat. Malakas ang sense ko.



Nasa dugo talaga namin yon.



"Turn mo na" tinuro sakin ni Ivory ang fishbowl at bumunot ako. Hinintay ko muna syang makabunot bago ko binuksan ang akin.



Dahan dahan kong binuksan ang papel. Nagulat ako ng makita ko ang pangalan nya. Hindi ko ito inaasahan.



Si Zac ang makakalaban ko ...



"Sino ang sayo?" nakatingin naman sakin si Ivory at nagtataka sya sa mukha ko. Inayos ko ulit ang sarili ko at sinagot sya.



"Si Zac"



"Zac?" Bigla syang namutla sa sinabi ko. Parang sya pa ang kinakabahan saming dalawa.



"Okay go back to bench guys. Magiistart na ang duel. Okay ikaw muna Ranz, sinong nabunot mo". may dalawang magkaharapang bench sa loob ng training room malawak ito at para syang court. Ang nasa kabilang side ay yung mga hindi pinabunot at yung nasa side namin is yung bumunot sa bowl.



Tumayo ako at ibinigay ang papel kay Ms. Saraya..




"I think magiging magandang laban to! Zac ikaw ang makakalaban ni Ranz" narinig ko naman ang bulungan ng mga tao sa paligid.




Nararamdaman ko na ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Nakapwesto na ako sa gitna at tumayo naman sya galing sa bench. Humarap ako sa kanya at kitang kita ko ang pabahagyang ngisi mula sa kanyang labi.




"Okay! Rules! Pwede kayong kumuha ng mga weapons sa box. Hanggang 2 lang, kung may pagkakataon pede kayong magpalit. Pwedeng magkaphysical injury pero isipin kung ikamamatay ba, wag gawin kung delikado. This is training, hindi totoong away. Naiintindihan nyo!"




"Yes!" sabay na sagot namin ni Zac.




"Start!" umupo na si Ms. Saraya. Para silang panel kasama ang ibang trainor. Head trainor kase sya kaya lagi lamang na sya ang nagsasalita sa unahan. Nakakausap naman namin yung iba pero kapag nandito ka sa training. Ito lang dapat ang gagawin mo, nandito lang isip mo at wala sa iba.




Dumiretso ako sa box na may mga weapons. 2 box ang nasa gitna para di kami mag-agawan. Kinuha ko ang dagger, training lang naman ito at hindi totoong laban. Ayokong gumamit ng mga delikadong weapons dahil minsan di ko makontrol ang sarili ko makapatay pa ko.




Tatalikod na sana ako pero naramdaman kong may paparating na dagger sa likod. Mabilis ko itong naiwasan at tumama ito sa pader malapit sakin. Nice move Zac, hindi mo ako maiisahan.



Napangisi ako sa harap nya. He's jaw moved at naglalabasan ang ugat sa leeg nya. Oh! Masyado kang inis sakin. Lalo kang hindi mananalo.




Lumapit ako sa kanya at hawak nya pa yung isa nyang dagger. Inamba nyang isaksak sa kanan pero nakaiwas ako, kinuha ko ang kamay nya at inikot patalikod, hinigpitan ko ang hawak dito pumwesto ako sa likod nya para mabuhat sya at maibagsak sa sahig. Napapikit sya sa nagawa ko. Lumayo ako para makatayo sya ulit. Pumunta ulit sya sa box at kumuha ng weapon.




Baseball bat?




Tumakbo sya papunta sakin at ihahampas ang baseball bat centro sa ulo ko. Binato ko sya ng tatlong dagger pero nakaiwas, patalon nya pa akong hahampasin pero sinabayan ko ang talon nya at sinipa sya sa tiyan. Una akong bumagsak pero nananatili parin akong nakatayo, hinwakan ko ang baseball bat na hawak ni Zac at inikot ko iyon at kinulong sya sa bisig ko.




"Kung galit ka sabihin mo sakin, hindi naman ako takot sayo eh. Hindi mo mapapantayan ang lakas ko. Baka pasugod ka pa lang. Nakahiga ka na dyan. Paglamayan ka pa" bulong ko sa kanya.




"Stop. Great duel! Next" narinig ko si Ms. Saraya at binitawan sya. Tumalikod ako, kinuha ang duffle bag at car keys. Lumabas sa training hall. Uuwi na ako wala na akong gagawin tapos na ko sa duel.




Wala na akong pakialam kung anong sabihin nila. Sinimulan lang nila. At ako ang tatapos noon.



----

xx

Bad Girl Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon