Ivory
"Sa ate mo, Oo at alam nya yun"
Magugulat pa sana ako kaso alam ko naman, sila ang nagulat. Si Shane kumikinang kinang pa ang mata.
"Oh my god bes dati mas gusto ko kayo ni Kuya but now hindi na ko boto sa kanya kase nandun na sya sa malanding si Vienna, ishiship ko kayong dalawa ni Ranz" kilig na kilig si Shane.
"Kaya nga inis ako dun sa tropa kong yun, akala ko pa naman magalang sa babae, eh kahit loko loko ako mas okay pa pala ako kay Zac e" napailing naman si Tyler habang hawak hawak ang beer nya.
" Ay nako sabihin mo lang ate kapag sinaktan ka ni Kuya Ranz, papatapon ko yan sa palasyo"napatawa naman ako kay Calvin.
"Getting to know each other pa naman. Masyado kayong excited" yung mga tingin nila parang may halong pang-aasar
"Doon din naman ang punta nun bessy, o sya next na" hay nako Shane.
Inikot ko naman ang bote at tumapat kay..
"Calyx, your turn. Truth or Dare?" ako na din ang nagtanong sa kanya. Lagot ka sakin ngayon
"Dare" pinandilatan ko naman sya akala ko naman truth ang pipiliin nya. Daya!
"Sige, shot this." tumayo ako at pumasok sa loob. Kinuha ko yung isang tequila sa mini bar at nilagyan yung baso ng konti.
Baka malasing si Calyx, lagot ako kina mommy at daddy.
"Nako naman ate napaka basic" ininom nya yung tequila at kita ko naman sa mukha nya na namula sya haha basic pala ha
Nagtuloy tuloy kami sa paglalaro hanggang sa hindi namin namalayan na maggagabi na pala. Isa isa muna naming inihatid sa kanila ang mga kaibigan ko at saka kami dumiretso sa palasyo.
Lunes ngayon, balita ko dadalaw daw ang Prime Minister sa Hammelton. Taon taon nyang ginagawa ang pag visit sa school, mas mataas parin ang estado namin kumpara sa kanya.
Nasa classroom kami ng biglang may kumatok sa pinto.
"Good morning students, greet our visitor. Prime Minister Frankly Cooper, King Harry Santini, and Queen Dalia Swortski" nagulat naman dahil akala ko ang Prime Minister lang ang dadalaw dito.
Sabay sabay kaming nagbow sa kanila. Nakita ko naman na palinga linga si mommy. Excited yan na makita ako, tss baka mahalata kami.
Nagtama naman ang mata namin ni mommy at umiwas ako sa kanya, nakita ko naman na napatawa sya ng pabahagya, hindi ko na tuloy naiintindihan ang sinasabi ng Prime Minister. Si daddy naman ngumiti sakin.
Nagtinginan naman sakin ang mga kaklase ko. Nababasa ko sa mga mata nila ang pagtataka kung bakit ginawa iyon ng daddy at mommy ko.
Napahinga ako ng maluwag ng umalis na sila sa room. Bago pa ulit makapagsalita si Maam ay may kumatok muli sa pinto.
"Maam, excuse muna daw po kay Ms. Swortski at Mr. Imperial. Sa may Headmaster's office daw po. Thankyou po" umalis na si George yung Student President namin.
BINABASA MO ANG
Bad Girl Boss [COMPLETED]
Teen FictionSantini Royal Empire is the world's famous empire in the history. Si King Harry Santini Sr. ay naluklok noong 19th century at ang kanyang henerasyon ay nagpatuloy sa ngayon. Nanunungkulan ang kanyang ika-3 henerasyon at hindi nabibigo ang mga tao sa...