Special Chapter!!!
Vienna
"Bakit ba kailangang kuhanin pa natin yang babaeng yan? Hindi ba may galit si dad sa mga magulang nyan!"
NANDITO kami ngayon sa hospital, araw araw kong binabantayan ang isa sa mga babaeng bumihag sa puso ng ex ko, at sya ang unica hija ng Santini.
Oo, hindi sya patay. Pinalabas lang ng daddy ko na patay na sya, sila ang nagsimula ng engkwentro sa school noon. Gustong makuha ng aming angkan ang trono mula sa Hari ng Kentwood.
Si daddy ay kapatid este half-brother ni King Harry, lumaki lamang sya kasama ang lola ko na ex ng naunang Hari at ang yumaong ama ng Hari ngayon ng Royal Empire.
Malaki ang inggit na nararamdaman ng aking ama sa Hari kaya nagawa nyang itago ang anak nito para masira ang pagpapatakbo ni King Harry sa palasyo at sa buong bayan ng Kentwood. Ngunit nabigo naman ang aking ama. Mas lalong nagpursigi ang Hari sa magandang pamamalakad sa bayan ng Kentwood mula ng mawala ang kanyang unica hija.
Hindi pumayag nung una si Mommy sa mga plano ng aking ama at ng kanyang dalawa pang kapatid, sina Tito Jerry at Tito Paul. Anak naman sya ni Lola sa totoo nyang asawa.
"Mommy, hindi na yata tama na kinuha na nga ni Daddy si Ivory sa mahal na Hari tapos ipapainom nya pa sa prinsesa yung drugs na yun"
Nang malaman ko na ang gamot pala na ipinapainom nina Daddy kay Ivory na ngayon ay Shea na ang pangalan ay isang illegal drugs na ang magiging sanhi ay ang pagkawala ng memorya sa nakaraan. Biglang nabago ang ihip ng hangin, alam kong may pagtataka sa mga mata ni Ivory kung bakit naging mabait ako sa kanya.
Nagtataka rin sya kung bakit palagi kong kinukuha ang gamot na iyon pag oras na nya sa pag inom pero pag nadadatnan kami ni Daddy si Ivory parin ang napapagalitan.
Nung una ay may galit din ako sa kanya dahil sinabi sa akin noon ni Zac na si Ivory na daw ang mahal nya at hindi na ako. Kaya nung malaman ko na balak ni Daddy na patayin ang prinsesa ay sumang-ayon ako at sumama sa plano.
Patagal ng patagal ay nakokonsensya ako sa nangyayari.
Pati ang pag akyat ni Ivory sa kanyang pagtatapos sa Senior High ay hindi pinayagan ni Daddy, naawa ako sa kanya. Kami lang buong pamilya ang nagcelebrate. Kaya siya ay naiwan lamang sa mansion. Nakakulong sa kwarto at umiiyak.
Mula noon nagbago na din sya, tumapang at may mga gang na din syang sinasalihan. Pinaiiwas ko sya pero ayaw nya. Alam ko noon na leader din sya ng gang sa Kentwood. Lumalabas na din ang iba nyang pinagkakaabalahan noon nung prinsesa pa sya.
"Shea, I need to tell you something. Wag kang mabibigla o wag kang magagalit" dinala ko sya sa Kentwood, sasabihin ko na sana sa kanya ang lahat.
Nung makita ko sa kabilang table si Ranz, kasama yung mga kaibigan nya ay namuo ang takot sa akin. Parang hindi ko kaya, tatraydorin ko ang mga magulang ko. Baka ako pa ang patayin nila. Hindi maaari, mawala lahat sa amin. Siguro nga ay mas okay kung itatrato ko na lang ng ayos si Ivory, kahit na sa loob loob ko ay niloloko ko sya.
Palabas na kami ng bar pero nag restroom pa si Ivory, hindi ako mapakali. Anytime pwede kaming makita dito ni Ranz.
At hindi nga ako nagkamali. Nakita nya ako at si Ivory, nagtaka sya pero hinila ko na palabas si Ivory para hindi na sya magtanong pa.
Alam kong sa Vassar papasok sina Ranz, mayaman sila at afford nila ang school na iyon. Hindi sana papasok ng college si Ivory dahil ayaw ni daddy. Pinilit ko naman si Daddy kaya pumayag sya.
Gusto ko rin na magtagpo ang landas nila sa Vassar, magaling si Ranz at kayang kaya nyang pagtagpi tagpiin ang mga nangyayari at nagaganap sa kanya. Sinadya ko lahat ng iyon, wala akong lakas ng loob magsabi kay Ivory. Sa ganitong paraan lang ako makakatulong.
Nung nasa mall kami, nakita ko agad sina Ranz, Tyler at Shane. Naghiwa-hiwalay sila, pinili kong sumunod kay Ranz, balak lang sana naming kumain sa labas, hindi pa nga sana kasama si Ivory at kung hindi ko lang napilit ang magulang ko ay hindi sila papayag. Iba na kasi ang tinutuluyan ni Ivory, kapit-bahay nya sina Ranz. Ako mismo ang nagbenta ng bahay sa magulang nya noon.
Sinadya kong ayain pumasok sina mommy at daddy sa Oxygen, kaso nakita nila si Ranz kilala nila ang mga Imperial, kaya nagmadali kaming umalis. Pagkatapos noon ay hinila ko sila sa may Gucci dahil nandoon si Shane. Kilala ng magulang ko si Shane, dahil noong kami pa ni Zac ay isinama nya si Shane sa mansyon namin.
Binalaan naman nina Daddy at Mommy si Shane, pinakita kong matapang ako sa harap nya para matakot din sya sa akin, takot akong suwayin ang magulang ko pero sa totoo lang, gustong gusto kong kausapin si Shane nung panahon na yun at sabihin ang lahat sa kanya.
Malapit na muling magsagawa ng plano ang mga magulang ko, lalo pa at alam nilang maliit lamang ang mundo, nalinlang ko sila. Akala nila ay hindi sinasadya lahat ng mga nangyayari pero ako ang may dahil noon.
Plano ko ang lahat ng ito para makatulong. Gusto kong maging maayos ang lahat, inilalagay ng magulang ko ang buhay namin sa kapahamakan. Marami silang tauhan pero mas malaking pamilya ang kalaban nila, mataas ang katayuan ng Santini. Kaya ka nilang ipapatay kung gugustuhin nila. Hindi iyon naisip ng mga magulang ko. Inggit at poot ang naramdaman ng aking ama sa kapatid nya.
Handa na ako kung ano man ang maging parusa sa amin, mabait ang Santini. Kaya nilang magpatawad pero kaya ka rin nilang ipapatay ka ano mang oras.
Nakaupo ako sa duyan, sa may veranda. Biglang tumunog ang cellphone ko.
Shea—Ivory calling...
Malapit ng matapos ito, malapit na malapit na.
----
xx
BINABASA MO ANG
Bad Girl Boss [COMPLETED]
Novela JuvenilSantini Royal Empire is the world's famous empire in the history. Si King Harry Santini Sr. ay naluklok noong 19th century at ang kanyang henerasyon ay nagpatuloy sa ngayon. Nanunungkulan ang kanyang ika-3 henerasyon at hindi nabibigo ang mga tao sa...