Ivory
KINABUKASAN magkakasabay kaming pumasok sa school at karamihan sa mga estudyante nakatingin na naman samin. Halos araw araw akong nasasanay sa ganitong mga pangyayari, nagtataka pa sila kung bakit kasama namin si Victoria at maraming mga lalaki ang nakakapansin sa tunay nyang ganda.
Hindi na mukhang nerd si Victoria ngayon at ang hinahangaan ko sa kanya ay hindi nagbabago ang ugali nya kahit na kasama na namin sya ngayon.
Todo lapit naman si Calyx at tinitingnan nya ang mga umaaligid kay Victoria at tinataliman ng tingin. Akala mo kung makaasta ay boyfriend na sya ni Victoria, hindi pa naman umaamin hahahaha
Wala na rin akong napapansin na nambubully kay Victoria at binabati na din sya ng ibang students dito sa Hammelton. Good thing, para naman maexpose din na hindi lang ganda ang meron sya pati talino at kabaitan.
Maraming mga magagandang bagay ang nangyari sa unang linggo ng pagsisimula sa klase. Mabilis lang din ang araw na natapos iyon.
Sabado ngayon at feeling ko ang boring boring, magkasama kami ni Victoria dito kwarto ko at gumagawa ng assignment. Patapos na ako sa pagdadrawing para subject namin sa General Mathematics at nagiisip ako kung anong pwedeng gawin.
"Ate Ivory, tapos na po ako. Pwede na po akong bumaba? Tutulungan ko na sina Yaya sa gawain dito sa palasyo, sa pagluluto at kung anong pwede pang gawin" natawa naman ako kay Victoria, bakit kailangan nya pa talagang gawin yun
"Ano ka ba, dito ka lang. Marami na sila dun baka kung ano ano ipagawa sayo"
"Nagtatrabaho din po kase ako dito, hindi naman po ako bisita" tumayo naman ako at lumapit sa couch kung san sya nakaupo.
"Sa akin ka nagtatrabaho, hindi sa pagiging taga luto, taga linis, taga hugas ha? Stay here. Napagusapan na namin yun nina daddy at okay lang sa kanila. Buti nga nandito ka na. Alam mo nung wala ka dito lagi lang akong nakakulong sa kwarto ko tapos saka lang ako lalabas kapag kakain. Swerte pa kung lalabas talaga ako." napatawa naman ako ng bahagya habang iniisip kung ano lang ang routine ko dati dito sa palasyo.
"Masaya po bang maging prinsesa? Yung makabilang sa Royal Empire?" Nawala ang ngiti sa mga labi ko.
"Oo naman, masaya. Ginagalang ka, mahal ka ng mga magulang at kapatid mo. Pero alam mo may kulang parin talaga. Hindi ko kase magawa yung mga bagay na gusto ko. Hindi ako makapag out of the country. Hindi ako makaalis ng ako lang. Nagpapasalamat lang talaga ako na dumating si Ranz" napangiti muli ako ng maalala yung araw na nagpunta kami sa park, kumain kami nung fishball at kikiam at nung dinala nya ako sa lugar kung saan kami makakapagrelax.
Doon nya din sinabi na gusto nya ako.
"Simula nung dumating sya, nakakapunta na ako sa mga lugar na hindi ko napupuntahan noon. Malaking bagay na nandyan sya para samahan ako" lumapit naman sya sa akin at niyakap ako.
"Mas masaya parin ang buhay mo. Na sa kabila ng kahirapan na naranasan mo. Anytime pwede kang umalis ng ikaw lang ang nagdedesisyon. Nagagawa mo ang gusto mo. Marami kang nakakasalamuhang tao. Napakaswerte mo Victoria" bigla na lamang tumulo ang luha ko.
BINABASA MO ANG
Bad Girl Boss [COMPLETED]
Fiksi RemajaSantini Royal Empire is the world's famous empire in the history. Si King Harry Santini Sr. ay naluklok noong 19th century at ang kanyang henerasyon ay nagpatuloy sa ngayon. Nanunungkulan ang kanyang ika-3 henerasyon at hindi nabibigo ang mga tao sa...