...
'Nasubaybayan ko ang mga panahong naging masaya ka, naghirap at muling bumalik sa amin'
Nandito kami ni Ivory sa resthouse, nang makauwi kami dito sa Kentwood ay pinuntahan namin lahat ng mga lugar at ipinaalala ko sa kanya yung mga bagay na hindi parin malinaw sa kanya.
Pinapanood ko sya kung paano paglaruan ang tubig habang ang kanyang mga paa ay nababasa noon. Hanggang ngayon ay hindi ko parin sya pinipilit na alalahanin kung ano ba ang dapat maramdaman nya sa akin.
"Snacks?" Anong gusto mo?" lumingon naman sya sa akin.
"Ikaw, pwede bang dito ka lang. Sa tabi ko?" nakatitig lang ako sa kanya at hindi ko makuhang sumagot sa kanya.
Bumaba ako ng hagdan ay umupo sa tabi nya. Inihilig naman nya ang kanya ulo sa balikat ko. Iniikot ko ang kamay ko sa bewang nya at hinapit sya papunta sa akin.
"Salamat" pinakinggan ko ang kanyang gustong sabihin. "Hindi ka nanawang ipaintindi at ipaalala sa akin ang mga bagay na panandalian kong nakalimutan. Kahit na sobrang busy mo ay nagagawa mo parin akong bigyan ng oras"
"Wala yun, importante ka sa akin kaya--"
"Hindi ka ba napapagod" wala sa sariling banggit nya at nakatingin parin sa paa nya na nababasa ng tubig.
"Bakit naman ako mapapagod? Dito ko rin sinabi sayo na mahal kita noon, sa likod nun" tinuro ko yung batong upuan sa likod ng falls.
"Oo naalala ko na, dyan ko din nakuha ang una kong ha-halik, galing sayo" napaiwas naman ako ng tingin sa kanya.
Hindi ko rin inaasahan na gagawin ko iyon.
"Ranz, may sasabihin sana ako sayo" hindi na ako sumagot at tumingin na lang ako sa kanya
"Mahal na yata kita"
Sa gulat ko ay agad ko na syang nayakap, mahal nya ako?
"Talaga?"
"Oo, sorry kung ngayon ko lang to nasabi sayo. Nahihiya kasi ako. Lahat na lang ginawa mo, nagsakripisyo ka para sa akin. Nagtiis ka na ipaalala sa akin lahat. Lagi kang nandyan kapag kailangan kita. Ayokong mawala ka sa tabi ko. Sapat na siguro yon para masabi kong mahal na kita" sobra sobrang saya ang nararamdaman ko ngayon.
Sa ilang taon na nandyan ako para sa kanya ay langit na maramdaman ko na sinabinnya saakin ma mahal nya ako.
"Mahal na mahal din kita Ivory, so ngayon. Pwede na ba kitang maging girlfriend? As in official?" tanong ko.
Sa halip na makatanggap ako ng sagot sa kanya ay hinalikan nya ako. Hinawakan ko ang pisngi nga at hinapit ko ang katawan nya papunta sa akin.
Magkahalong gulat at saya ang nararamdaman ko ngayon, pagkatapos ng malalim na halik namin ay niyakap ko sya ng mahigpit.
Nagpaalam ako kay King Harry at Queen Dalia na dito muna kami sa Resthouse matulog ni Ivory at pumayag naman sila, malaki naman ang tiwala nila sa akin kaya hindi nila nagagawang tumanggi. Minsan nga ay nahihiya ako dahil may mga pagkakataon na sila pa yung nagpupush sa amin ni Ivory.
BINABASA MO ANG
Bad Girl Boss [COMPLETED]
Ficção AdolescenteSantini Royal Empire is the world's famous empire in the history. Si King Harry Santini Sr. ay naluklok noong 19th century at ang kanyang henerasyon ay nagpatuloy sa ngayon. Nanunungkulan ang kanyang ika-3 henerasyon at hindi nabibigo ang mga tao sa...