Special Chapter of Calyx Jade Santini
Calyx
"You like her huh?"
Gulat na gulat naman si Calvin sa tinanong ko. Nako bro kahit hindi mo sagutin ang tanong ko ay alam ko naman na din ang sagot. Gusto ko lang na sa kanya marinig.
Maganda naman si Francine, hindi ko lang talaga sya type. May iba na akong napupusuan na babae. Nakita ko din sya sa Mall. Nabangga ko kase sya sa may bookstore, tapos tinarayan nya ako.
"Ano ba naman yan? Ang lawak lawak naman ng bookstore pero may bumabangga parin sakin. Mag-ingat ka naman!" sabi nung babae na nabangga ko.
Pinupulot nya yung mga libro at notebook na nalaglag sa sahig. Tinulungan ko naman sya.
"Hindi ka man lang ba magsosorry sakin?" Napaka organize naman ng babae na to? Pinag papatong patong muna nya yung books at notebook mula sa malaki sa ilalim hanggang maliit sa ibabaw.
Napansin ko din na nakauniform sya. So nagtatrabaho sya dito sa bookstore.
"Ah sorry miss, may hinahanap kase ako hindi kita napansin"
"Sa susunod kase tumingin ka muna sa dinadaanan mo Sir" iniwan nya akong nakatulala habang tinitingnan sya paalis.
Napailing na lang ako at umalis pero may nayapakan akong maliit na bagay sa sahig.
'Victoria'
Name pin pala, hinanap ko ulit sya at nakita kong nagpapatas sya ng mga dala nyang libro kanina sa counter. Siguro pinahanap yun ng costumer.
"Victoria!" tawag ko sa kanya
"Yes Sir--- Ikaw na naman?!" sigaw nya sakin.
"Victoria! Bakit mo naman sinisigawan ang costumer natin! Kausapin mo sya ng ayos" sabi nung babae na nasa counter. Manager yata nila.
"That's okay. I'll give you this" inabot ko naman sa kanya ang pin at agad nyang hinablot saakin. "Nalaglag mo yan kanina. And I want to give it to you. You need that right?"
"Uhm opo. Thankyou Sir!" padabog naman syang umalis at napangiti ako ng konti.
Ang cute nya.
Simula noon hindi ko na nakalimutan ang itsura nya. Palagi syang nasa panaginip ko. Why are you making me feel like this, Victoria?
"Guys restroom muna ako" hindi ko na sila inintay na makasagot at dumiretso na ako sa restroom sa tabi ng cafeteria.
Habang naglalakad ako palabas, may nakasalubong akong babae at nabangga nya ako. May hawak pa naman syang orange juice.
Napatingin naman sakin ang yung ibang tao dito sa cafeteria. Lumapit din sakin si ate at Calvin.
"Nako, sorry po. Sorry po talaga. Hindi ko sinasadya" binuksan nya ang bag nya at kinuha ang tissue don. Iniabot nya ito saakin at...
BINABASA MO ANG
Bad Girl Boss [COMPLETED]
Teen FictionSantini Royal Empire is the world's famous empire in the history. Si King Harry Santini Sr. ay naluklok noong 19th century at ang kanyang henerasyon ay nagpatuloy sa ngayon. Nanunungkulan ang kanyang ika-3 henerasyon at hindi nabibigo ang mga tao sa...