Chapter 2

169 7 0
                                    


Ivory

NAGPE-PREAPARE na ako para sa meeting slash party later. Naghahanap ako ng masusuot, yung magiging komportable naman ako. Hindi ko man lang namalayan na pumasok na si mommy sa kwarto.




"Anak, are you busy? Where are you going?"




"ahmm, mom pupuntahan ko lang si Shane mamaya" tumungo na lang ako para di mahalata ni mommy na nagsisinungaling ako sa kanya.





"Are you sure? o di kaya pupunta ka sa Empire Hotel kase may meeting kayo ng BBE?" nagulat ako sa sinabi ni mommy, paano nya nalaman? Galit kaya sya?





"ow hehe, opo mommy, paano nyo nalaman?"




"Una palang alam na namin ng daddy mo,bago pa namatay si Master Gideon"




"Hindi po kayo galit kase naglihim kami sa inyo?"




"Hindi naman kase kahit di nyo sabihing tatlo samin ng daddy mo, updated kami"




"So kilala nyo rin po ang mga Imperial?"




"Oo anak, sila ang pamilyang kaisa-isang pinagkakatiwalaan namin ng daddy mo. Kaya ngayon magprepare ka na at sasama kami ng daddy mo sa Empire Hotel. Finally makikilala mo na rin ang ibang Imperial."




Napatulala na lang ako kay mommy, tumalikod na sya sakin at isinara ang pinto ng kwarto ko. Napaupo na lang ako sa side ng bed, that was unexpected. Nagpapasalamat talaga ako na may magulang akong mababait at nakakaintindi samin. I'm super blessed.




I prepare myself, sigurado akong maraming dadalo doon, ayaw ko man na magsuot ng bonggang damit pero pinadala ni mommy kay Yaya Tess yung dress, cocktail sya na gold at blue ang color. Kinulot ko na lang ang dulo ng buhok ko and I wear my tiara. Pinagbilin kase ni mommy na isuot ko rin to hayss. Ayaw ko nga na iniispoiled ako sa pagiging prinsesa ko. At saka sa harap ng mga members ng gang namin, laging mainit ang ulo ko lalo na dun sa mga mean girls na part ng BBE. Hindi ko sila pinapatawag sa mga meetings namin pero alam ko na binabackstab nila ko. Badass Bitches!




Kinatok na ni Calyx ang door ng kwarto ko senyales na kelangan na naming umalis. Pagbaba ko nakatitig lang sila sakin. Tssk kahit pamilya ko tong mga to naiilang parin ako.




"Ano ba yan ate? Mawawala ang takot sayo ng members natin kapag nakita ka nilang ganyan" sabi ni Calvin at medyo natatawa tawa pa sila ni Calyx. Kainis naman! Dapat kase naka black pants, sando at denim jacket lang ako with matching boots pa kaso alam nina mommy na ganito ayan tuloy!




Hindi ko ba sila pinansin, baka mawala pa ako sa mood. Dumiretso na ko sa limousine at tumingin na lang sa bintana. Katabi ko si Daddy at ramdam ko na nakatingin sya sakin.




"What's bothering you anak?" tanong ni daddy. Kaya naman napatingin sina mommy samin.




"Nothing dad, kinakabahan lang po ako"




"Enjoy mo lang sarili mo anak. Its your party remember?" ngumiti lang ako kay daddy. Tama kelangan kong maging masaya.




"Yes dad. I'll enjoy this night"




Lumipas ang kalahating oras, nakarating kami sa Empire Hotel. Isang fancy and classy na hotel sa Kentwood. Meron itong 16 floors, kapag may mga events pede rin syang puntahan, maraming mga taga Kentwood ang nakatira dito kase 10-15 floor nito ay condo. Ang 16th floor naman ay kung saan kami nagmemeeting at nag heheld ng event with Black Blood Empire.




VIP lang ang pwedeng makapasok, may ID sila at kapag hindi nila dala ito ay hindi sila pwedeng pumasok kahit na members sila. No ID, No Entry ika nga. Kaming tatlo ng mga kapatid ko ay face recognition lang at kapag tumapat kami sa pinto automatic magbubukas ito. Ang 1st to 9th floor ay mga mini store ng signature bags, clothes, and other branded items. May mga restaurants, gaming zone at ibat ibang mapapaglibangan.




Mahigit ilang taon ng nakatayo ang hotel na to na pag mamay-ari namin. Nakapangalan kay Calvin at Calyx ang properties at iba pang nakapaligid sa Empire Hotel.




"Halika na anak, I'm so excited kase makikilala mo na ang Imperial Family. Ang pamilya ng master mo" natauhan ako ng biglang nagsalita si mommy.




"Gaano ba kahalaga sa pamilya natin ang mga Imperial maliban sa Master ko si Gideon Imperial"




" Sila ang nagligtas sa atin, 7 years ago.."




"You mean---"




"Lets go anak, wag ng maraming tanong"




gosh. I cant believe this

Bad Girl Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon