12

55 4 0
                                    

Ivory.


AKALA ko hindi namin maiicelebrate ang birthday ko kase nung mga nakaraang taon naging komplikado ang buhay namin. Masaya ako kahit paano naging successful ang birthday ko. May gaganapin pang After Party sa palasyo. Yung mga friend ko at cousin lang ang invited kase hindi pa kami nagpapapasok ng kung sino sino lang sa palasyo.



Nasa kotse ako ngayon pauwi. Hindi ko rin kasama sina mommy at daddy pati na rin ang mga kapatid ko kase nasa isang sasakyan sila. Nasa family van naman nila si Zac kasama ang family nya dahil uuwi muna daw sya sa bahay bago sila pumunta ni Shane sa palasyo. At sabi ko magdala na din sila ng extra clothes kasi gagabihin sila at baka hindi na makauwi. Delikado na sa daan at baka mapahamak pa sila. Marami namang room sa palasyo kaya hindi problema ang pagstay nila dun for one night.



Iniisip ko parin ang huling sinabi sakin ni Ranz. Hindi ako manhid para hindi maramdaman na may gusto din sya sakin. Ngayong nanliligaw na si Zac, ayokong may masasaktan sa kanila. At sana alam nya din yun. Wala akong intensyon na saktan sya. May mga bagay lang talaga na hindi natin mapipigilan.



Dumiretso ako sa kwarto para makapaghanda ng susuotin ko, nagpunta ako sa walk-in closet ko at hinanap yung silver silk dress at silver na heels. Nag-bun lang ako ng buhok at nagretouch ng make up. Sumilip ako sa may veranda at nakita kong nakahanda na ang tables, chairs, food and wine. May mga lights na rin na nakapaligid sa pool kase anytime pwede tong gamitin kung sino man ang may gusto.



Bumaba ako at nakasalubong ko sina mommy at daddy. Nagtatakbo naman sina Calyx at Calvin sa kwarto nila para magbihis. Napailing na lang ako kase naglolokohan pa sila na marami daw silang mabibingwit na chicks. Kasama nung mga cousin namin.



"Thanks po ulit mommy and daddy, akala ko talaga di kayo magpaplano ng kahit ano sa party ko. Sa totoo lang di ko naman po need yan. Makasama lang po kayo ay okay na"



"Anything for you baby, at saka plano na talaga namin to. di naman namin kayo pedeng itago na lang forever"



"Sige na anak. Magpapahinga na kami ng mommy mo, mag enjoy lang kayo dyan. Tawag mo na lang ang mga katulong natin kung may kailangan kayo ha. Enjoy darling"


Lumapit sakin si dad at hinalikan ako sa noo. Nagtaka naman ako at wala pang nadating na bisita. Babalik pa kaya sila dito?


Dumiretso ako sa may door papunta sa may tapat ng garden at biglang.....



"SURPRISE!!!". sigaw ng mga cousin ko pati narin sina Zac, Shane, Tyler at yung iba pa nilang mga kaibigan sa labas ng palasyo.



May hawak silang banner na 'Happy Birthday, Princess' at mga naka party hat pa. HAHAHAHA. Parang mga bata. Tiningnan mo naman si Zac na papalapit saakin. He's wearing a grey shorts and white beach polo, at naka unbotton yung tatlong botones sa taas.




"Lets go?" hinawakan nya ang kamay ko at naglakad kami papunta sa garden. Nagstart na silang maginom at nagkukwentuhan yung iba kapag dumadaan naman ako, binabati naman nila ako at ngumingiti. Umupo naman kami sa table nina Shane kasama si Tyler at yung iba nilang friends. Actually nakita ko na silang lahat pero di ko sila gaanong ka close di gaya nina Zac.




"Hey bessy, I heard from my brother na pumayag ka na daw na ligawan ka nya? Is that true?" Inaasar naman ako ng tingin ni Shane after nyang masabi yun. Shit ang lakas lakas pa ng boses nya.




"Yeah, tama ka. Pumayag na ko kanina bago kami pumunta sa venue."




"Yieeeeee. Nako bessy sabihin mo lang sakin kapag sinaktan ka nyang si Kuya ha ako na sasapak dyan hahahaha" natawa naman kaming lahat sa sinabi ni Shane. Napakakulit talaga.




"Nako, baka kapag sinuntok mo kuya mo baka ikaw pa matumba". sabat naman ni Tyler. Sumama naman ang tingin ni Shane sa kanya.




"Can you please shut up? di ka naman kausap". inirapan sya ni Shane at niloloko naman ng mga kaibigan nya si Tyler.




Inabot ko yung bottle ng hard drinks at binuksan yun. Nilagyan ko naman lahat ng wine glass nila at sabay sabay kaming nagshot. Binuksan na din ng DJ yung music at sumayaw kaming lahat habang yung iba nagtalunan na sa pool. Mataas naman ang alcohol tolerance ko kaya kahit madami akong mainom okay lang.




Naka ilang shot na kami at medyo nahihilo ako pero kaya ko pa. Sina Zac at yung mga kaibigan nya, nagbabaraha na sa tabi ng pool sa may table, humingi pa nga ng clothes pin kina Yaya para yun ang maging parusa. Yung mga cousin ko naman may kanya kanyang ginagawa, merong nasa pool, nagsasayaw at may mga naglalandian pero di ko na lang pinansin. I just want to enjoy this night. Matagal ko na rin kasing hindi to nagagawa.



Nasa dance floor parin kami and someone grab my wrist. Nagulat ako ng makita ko....




"Ranz?" hinila nya ako papunta sa may side, medyo madilim. Nasa backyard na pala kami. Walang ilaw at tanging buwan lang ang nagbibigay liwanang samin.




"What are you doing? Let go of me!" dala na rin ng alak kaya medyo naiirita ako sa paghila nya. Hindi nya pwedeng gawin yun lalo na at party ko yun.




"Can I talk to you?". what? Talk? pwede naman akong kausapin ng ayos hindi yung hihilahin pa ko. Shit. nakakaramdam na ko ng hilo. Ilan na bang bote ang nainom ko?




"Okay? What is it? May party pa ko! Can't you see?"



"You need to get rest. You're drunk"



"Who are you to say this? Tutulog ako at magpapahinga ako kung kelan ko gusto at saka hindi ako lasing!"



"No, lasing ka na. Ihahatid na kita sa kwarto mo" he grab my wrist again and suddenly he pulled me. Ang lapit na namin sa isat isa.



"Halika na please. Lasing ka na." nararamdaman ko ang hininga sa mukha ko. Sa tangkad nyang yan hanggang leeg lang ako. tssk.




"Ivory?" I heard someone calling my name. Its Zachary.



"Shit!" bulong ko. At nakita ni Zac ang pagtulak ko kay Ranz




"Anong ginawa nya sayo Ivory? Tarantado ka!" inambahan nya agad ng suntok si Ranz. Pagharap nya samin ay nakita kong pumutok ng konti ang labi nya dahil dumugo ito.



"Stop it! Both of you!" umalis ako at iniwan sila. Nakakainis. They ruin my party. I hate them.



-----

Bad Girl Boss [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon