Ivory.HABANG papalapit sila saamin ay walang tigil ang palakpakan ng mga tao sa paligid. Hindi rin maalis ang paningin ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Imposible, ang laki na ng pinagbago nya.
"Hija, what a pleasant surprise. Ang laki mo na at lalo ka pang gumanda" napalingon ako kay Mrs. Imperial at nginitian ko sya. Nagbow naman sila saakin.
"Naaalala mo pa ba kami hija?" tanong ni Mr. Imperial
"Pasensya na po pero sa tagal na nating hindi nagkita kita ay hindi ko na po kayo masyadong matandaan, iisang bagay lang po ang aking naaalala" magalang na sagot ko.
"Ako si Tita Feliz mo at siya naman ang Tito Randy mo ang kapatid ng iyong Master Gideon. Sya naman ang aking anak, si Ranz. Ang..."
"Ang batang lalaking nagligtas po saakin. Opo, natatandaan ko po sya, nabanggit din po saakin ng aking ina ang tungkol dyan at malaki po ang utang na loob namin sa inyo dahil kayo ang nagligtas sa buhay namin, 7 taon na ang nakalilipas"
Ngumiti si Mrs. Imperial at nagulat ako ng bigla na lang nya kong niyakap.
"okay everyone" natahimik ang lahat ng muling magsalita si daddy
"Once again, lets give a round of applause for the Imperial family" at tinaas ni daddy ang baso na may lamang wine. Isa-isa naman kaming kumuha ng wine na iniabot ng waitress.
"Cheers" *ting*
Pagkatapos ng pagwelcome sa mga Imperial ay dumiretso ako sa table nina Shane. At ang pagkabessy chismosa mode nya . Yun nag-on na ulit
"So ano bess, sya ba? Sya ba yung kinukwento mo sakin?"
hay nako!
"Yiee, infairness bagay kayo ha?" tinapik ko naman sya. Lakas lakas kase ng boses
"Shane wag ka ngang maingay, baka marinig ka nila"
"Oh kuya oh sinasaktan ako ng prinsesa" nag puppy eyes pa si Shane at natawa naman si Zac sa inasal nya
"Napaka-isipbata talaga, nagsusumbong pa"
"Whatever"
"Hmm, guys can we talk to Princess for a moment?" singit naman ni Daddy
"Yeah sure tito walang problema" nagpaalam muna ako kina Shane bago bumalik sa table namin nina Daddy. Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy sa paglalakad.
"Siguro naman natatandaan nyo ang panganay ko na si Ivory. Sya yung niligtas mo Ranz" rinig kong sabi ni Daddy habang papalapit ako sa kanila.
"of course Harry, I remember lalo na at napakagandang bata nyan. Actually I talked to her kanina while you propose a toast to us" nagsalita si Mrs. Imperial.
"Hi lady, pleasure to meet you again" sabat naman ni Mr. Imperial at nagbow sila saakin.
"its okay po kahit wag na kayong magbow sakin, nahihiya po ako sa inyo eh, ako pa po dapat ang magbow kase you'll save our lives from danger"
Lumakad naman papalapit si Ranz sa akin. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Why is this happen?
Sobrang lapit na nya sakin pero may isang babaeng bigla na lang sumingit at humarang sa gitna namin, medyo may kaliitan sya at blonde ang buhok. Parang pamilyar sya sakin??
"Babe!"
what? babe? how?
"Nasa likod mo ang prinsesa, take a bow" bulong ni Ranz
Lumingon naman ang babaeng tumawag ng BABE kay Ranz Imperial. I know who is she, sya yung leader ng mga bitchesa sa gang ko.
"I dont mind her" she said sarcastic. Its showtime.
"Hey stupid! gusto mo bang mapaalis dito ng wala sa oras?" mahinahon kong sabi
"See pinagtitinginan ka na ng mga tao, ayaw ko mang ipagmalaki pero ako ang may-ari ng hotel na to at anak ako ng Hari ng Kentwoo, so no choice ka, kelangan mong gumalang or else aalis ka dito sa ayaw mo man o sa gusto mo" dagdag ko.
Hindi parin sya kumikibo, bigla namang may dumating na dalawang matanda.
"Mahal na prinsesa, pasensya na po sa inasal ng aming anak. Aalis na lang po kami" agad namang hinila ng matandang lalaki ang kanyang anak na malanding hitad at umalis na ng hotel.
Nakatingin lahat ng tao sa kanila at pinagbubulungan dahil sa pagpapahiya ko. Tatalikod na sana ako ng biglang..
"Can I talk to you?" hinila ni Ranz ang kamay ko. Napatingin naman ako sa kamay nya at agad din syang napabitaw.
"what for?"
"About what happen, 7 years ago"
BINABASA MO ANG
Bad Girl Boss [COMPLETED]
Novela JuvenilSantini Royal Empire is the world's famous empire in the history. Si King Harry Santini Sr. ay naluklok noong 19th century at ang kanyang henerasyon ay nagpatuloy sa ngayon. Nanunungkulan ang kanyang ika-3 henerasyon at hindi nabibigo ang mga tao sa...