Chapter 2

1.2K 68 0
                                    

Chapter 2 Jasper Ozae

Naging masaya ang hapag kainan nang gabing yon dahil sa presensiya ng Señora.Sadyang maluwag kasi siya sa mga trabahador at mabait sa mga ito.Kaswal lang din ang pakikipag usap niya sa Mayordoma at panay ang tawanan ng dalawa.Pinuno ng kwentuhan nilang dalawa ang kainan at masayang nagkwentuhan sila tungkol sa mga nangyari sa mansyon pati na ang pagalis ng Señora sa bansa.

Ganon daw talaga ang señora dahil sa kabaitan nito,ang gusto lang nito ay masipag na nagtatrabaho ang mga katulong at laging sumusunod sa utos ng Mayordoma.Mahilig ito sa mga bata kaya lagi niya akong tinatanong habang kumakain ang lahat.

"Ambrielle, mabuti at hindi ka napapagalitan sa school mo??Napakahaba na kasi ng buhok mo hijo."She asked as she sip her wine at tumingin sakin habang nakangiti.Amused by my appearance.

Nahihiyang sumagot naman ako."Ang sabi po kasi ni Lola Alita,hayaan ko nalang pong humaba at siya na ang bahala."Sabi ko at tumingin kay Lola na nakangiting tumango.

"Si Alira rin mismo ang nagsabi na hanggat hindi siya nakakauwi ay wag ko munang pakielaman ang buhok ni Amber."Patukoy niya kay Ate Alira na nagiisang anak niyang babae.

"Sabagay,bagay naman niya."Natutuwang sabi ng Señora at nahihiyang nagpasalamat ako at kumain nalang.

Naging tahimik lang ang salu-salo nang inanunsiyo ni Señora ang paguwi ng bunsong anak nasi Jao.Heto muna raw ang mananatili sa mansyon at tutulong din muna sa business nila sa Manila.Tapos na kasi nitong libutin ang mga tourist spots sa buong mundo at magbabakasyon muna sa Pilipinas.Tatlong araw mula ngayon ay kaarawan na ni Sir Jao at doon din ang araw na uuwi siya ng mansyon.

Suddenly ,a glimpse of excitement and curiousity sparks in me dahil sa binalita.Ano na kayang itsura niya??Did he became more scary and intimidating o bumait siya??I don't know,hindi ko kasi talaga siya kilala.Only their family picture is my referrence kung anong ugali at itsura nito.What about his looks??Lumaki kaya siya??Tumangkad??Did he do gym para lumaki ang katawan niya??I blushed at that thought.

Ano bang iniisip mo Ambrielle?!

Pilit kong inalis ang mga katanungan sa isip ko at nakinig nalang sa iba pang sinabi ng Señora.Lumago daw lalo ang Perfume business nila pati na ang iba pa nilang produkto.Dumami ang investors sa main company at sa iba pang branches.
Ang mga models na nagpo-promote ng mga products nila ay effective daw sa masa kaya maski sa ibang bansa ay tumaas ang demands.

Ngayon ay magtatayo raw sila at magdadagdag ng mga bagong produkto at branches dito sa pinas.Magisismula sa bansa hanggang sa makarating ito sa labas ng Pilipinas.

Lahat ay nasiyahan sa binalita ng Señora,lalong lalo na si Lola Alita na hinagkan pa ang Señora dahil sa proud na proud daw ito sa dating alaga.Their bond is just too great and tight at naiintindihan iyon ng lahat.

Matapos kumain ay masayang tumulong ako sa paglilinis nang pinagkainan at naghugas narin ng mga plato.Sina Lola at Señora Serena ay nagkwentuhan pang muli sa labas ng teresa kasama ang mga matatandang trabahador ng mansyon.

Bumalik nako sa kwarto ko at natulog habang nakangiti.I'm really looking up for tomorrow at inaabangan ko kung anong mga mangyayari sa bakasyon ko.

Nagising ako ng maaga at mabilis na nagsipilyo at naghilamos ng mukha.Lumabas ako ng kwarto, ang sigla ng Quarters ay ramdam na ramdam kona.Lahat ay masayang naguusap tungkol sa darating na selebrasyon habang nagku-kudkod sila ng mga kaldero.Ang mga katulong na naglalampaso at nagpupunas ng mga bintana ay masiglang naguusap din.

Hawak hawak ang spray bottle na may lamang bitamina at tubig ay sinimulan kong diligan ang mga halaman sa loob ng mansyon.Matapos ay mahigpit kong tinutok sa mga halaman ang hose na hawak ko para madiligan naman ang mga nasa labas.

Kinabukasan ng umaga ay naligo ako sapa at nagtampisaw sa tubig habang nakatirik ang araw.The waters coating my body with warmthness is a delicacy to my system.Hinding hindi talaga ako magsasawa sa pagligo dito.

Natigil lang ako nang ipatawag ako ng Lola at madali akong nagayos sa loob ng kwarto ko.Tapos narin akong mananghalian ng pasukan ako ni Lola sa kwarto ko.Inabot niya ang telepono sakin at nagtataka kong kinuha ito.

"Hello po??"Tanong ko sa kabilang linya.

"Amber!!"Ang masiglang boses ni Ate Alira ay mabilis na nagpangiti sakin at napatayo ako sa tuwa."I miss you!!"Sabi pa nito.

"Ate Alira."Masayang sabi ko at lumingon kay Lola na tinaasan ako ng kilay.Ngumiti naman ako sa kaniya at muling nagsalita."Ate,i miss you too."Sagot ko pabalik.

"Kumusta kana??Graduate ka na ahh.Congratss."

"Opo,salamat rin po sa inyo syempre."Patukoy ko sa mga turo at habilin niya sakin nung nagaaral pako.

Palagi ako nitong pinapayuan at tinuturuan sa mga exams ko at pati narin sa mga bumubully sakin.She was my guardian angel inside the school,at siya rin ang nagsabit ng medals ko nung mag-graduate ako.Para ko narin siyang nanay at ate sa pakikitungo niya sakin.

Iniwan na muna ni Lola Alita ang cellphone niya sakin para makapagusap at magka-kamustahan kami ni Ate Alira.Ang sabi niya ay uuwi daw siya ng mansyon next week at hindi na makakadalo sa Birthday ni Sir Jao.Still,she was excited to tell me na ilalabas niya daw ako ng mansyon at ililibot sa syudad.

I was really excited kaya nagtatalon ako sa tuwa nung kausap ko siya.She was laughing at my reaction but it was no use,talagang masaya ako dahil minsan lang ako makalibot kasama siya.Bukod sa busy ako sa pagaaral at mansyon,busy rin siya sa pagtuturo.Ang eskwelahan lang yata ang napuntahan kong lumalayo sa mansyon.Bago talaga para sakin ang pakiramdam ng pupunta sa siyudad,hindi ko maiwasang matuwa.

Binaba ko na ang tawag at hinintay na ang kinabukasan.Ang pinakahihintay kong araw ay bukas na,ang pagdating ni Sir Jao at ang kaarawan nito na paniguradong magiging masaya.

I can't wait tomorrow,and i can't wait to see him.

"Masarap siguro ang mga pagkain na iluluto nila bukas."Kinagabihan na sabi ko sa sarili bago pumikit para makatulog na.

Note:
Update tomorrow,hehehehe.

Storms In His Heart (Art Boys Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon