Chapter 62

652 39 3
                                    

Chapter 62 Rules

Tahimik kong kinakain ang sandwich na binili ko sa canteen nang sikuhin ako ni Tywin.Recess na namin at umupo kami dito sa may silungan.Huminto ako sa pagsubo at nilingon siya na nababalisang ngumuso sa isang direksyon.

Nakita ko si ate Jahara na may hawak na libro habang papunta ito samin.Ang maikli at itim niyang buhok ay kumikinang sa sinag ng araw.Ang medyo makapal niyang bangs ay hinawi sa paitaas.

Kinuha ko ang tumbler ko at uminom doon.Hinintay ko siyang makarating sa pwesto namin.Kunot noo kong nilingon si Tywin na kinakabahang pinanood si ate papalapit samin.

Napailing ako.

"Ate."Wika ko at tumayo nang makalapit siya.

"Hello."Ngumiti siya sakin at tumingin kay Tywin na nahihiya at namumulang kumaway.

Nilingon niya ulit ako bago magsalita."Tapos kana?Ihahatid kita sa room mo."Ngumiti siya at ngumiwi naman ako.

"I can walk by my friend."Simpleng sagot ko at tinanguan si Tywin na tumango pabalik.Tumayo narin ito sa kinauupuan.

"Chotto matte!!"

Napatingin kami kay Alira na may hawak hawak na chips at zesto sa kamay.Naka braid sa dalawa ang mahaba niyang buhok at nakangiting lumapit samin.

"Hindi pa nagring yung bell,dito muna tayo."Anyaya niya at kumaway kay Tywin."Hello Ty."Ngumiti siya sa kaibigan.

"Hello ate."Ngumiti pabalik sa kaniya si Tywin.

"Were done eating."Wika ko at inayos na ang pinagkainan ko.

"Awwee,unang pasukan ang boring ng recess."Ngumuso si Alira at sumimsim sa zesto na inumin.Inabot niya ang chips kay ate na kumuha naman dito.

"May lunch pa naman Alira."Ani ate at hinila na siya ng kaibigan.Nagpaalam na ang dalawa dahil inuutusan daw sila ng adviser nila.

Dumating ang lunch na sabay sabay kaming kumain sa isang botanical garden ng school.May mga upuan at lamesa don,may mga silungan din.Maraming bulaklak at halaman pati na ang preskong hangin.

Grade 6 nako at graduating na sa elementary.Kasabay ko si Tywin na kaklase at kaibigan ko nung kindergarten pa kami.Sina ate Jahara at Alira naman ay nasa Secondary na.

Pinagusapan namin kung ano ang mga nangyari sa loob ng classroom dahil nga unang araw ng pasukan.As for me,wala namang bago.

Some boys are scared talking to me,just like the old days.I don't know,maybe i'm the tallest among them?Mabait naman halos sakin ang mga babae kong kaklase,hindi rin lumilipas ang araw na wala akong makikita na letters sa locker ko.

"Whoah!!"Napatayo si Tywin nang ilabas ko ang isang bote ng wine sa bag ko.Namamanghang tinignan niya ang bote na kulay berde at may lamang wine.

I smirked and put it down on the table.Nasa garden kami ngayon at hindi makakasabay sa lunch sina ate at Alira.

"Dude that's wine!!"Gulat na asik ni Tywin at nilapit ang upuan na kaharap ko sa table.

"Hush it down."Sabi ko lang at binuksan ang bote.I grabbed my tumbler at ininom ang natitirang energy drink dito.

Agad namang gumaya si Tywin sa ginawa ko at ininom ang laman ng tumbler niya.Pinatong niya ito sa table at luminga linga."Baka mahuli tayo."

"I don't care."Sagot ko sa kaniya at pinuno ng wine ang tumbler ko.Natatawang umiling siya habang pinapanood ako."I won't do this if i care."Dagdag ko at inabot sa kaniya ang bote.

Sakto sa dalawa naming tumbler ang laman ng wine nung lunch nayon.I hid the empty bottle inside my bag.The wine tastes good,parang grape juice lang.

It's not addicting as i imagined it but Tywin loves it.Tinanong niya kung san ko galing ang wine,i told him it was from my ate.

Jahara loves drinks but she prefers wines aside from cocktails and beers.Nagstart na nga din siyang magcollect ng mga ito.

I stole it from her room.Hindi naman siya kawalan dahil may iilang katulad na brand yung kinuha ko.

Uwian na nung araw nayon at naglalagay nako ng iilang gamit sa locker ko.Hindi ko ugali ang mag uwi ng gamit pagdismissal kaya nakalagay lahat sa locker ang mga gagamitin ko bukas.

"Lover letter na naman."Ani Tywin sa tabi ko habang hawak hawak ang backpack na spiderman.Tinignan namin ang colored paper na hawak ko mula sa locker.

Kulay pink yung papel.

Binigay ko sa kaniya at tumalikod na."Anong gagawin ko dito??"Nagtatakang tanong niya matapos akong habulin.

"I don't want it."Wika ko at nagpamulsa.Suot suot ko ang backpack ko na Venom naman ang design.Sa labas ng gate ay naghihintay ang dalawang kotse.

Isa para samin ni ate at isa para kay Tywin.

"Try mong basahin,sayang."Tumawa si Tywin at nilusot iyon sa bag ko na binuksan niya.Nagpaalam na siya sakin na tinanguan ko lang bago siya pumasok sa sasakyan kasama ang driver niya.

Pumasok nako sa kotse at pumwesto sa shotgun seat.Nasa left side ko naman si ate na nagbabasa ng libro."Hello,musta school??"Huminto siya sa pagbabasa.

Nilagay ko ang backpack ko sa lap ko at binuksan ito.Kinuha ko ang love letter na mabilis kong inalayo sa kaniya nang abutin niya ito.

"Let me read it."Nagpipigil na ngiting sabi niya.Inilingan ko lang siya."Nabasa mo naba??"

Umiling ako."Nope,girls write boring things anyway."Nagkibit balikat ako at tumaas naman ang kilay niya.

"Basahin mo muna kase."Sabat ni Alira na nakaupo sa frontseat.Katabi niya ang driver at naglalaro ito ng games sa cellphone ni manong.

"Judgemental."Natatawang umirap si ate at humalukipkip sa kinauupuan.Lumabi ako at nilingon ang papel na nilukot ko.

"Awee,sayang naman."Ngumuso si Alira."Hala nadead ako!!"Asik niya na habang naglalaro ng cellphone.Umayos na siya ng upo at nanahimik na sa front seat.

"Come on,try reading it.Wala namang mawawala sayo."She chuckled.I heaved a sigh at binuksan ang lukot na lover letter.

Totoo naman yung sinabi niya.

Binasa ko ang laman ng letter and as expected,it was boring.It was full of flowery words.Napapangiwi ako habang nagbabasa na kalaunan ay naging ngisi na.

"See?Kinikilig ka no??"Pangaasar ni ate sakin.Lumabi lang ako at nilukot ulit yung papel.

"That's gay."Ngumiwi ako na marahan niyang tinawanan.I threw the crumpled paper sa trashcan ng sasakyan.3 points.

"Guys can feel that too,basta wag muna mag girlfriend ah??"Natatawang tanong niya.Nagkibit balikat ako at lumingon na sa labas ng bintana.

There's one thing i knew when i was a kid,i don't easily follow the rules,i make my own.

Storms In His Heart (Art Boys Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon