Chapter 56

722 48 4
                                        

Chapter 56  Taxi

"Problema mo??"Tanong ni Yuqi habang nagmamaneho siya.Nasa harap namin ang sasakyan ni Adison na sinusundan niya.

"Wala naman."Mahinang sagot ko habang nakatingin lang sa harapan.

"I know you purposely did that."Wika niya,hindi naman ako nagsalita."Crush at first sight??"

I chuckled."Baliw."

"Gwapo at mayaman yun,i once saw him in our family gatherings."Sabi niya at inikot ang steering wheel."Kaya pala pamilyar siya."Dagdag niya.

"Family friends niyo siguro."I commented at tumingin sa phone.

"Baka nga,sa father's side ko."Ngumiwi siya.

Magkadikit ang dalawa habang ako ay humiwalay sa kanila habang nagtitingin ng mga artworks.Bumalik yata yung sigla ko at tuwang tuwa ko sa lugar nato.

Pinipicturan ko ang mga nagugustuhan.I also get to see my favorite artist's artwork.Hindi ko alam na nandito yung isa niyang artwork,.I was grinning nang makita ang pangalan niya sa ilalim nito.

"You really love painting??"

I chuckled a bit."Yeah."Nakangiting sagot ko at mabilis na nawala nang makita si Akiro sa tabi ko.
Umiwas ako ng tingin at lumakad na.

"How are you??"Tanong niya habang nakasunod lang sakin.

"I'm fine."I formally answered.

"You look fine."He chuckled at tumabi sakin.Tumingin tingin nalang ulit ako at hindi na siya pinansin.

Kinalbit niya ako sa balikat at bumuntong hininga ako bago siya harapin."What—"Biglang nagclick ang phone niya at ngumisi siya sakin.

"H-hey!!"Gulat na asik ko at inabot abot ang phone ko."Delete mo yon."Naiinis na sabi ko at tumalon talon.

Natatawang tinaas lang niya ang phone niya."Tumanda kang hindi tumatangkad "

"Tumanda kang mahilig paring mangasar."Mahinang asik ko naman.

"I heard that."

"Akin na."Inabot ko ulit ang phone niya.I heaved a sigh at hinayaan na siya dun.Humabol naman ang gago.

"You're friends with Yuqi??"Tanong niya.

"Obviously."I sarcastically answered.

"Naging masungit karin pala."Natatawang komento niya at nginiwian ko lang siya.

Matapos maglibot sa loob ng Art Museum ay nagtext na si Yuqi na naghihintay na sila sa labas.Lumabas nako kasabay si Akiro na nakasunod lang sakin.

"Ambrielle."Nakangusong hinila ako ni Yuqi at lumayo sa dalawa.Nagtataka ko naman siyang tinignan.

"May pupuntahan kami ni Adison at baka late na kami umuwi."Nagpuppy eyes pa siya."Pwede sumabay ka muna kay Akiro??"Tanong niya at parang bibe na ngumuso ulit.

"What the hell Yuqi??"Naiinis na tanong ko."Ang daya mo."

"Sige na,kesa naman sa magcommute ka.Baka mapano kapa."Sabi niya."Sige naaaa,please??"

I heaved a sigh at kinamot ang kilay ko."Fine."I beathed out.

"Yass!!"Tili niya.

"May atraso ka sakin ah."Tinuro ko siya na ngumisi lang at tumango."Malandi."Dagdag ko.

Hinampas niya ang braso ko at tumawa."Slight lang."Humagikhik siya.

"So,lets go??"Lumapit na si Akiro at Adison samin.I saw how Yuqi smirked at tinaas taasan ako ng kilay.

Storms In His Heart (Art Boys Series#1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon