#:acting so weird!
A/N:May kapalit ba?#########################################################################
"A bully queen meet an ice king"
##############################################################################
Karen pov:
Ilang araw na din ang lumipas iniiwasan ko ang mga bagay na makakasira ng araw ko kasama na si clinton dun.
Maagang nag dismiss ang klase and good to hear, uuwi ako ng bahay para magpasama kay mommy mag shopping sa mall i miss that way.
Nakahiram ako ng pera kay zion ayaw namang pabayaran pero babayaran ko parin yon malaki-laki na rin kasi ang utang ko sa big brother ko.
Nagulat ako ng biglang may humawak sa kamay ko pag tingin ko si clinton na nakashades pa hinila niya ako papuntang parking lot.
"Ano bang ginagawa mo? Pwede bang bitawan mo ako?"pero parang bingi lang ito tinulak pa ako nito papasok ng kotse saka pinatakbo ng mabilis.
Nasa kalagitnaan na kami ng biyahe ng diko mapigilang magtanong. "San ba tayo pupunta? Nagugutom na ako clint..." kinukulit ko ito ng maraming beses.
"Nagugutom kana?" biglang tanong niya "Finally, buong akala ko talaga clint pepe kana!" "Iniiwasan mo ba ako?" "Luh siya, ano namang konek nun sa tanong ko hu?" pagtataray ko
"Isa pa ano namang paki mo?" "May pakialam ako sayo" sabat niya "Bakit,da'ah feeling concern? Kapal isa pa ano naman..." pero bago ko paman matapos ang sasabihin..
"Pumipeste ka kasi sa utak ko!" hanoo daw? Grabe namang banat yan, para akong natutunaw na ako mula sa kinauupuan ko simpleng banat pero pamatay kinilig ako!
"Nagugutom na ako!" pang iiba ko nalang, saka ibinaling ang atensyon sa labas. Kakahiya baka mahalata niyang kinilig ako.
Medyo kunti nalang ang pera ko, kunti nalang susuko na ako sa deal ng parents ko. "Tama lang ang dating natin dun, makakakaen ka ng dami!" nakangiti nitong sabi.
"Saang dun?" "Sa bahay!" "Ano? Ano namang gagawin natin dun?" saka ko niyapos ang sarili , tumawa naman ito ng malakas.
"Ui,tumawa siya!" sabi ko habang sinusundot pa ang tagiliran nito. "Ano ba stop it"natatawang sabi nito "Para ka kasing timang ee, paandarin ko na ang sasakyan wag ka ng magtatanong pa okay?" pagkatapos pinisil niya ang baba ko.
Ba't ang sweet niya, anong meron?
"Your blushing!" sabi nito "Hu? Totoo ba?" tinakpan ko ang mukha gamit ang kamay ko.Tawa naman ito ng tawa "Nakakainis ka!" sabay hampas ko sa braso niya "Ah,clint ano bang gagawin natin sa bahay niyo? Sino ba ang nandun?" sabik kong tanong.
"Hui wag mo namang sabihing tayo lang.... Masyado pang maaga!" pabiro kong sabi.
Tumawa lang ito ng tumawa, ngayon lang ata nangyari to? Bakit siya ganyan?Update:
Hanoo ba naman yan, ang gulo nilang pareho, totoo ngang sila lang ang nagkakaintindihan. Hahah tama nga naman si karen pareho silang bipolar hahha.
BINABASA MO ANG
"A bully queen meet an ice king"
Romance*Denying_faithful love. Loving someone is the greatest gift of all. But, to fall someone who deny and never love you back, is the very painful and hardest thing to accept. How can you managed everyday lives with an ice king lovers instead? Can you...