Kaile's Pov
2months na ang nakakalipas simula nung mag hiwalay na talaga kami ni nathan . At ayon yung traydor kong kaibigan hinayaan ko muna .
Habang nakahiga ako , hindi ko akalain na andito si Diane sa harapan ko di ko man lang napansin.
Sa 2months na yun halos hindi na rin muna ako pumasok . ewan ko ba kung bakit ganito ba talaga pag nag mahal ka ng sobra iba nangyayari :( sobrang sakit din pala ng ganito.
Sana hindi nalang ako nag mahal *Sub* sana hindi ko nalang muna inintindi yung love love na ayan*sub* sana di ako nasasaktan ng ganito*sub*
sana inisip ko nalang yung future ko *sub* sana nakinig nalang ako kay mama *sub* hindi ko naman akalain na magiging ganito kasakit*sub*
edi sana hindi ako nag kukulong, nag mumukmok sa isang sulok*sub* sana hindi ako naging ganito sobrang sakit*sub*
hindi ko namalayan ang pag upo ni Diane sa tabi ko take note ah itong kontrabida kong kaibigan himala at pinuntahan ako manenermon na naman panigurado to.
Diane : Hoy ! Kaile ano bang nangyayari sayo?
dalawang buwan ka ng hindi pumapasok? ganyan ka nalang ba habang buhay ?Kaile : ano bang ginagawa mo dito? sinabi ko bang puntahan mo ko ?
Diane : Wow ! Just wow Kaile nag mamalasakit lang ako sayo , ni hindi mo nga kami tinawagan ni isa sa amin , huling texx mo lang naman samin wag ka munang pupuntahan sa inyo diba.
------ F L A S H B A C K ------
Umuwi ako ng bahay ng lasing , wow ngayon lang ako nag lasing ng ganito *sub* pakshet na pag ibig yan*sub* iba nagagawa *sub*
lasing na ako nararamdaman ko pero nakakalakad pa naman ako . nag antay ako ng masasakyan habang nag hihintay nag isip muna ako ng nag isip .
di ko namalayang onti onting tumutulo ang luha ko kasabay ng pag buhos ng ulan .
akala ko naman napakarami ko ng iniyak ulan lang pala yun.
Habang wala pa ring masakyan , kinuha ko ang cellphone ko at tinex ko sila . Sent to many nalang para isahang texx nalang .
To : ***** FriendshipKo *****
Hi Guys , Goodevening
gusto ko lang sana sabihin sa inyo
na huwag niyo muna ako dadalawin
o pupuntahan sa amin gusto ko muna
mapag isa . don't worry guys.
Im okay . sana maintindihan niyo
muna ako salamat .Sent Message !
gustong gusto ko munang mapag- isa ngayon ayoko muna ng may mga maiingay at tanong
ng tanong.------ E N D O F F L A S H B A C K ------
Diane : Hoy Kaile ? Kaile ? Kaile ?
Kaile : Ano ba bakit mo ba ako sinisigawan ? tssk
Diane : Kaile naman , nakakainis ka 3times na kitang tinatawag tulala ka masyado. hindi kapa ba tapos mag isip ng mag isip ? tssk
Kaile : Pwede bang umalis kana muna dito Please lang naman oh sabi ko gusto ko muna mapag isa. bakit ka ba nandito ?
Diane : Eh kasi gusto ko lang naman sabihin sayong pinag dadrop kana ng iba nating prof . 2months ka ng hindi pumapasok . yung mga palusot namin hindi na umuubra sa kanila. pwede ba pumasok kana please naman bago kapa bumagsak ng tuluyan.
Kaile : ( Agad na napatayo ) Seryoso ba yan diane ? pinag dadrop nako ?
Diane : Oo ! tssk ano ba naman kasi yan imbes na mag mukmok ka rito sa inyo bakit di mo nalang idaan sa pag papakasaya yang nararamdaman mo , nandito lang naman kaming mga kaibigan mo tutulungan ka namin kaile please naman wag mo sirain yang buhay mo sa walang kwentang tao.
Kaile : ( She Chuckled ) ! Alam mo ikaw yung pinaka kontrabida sating lahat pero andito ka para lang paliwanagan ako ng matino . pabatok nga isa lang hahaha.
Diane : OMG o____O ! Napatawa din kita hahaha.
Alam mo kaile ano man yang problemang dinadamdam mo andito lang kami para sayo , kahit sino naman satin yung nakakaramdam ng problema sa pamilya , studies , friends , Yah and Lovelife . tayo tayo lang din naman yung mag tutulungan diyan hindi man ganun kabilis para mag hilom yung problema atleast nababawasan kahit papano kapag nag kakasama sama tayo.Kaile : Huh ??? ikaw ba yan Diane ang seryoso mo naman di ako sanay hahaha.
Diane : ano kaba kahit naman lagi akong kontra sa inyo mahal ko kayong mga kaibigan ko at ayoko pa rin kayong makitang nag kakaganyan.
kaya parang awa muna pumasok kana naman na.Kaile : Oo ! sige na papasok nako , tama ka naman eh Sorry nga pala sa inyo ah ! dahil sa naramdaman kong sakit nakalimutan kong may mga kabigan akong andiyan para pasayahin ako. sorry kung pati kayo namoblema sakin hehehe.
Diane : At sana maging lesson na yan sayo ! Please lang napaka raming lalaki sa mundo wag kana diyan sa niloloko ka lang duh ???? maganda ka pa naman bobo ka lang sa lalaki bwahahaha joke.
Kaile : Ah so ganun ? Oh sige dahil sa sinabe mo binabawi ko na di nako mag aaral .
Diane : Kaile >_____<
Kaile : Joke lang hahaha ! Galit naman to agad pero seryoso salamat sa pag papaalala sakin.
Diane : No worries ! So ano Alis na muna ko may lakad pako gusto mo ba ng kausap ? itetexx ko si sila para may makausap ka dito ? may importante kasi akong lakad kasama ko si mommy.
Kaile : No ! wag na makalat din dito nakakahiya wala pakong ligo , sipilyo hehehe
Diane : Ewww ! kaya pala ambaho hahaha. Osya ! aalis nako bessy pasok kana ah imissyou :*
Kaile : Sige ingat ka kontrabidang naging mabit sa araw na to hahaha . salamat ulit.
Sa pag alis ni Diane , biglang sumagi sa isip ko ang mga sinabi niya sa akin lalo na don sa pag aaral ko.
Hindi ako pwedeng bumagsak ako lang ang inaasahan ni mama tapos mag kakaganito pako.
Tama ! tama yung sinabi ni Diane alam kong andiyan sila para sa akin , nakalimutan ko lang talaga dahil sa katangahan ko . hays.
Di ko namalayan yung sarili kong nag lilinis na pala ako ng kwarto ko sa sobrang kalat. OMG. anong nangyari sa kwarto ko hahahaha !
Habang nag lilinis ako muling sumagip sa isip ko , Tama dapat hindi ako mag paapekto sa mga nangyayari , dapat yung sakit na to hindi ko iniintindi , dapat mas iniinti ko yung mga taong nakapaligid sakin . tama !
tama ! Kailangan ko ng umayos bahala na muna yung problema na yon.
Aja ! New Hope Aja ! kaya ko to , kaya mo to Kaile kayanin mo.
Posiblelove -
- I.G Account ( Bibyyou )
- Twitter Account ( Bibyyou30 )Thankyou ! Don't Forget to Like , Vote , and Comment enjoy reading Muaaaa😘😘😘
BINABASA MO ANG
The Most Painfull Heart (ON-GOING)
Teen Fiction- Ang kwentong ito ay , makakapag bigay aral sa bawat taong umiibig pero nasasaktan . - Ang kwentong ito kung saan malalaman mo kung ano ang halaga ng pag ibig. - Ang kwentong ito ay kung paano mo maayos ang iyong sarili oras na ikaw ay mabigo Ating...