Chapter 1

1.5K 28 5
                                    

Chapter 1


Perfect


Nauntog ako sa lamesa sa pagkakagulat ng biglang mag-ring ang cellphone ko sa tabi. Shit! Ang sakit! Pero dahil rin dito kaya nawala ang antok ko!

Sa pag-aakalang si Eros na ang tumatawag ay agad ko itong sinagot ng may ngiti sa labi ng hindi tinitingnan kung sino ang nasa kabilang linya.

"Hello?" Kahit napapaos ay siniglahan ko ang boses ko.

"Price, hija? Nagising ba kita o nakakaisturbo ako sa inyo?" Hagikhik ni Mommy sa kabilang linya.

"Mommy!" I shouted eventhough, disappointment wash over me. "N-Napatawag po kayo? May nangyari po ba? Kumusta po kayo diyan?"

Parehong mga magulang ko at mga magulang ni Eros ay naroon ngayon sa Europe para sa kanilang world tour. Magmula kasi ng ikasal kami ni Eros ay sinagot narin niya ang pamamahala sa aming kompanya kaya nama'y malaya ng nakakagala ang mga magulang namin ngayon.

Tumawa si Mommy. "Wala, hija! We're perfectly fine here. Kayo sana ang kukumustahin namin. Ano? Kumusta na kayo diyan ng asawa mo? 'Yong apo namin, parating na ba?" Halakhak niya.

Gusto kong sabihin sa kanya na parating na sana kung hindi lang nila iniwanan ng maraming trabaho si Eros matapos ng aming kasal pero ayoko namang bigla silang umuwi dito ng dahil diyan.

And knowing my mom? I know she would be guilty at everything and I don't want her to end up insisting desperately here just for her grandchild to be effectively created.

Hilaw akong natawa na bahagya ko pang nilakasan. Kunot ang noo ko habang ginagawa ito ng may naniningkit na mga mata. Ni hindi ko nga mahagilap ang anino ni Eros ngayon.

"Don't worry, mom! Sisiguraduhin ko sa inyong hindi na ako makakalakad sa bigat ng tiyan habang sinusundo kayo sa airport. Kailan ba ang uwi niyo, mom?"

Mas lalong lumakas ang tawa niya. Ngayon ay may halo na itong iba-ibang boses kaya alam kong hindi lang siya ang nakarinig sa sinabi ko kanina. I blush at the thought of being heard by the Sierro's! Baka isipin nilang masyado akong desperada sa anak nila!

"Aasahan namin iyan, hija! And please tell Eros about it!" Rinig ko ang boses ni Mama Hera, ang Mommy ni Eros.

"Sure, Mama! Mag-iingat po kayo diyan!" I blush but then, I can't really hide my smirk.

Ikaw nalang talaga ang kulang, Eros. Ang pinakamahalagang sangkap bukod sa akin. Hindi lang mala-Venus ang bubuuin ng kagandahan at kasexy-han natin. Kahit higit pa diyan!

"Pakisabi nalang kay Eros ng happy birthday and oh! May yate at resthouse nga pala kami sa Palawan, sabihin mong 'yon nalang muna ang regalo namin sa kanya at baka maisipan niyo ring magbakasyon!"

Matapos nilang ibaba ang tawag ay agad akong nag-ayos ng sarili. Like really? Asan na ba kasi 'yon si Eros? I've been waiting here at our dining for hours! And now, it's almost eleven in the evening!

Nilingon ko ang lahat ng niluto mula adobo, menudo, lechong baboy na hanggang ngayon ay nakanganga parin sa gitna, partida, fresh from Cebu pa 'yan! At iilan pang mukhang masasarap naman pero ngayo'y nilalamig na. Gaya ng panlalamig ko rito sa paghihintay sa kanya. May iba't ibang klase rin ng dessert rito at may cake pang bumabati sa kanya. Sa harap ko naman nakalatag ang isang mamahaling wine na kanina ko pa tinitikman habang hinihintay siya.

I poured another glass of wine before sipping it while roaming my eyes at the serenity of our house. Baka naman umuwi na si Eros ng hindi ko napapansin?

Napailing ako bago nilapag ang baso sa lamesa matapos ubusin ang laman. "Siguraduhin mo lang na wala kang ginagawang kababalaghan sa oras na ito, Eros." Mariing naibulong ko. "Manang Dyosa?" Pagtawag ko kay Manang na parang narinig ko ata kaninang nagpapaalam na para matulog.

Seducing My Own HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon