Chapter 6

1K 24 0
                                    



Chapter 6

Complicated

Natatawang pumasok ako sa loob ng bahay. Kahit si Manang na kakalabas lang mula sa kusina ay nagulat sa ngiti ko. Hindi man ako matagumpay sa lahat ng pinaggagawa ko sa kanya, atleast ngayon alam ko ng may epekto talaga ako sa kanya. Partida, boobs palang 'yon. Ang boobs na sinasaway niya dahil hindi ganun kabongga ay nakapagpatayo sa kanya. Hindi pala nakakaakit ha?

"Mukhang may magandang nangyari ah? Kumain muna kayo." sabi ni Manang.

"Susunod na ako, Manang Diyosa! Magbibihis lang po ako at magpapaganda ng todo-todo para sa baby ko! Baka sakaling magbago ang isip niya at ako ang gagawing pananghalian!" I giggled.


Dumiretso ako sa kwarto para makapagpalit habang inaalala ang lahat. Kung paano ako nagsimulang humanga kay Eros. Kung paano ko ito itinago maging sa kaibigan ko dahil sa hiya.

---

Flashback...

"Bwisit ka, bitch! Sagutin mo na kasi 'yang manliligaw mo hindi 'yong tinatakasan mo pa ng ganito! Ako ang naha-haggard sayo uy!" Sigaw ni Yna bago naupo habang maarteng pinupunasan ang uniporme niyang nabasa ng ulan na para bang makukuha pa ito gayong nabasa na nga siya.


"Ayoko nga! Tsaka alam mo namang ayoko dun no! Masyadong mahangin e hindi naman pumantay sa yaman ng mga Alhara! Hindi rin papayag si Daddy dun!" Nakangiwing sabi ko sa kanya bago nag-order ng hot chocolate at chocolate cake.


Nandito kami sa isang cafe ngayon sa loob ng mall. Second year palang kami at tulad ng madalas kong gawin tuwing nahuhuli ang sundo ko, tinakasan ko na naman 'yong isang makulit kong manliligaw na panay ang suyo sa akin. Sumabay ako kay Yna na kanina ay niyaya rin akong gumala rito para may maidahilan. At ito nga, naabutan kami ng ulan sa labas.


"Tss ka, bitch! Pwede mo namang sagutin iyon ngayon para tumigil tas makipag-break bukas! Titigil rin 'yon kapag napakiramdaman na kung paano kang maging girlfriend dahil hindi ka naman sweet!" Humagalpak siya sa tawa bago nag-order narin ng sa kanya.


"E sa ayoko ngang maging boyfriend 'yon di ba? I want memorable one as my first boyfriend, Yna! At hindi ko siya type!"


"Yeah right! E sino ba kasing type mo? Tandaan mo, bitch, lima ang kasalukuyang nanliligaw sayo maliban pa roon sa nagtatago sa gilid-gilid, imposible namang wala ni isa kang napupusuan dun! Hello? Puro hearthrob here? Nahiya 'yong sahig sa haba ng buhok mo girl!"


"Edi ikaw sumagot sa kanila, Yna! Tss, kung makapagsalita ka naman... bakit, sinagot mo ba 'yong si Dave huh? Di ba hindi rin?"


"E kasi alam mo namang may iba akong sinusuyo, bitch! Paano ko siya sasagutin kung ako mismo, nanliligaw sa iba?!" She laugh hysterically. Para bang natatawa talaga siya. E kanina lang naiinis to sa akin dahil nabasa ng ulan.


Tinanggap ko ang hot chocolate na binigay ng crew bago bahagyang hinipan. Umuusok pa ang bibig ng cup sa init kaya hinihipan ko muna habang tinitingnan ang baliw kong kaibigan.


"Kahit na! E sa hindi ko sila gusto e!"


"That's more questionable, bitch! Paanong wala? Babae ka ba talaga? Halos lahat ng babae sa campus, sa mga manliligaw mo nagkakagusto! Tapos ikaw 'tong... what the fuck? Don't tell me jomboy ka at may plano kang umamin sa akin, ha? Pwes ngayon palang, basted ka na! Dahil lalaki ang gusto ko no! 'Yong totoong mapapaligaya ako!"


"Excuse me, Yna? Macho ka ba? Gwapo? Yummy? May abs? Dahil kung oo, posible pa sigurong magustuhan kita!" Nginiwian ko siya. Bibig nito. "Tsaka tigilan mo 'yang bibig mo ah? Ang dami pa namang tao rito! Baka isipin nila ang bastos natin!"


Seducing My Own HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon