Chapter 33

608 19 0
                                    



Chapter 33



Public Apology



Pahiyang-pahiya ako sa lahat. Hindi ko na alam kung may mukha pa akong maihaharap sa kanila. Ang sakit-sakit ng dibdib ko sa kaba, takot, at galit sa kung sino mang kagagawan nito. Pinahid ko ang mukha bago humahagulhol na tumalikod sa kanilang lahat dala lang ang bag ko na nananatiling nasa balikat. Wala na akong pakialam sa mga pinamiling alam kong nakakalat sa sahig. They have humiliate me big time for something they failed to interpret. Pinahiya nila ako kahit hindi nila alam ang buong storya.


I want to explain. I want to defend myself infront of those many people. Pero may sense pa kaya? Gayong isang salita lang, isang pakita lang ng mga maling larawan, naniwala na sila. May sense pa bang mag-explain sa mga taong mayroon ng sariling pinaniniwalaan?

"Viral ka na ngayon, Bruha! Nakakatuwa namang hindi mo 'yon alam?" parehong humalakhak sina Kylie at Jam sa likod ko. Hindi pa nakakatulong na nakikita ko ngayon ang ngiting tagumpay nung Milly habang naka-cross arms at maarteng nanunuod sa amin. Nanunuya ang tingin niya sa akin.


Wala sa sariling muli kong naigala ang paningin sa lahat. Kakatwang parang nakikita ko rin ngayon 'yong mga babaeng sinugod ko na noon dahil sa panglalandi kay Eros! It's as if they're all here to humiliate me! Para makaganti! Para agawin ang korona ko ngayon! Is this planned?


Naramdaman kong susundan pa sana ako nina Kylie kaya tumakbo ako kahit nahihirapan. Nakasalubong ko pa ang mga security na paparating palang pero wala na akong pakialam.



"Ahhhh! Shit!" sigaw ko ng madapa hindi pa man nakakalayo sa kanila.


Maraming tumawa... pero ni isa walang nagkusang tumulong. Kahit iyong sekyo ay nakatanga lang sa akin. Pabalik-balik ang tingin sa pinanggalingan ko at sa akin. Nagdadalawang-isip kung tutulungan ba ako o pababayaan nalang total ay pinagtatawanan lang naman ako ng karamihan doon.


Puno ng luha ang mga mata, tumayo ako kahit sobrang sakit ng paa. Muli akong napasigaw sa galit, inis, at sobrang pagkairita sa lahat. "DAMN! DAMN YOU ALL! WALA KAYONG ALAM KAYA WALA KAYONG KARAPATANG HUSGAHAN AKO! WALA KAYONG ALAM!!"


"Ang sexy mo, Miss! Pwede bang maka-isa rin?"


"Oo nga! Total, alam naman na ng lahat di ba?"


Agad nagpanting ang tenga ko sa narinig na pambabastos.


"MGA WALANGHIYA KAYO! GO TO HELL! BASTOS!"


Hindi ko alam kung paano ako nakababa sa loob ng mall at ngayo'y makasakay sa kotse ko. Iyak ako ng iyak sa loob ng kotse ko. Hindi ko mapigilan ang sarili. I have never felt this unwanted before. My Mommy and Daddy spoil me to the point na pakiramdam ko, walang makakatibag sa'kin. Walang maglalakas ng loob na sumalungat sa'kin. Walang maglalakas loob na saktan ako.


Nang bahagya akong kumalma ay tsaka ko kinuha ang cellphone ko sa bag. Gusto kong tingnan kung gaano ka-totoo ang sinabi nila sa akin. At kung totoo nga iyon, ba't di ko alam? Sinong may pakana ng lahat? Bakit may picture sila nung halikan ko si Steeve para pagselosin si Eros? Paano?


Marami akong messages sa cellphone pero inuna kong mag-online para tingnan ang lahat. At hindi naman ako natagalan dahil tulad ng sabi nila, it's viral. It's from an anonymous site na hindi ko alam na nag-eexist pala online!

'Jewel Princess Price Alhara who's known married to a Sierro is caught being intimate with a hot model Steeve Morgan? What does this mean?'

Seducing My Own HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon