Chapter 12

991 20 0
                                    




Chapter 12

Memories



Pareho kaming natahimik ng matapos siyang kumanta. Ramdam ko parin ang mga titig niya sa akin hanggang ngayon ngunit ako'y nalulunod na sa lahat ng mga iniisip.

As I think through the lyrics of the song, alam ko. Ramdam ko kung anong ipinapahiwatig ni Macky sa akin. But I hope he knows too that I am too broken now to accept what he mean. I don't even think I could ever entertain a man after Eros. He's my ever love. Hindi ko alam kung may makakapantay pa sa kanya gayong iisipin ko palang ang kahahantungan namin ay parang pinapatay na ako.

"Price..." marahang tawag ni Macky sa akin. Hindi ko siya tinitingnan ngunit alam kong inilapag niya na ang gitarang bitbit bago inabot ang magkahawak kong kamay. Kulang nalang lumuhod siya sa harap ko, maabot lang ako. "I know it's still too early for this, but I'm hoping you would consider me as one of the person who can help you move on from him. "


"Hindi pa kami naghihiwalay, Macky." I pointed out.


I don't want to misinterpret him but he's giving me clues. Parang hinihikayat niya akong hiwalayan na nga ng tuluyan si Eros at gamitin siya para makapag-move on dito. At medyo naiinis ako sa puntong 'yon.


Ako ang magdedesisyon kung kailan ko hihiwalayan si Eros, hindi siya. At kung mangyayari man, ayokong manggamit ng tao para lang makamove-on. Para makalimutan ang sakit na parang imposible naman.

"Don't get me wrong, Price. W-What I mean to say i-is..." nangapa siya ng sasabihin.

Doon ko naman siya natitigan habang lumilinga siya sa paligid, nahihirapang maipaliwanag sa akin ang punto niya. Alam ko pero ayoko muna itong tanggapin sa sarili. Masyado pa akong maraming iniisip para dumagdag.


Marahan kong ibinalik sa kanya ang kanyang mga kamay kaya nama'y napatingin siya muli sa akin. "Macky, kung ano man ang ibig mong sabihin, please 'wag ngayon. Alam mo ang pinagdadaanan ko ngayon..." inilahad ko ang palad para magbigay ng punto sa kanya. Para maintindihan niya'y ipapaliwanag ko sa kanya. "Oo, hindi ako mahal ng asawa ko. Nagpakasal kami para sa kapakanan ng kompanya gaya ng nalalaman ng iba. Pero mahal ko siya. Totoong mahal ko siya kaya nasasaktan ako ngayon. Minahal ko ang asawa ko kahit ganun siya sa'kin, Macky. Sanay akong ganun ang turingan namin sa isa't-isa, nagbabangayan, parating nag-aaway... Kaya 'wag mo sanang iisipin na mapapalitan ko siya ng ganun-ganun lang... o makikipaghiwalay na ako sa kanya ng dahil lang dun."

"Price!" nagugulat niyang sabi sa akin.

Pagod ko siyang nginitian. "Oo, Macky. Alam kong ang tanga-tanga ko para magmahal ng taong walang gusto sa akin. Pero masisisi mo ba ang puso? Mapipili mo ba ang taong mamahalin?" umiling-iling ako sa kanya. "Hindi naman di ba? Kusa mo itong nararamdaman. Napapasaya ka nito, at nasasaktan. Wala akong karapatang magreklamo... lalo na't pinili ko ito."


Dismayado siyang napatitig sa akin. Hindi niya gusto ang sinasabi ko... at ang desisyong nakapaloob dito.


"Ibig mo bang sabihin, kapag nasa Manila na kayo'y tatanggapin mo parin siya? Sa kabila ng mga pinaggagawa niya?"

Hindi ako tumango ni umiling sa kanya. Nakipaglabanan lamang ako ng titig na ikinamura niya.

Hindi ko pa alam. Titingnan ko pa ang sitwasyon namin. Magpapahinga lang ako sa mga pananakit ni Eros. Hihikayatin kong sa muling pagbalik niya sa amin ay okay na uli ako, at tuloy na ang mga gawain ko.


"How damn lucky bastard!" bulong niyang rinig ko naman. "Bakit ka ba niya sinasayang?"

Tipid ko lamang siyang nginitian. Sa tingin ko'y nakukuha naman niya ang punto ko. I will think of his positive reaction as yes. Although alam kong hindi talaga madali ang lahat, ngunit saan ba may madali? Hindi naman talaga madali ang pag-ibig, iniibig ka man o ikaw lang ang umiibig.


Seducing My Own HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon