Chapter 11

1K 19 0
                                    



Chapter 11

Binalewala



Hindi ko alam kung may mas sasakit pa ba sa nararamdaman ko ngayon. Patuloy ang masaganang pagtulo ng mga luha ko na kahit ang mga paningin ko ay nanlalabo na. Hindi ko na alam. Hindi ko na alam ang mararamdaman ko. I am torn between pressing my palms on my chest to stop my heart from aching or wiping the tears in my eyes... na hindi rin naman nakakapawi sa sakit.

Nawalan na ako ng paki sa mga nakakakita sa akin na parang tangang lumuluha dito ngayon. Kung hindi nga lang ako malulunod kapag umupo ako sa kinaroroonan ngayon ay ginawa ko na. Gusto kong manisi ngunit hindi ko na alam kung kanino. Kung sa kanila bang nagantihan ko kahit papano o sa sariling pinagsisiksikan parin sa kabila ng lahat.

Ngayon ko napagtanto kung gaano kawalang-halaga ang lahat ng pinaggagawa ko sa kanya. Lahat ng panlalaban, panlalandi, at pagpapaka-tanga para lang mapansin niya. Ang hindi niya alam, sa bawat paglabas ko at pagpapakita ng motibo sa kanya, kakaibang kapal ng mukha ang binabaon ko para lang hindi masyadong makaramdam ng hiya kahit sa sarili. Hiyang-hiya ako pero pinipilit kong kapalan ang mukha para lamang mapansin niya.


"Kylie's Cupid's first love. Actually, ang alam ko hanggang ngayon e. You're just a little devil na talagang tinali si Cupid para mapasakanya. Do you think bagay kayo? You're immature. I can consider you as a little child kung hindi ka lang matangkad. Alam ko ang pambubully mo sa mga babae ni Eros. I hope you don't do that to Kylie. Baka ikaw pa ang mapagalitan ni Cupid." muling umalingawngaw sa isipan ko ang sinabi ni Jam ng minsan kaming mapag-iwanan sa Cr.

Hindi ko alam kung bakit niya iyon nagagawa... magpanggap na balewala ang lahat gayong alam kong alam niyang asawa ko na si Eros. Bakit pa ba nila ipinagpipilitan ang sarili sa kanya? Matatanggap ko naman ang pagkakaibigan nila e. Tatanggapin ko. Huwag lang nila akong ganituhin. 'Cause I don't think I deserve this.


Or did I? Parusa ba ito sa sobrang kayabangan ko noon? Pagbabalewala sa mga nanliligaw? Hayaan silang mahirapan sa kakasunod sa akin?

Ayoko lang naman makasakit. Ayokong umasa pa sila sa wala gayong wala akong maibibigay pa sa kanila ng higit pa sa pagkakaibigan.

"Cupid is an almost perfect man. Kaya nga bagay na bagay sila ni Kylie noon e. Gwapo, matalino, at successful sa buhay. Si Kylie nama'y may paninindigan. Siya lang ang naglakas-loob na iwanan si Eros para ipagpatuloy ang pangarap niya sa ibang bansa. At ngayong nagbalik na siya, hindi malabong magbabalik din ang dating sila." dagdag niya pa na halos hindi ko na maunawaan lalo na't agad ko na siyang tinalikuran nun. Hindi ko kayang pakinggan ang mga pinagsasabi niya. Parang sinasabi niya rin kasi na pakawalan ko na si Eros para masolo nila. Akala ba nila ganun nalang kadali 'yon?

Sabagay, wala naman kasi silang ibang inisip kundi ang mga sarili nila. In order for them to stop breaking their hearts, they'll break mine. Kasi wala naman akong halaga sa kanila.


Through my blurry eyes, I see someone's silhouette infront of me. Marahan siyang nagmura bago pinunasan ang mga mata ko. Mararahan ang bawat haplos niya sa pisngi ko na hindi ko maiwasang mas lalong maiyak. Siya na isa sa mga taong binalewala ko noon... ang nandito ngayon para saklolohan ako. How ironic.

Napakagulo ng mundo. Bakit pa kasi tayo nahuhulog kung maling tao? Nilulumot na ba ang pana ni Kupido at panay ang sablay?

"Shhh... pasensya ka na sa kanila. Ako na ang humihingi ng tawad para sa mga nagawa nila sayo." aniya habang inilalagay sa likod ng tainga ko ang mga nakakalat kong buhok. "I'm really sorry, Price. Hindi ko alam na ito ang plano ni Ate ng papuntahin niya ako dito. At hindi ko alam na makakaya niya itong gawin sa ibang tao. Tch, how immature they are..."

Seducing My Own HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon