Chapter 20

1.1K 25 1
                                    




Chapter 20

All Yours



Naguguluhang napatanga ako sa kinatatayuan at tinanaw ang bulto ni Eros na papalayo. Sinalubong siya ni Lucy ngunit agad rin siyang umiwas sa babae at dumiretso sa loob ng hotel. Napatingin sa amin ang babae ngunit nag-iwas na ako ng tingin rito. Lalo na ng makarinig ng tikhim sa gilid ko.


"Hindi mo ba siya susundan? Baka ibang babae ang sumunod sa kanya, magwala ka na naman." sarkastikong sabi ni Steeve sa gilid ko.

"Sorry..." nahihiyang napatingin ako sa kanya.

"For the second time. Tss." aniya at bumuntong-hininga. "Gaga ka talaga. Dinamay mo pa ang kagwapuhan ko sa problema mo. Kung hindi lang yummy 'yang asawa mo..."


"Hindi ko naman kasi inaasahang gagawin niya talaga. Hindi niya ako pinapansin buong maghapon..."

"Kaya mo ako hinalikan? Price, payong kaibigan lang ha. Maliban sa ayoko ng masuntok, ayusin niyo na 'yang problema niyo, please! Ang tagal na niyan. Baka naman 'yan pa ang ikasira ng matagal mo ng pinapangarap. Pinapansin ka na niya. Why don't you try again? Hindi naman masama, sweetheart. Maliban kasi sa nakakasakit talaga ang pag-ibig, hindi mo talaga ito maiiwasan. Baka pagsisihan mo pa ang panahong okay na sana kayo, sinira mo pa. Think twice. Maraming nag-aabang sa paglaya ng asawa mo kaya..." umiling-iling siya sa'kin bago tumalikod. Sinalubong naman agad siya nina Tess at JM na nahahabag rin ang paningin sa'kin. Siguro nakita nila kung anong nangyari.

Napailing-iling ako sa sarili. Ba't ko ba kasi nagawa 'yon? Gusto ko lang namang malaman kung may paki pa siya o sumusuko na talaga siya sa'kin.

Pero may paki parin siya.

Tumakbo ako patungo sa lobby ng hotel. Alam kong hindi siya sa kwarto namin dumiretso kaya tinanong ko pa sa receptionist ang room number niya. Hindi pa nga sana ibibigay kung hindi ko lang sinabing asawa niya ako. Wala akong dalang I.D o ano mang patunay kaya hindi parin sila naniniwala. Gusto muna nilang tumawag sa kwarto ni Eros at magtanong kung totoo ba ang sinasabi ko. Mabuti nalang at dumating sina Tess at pinatunayan naman iyon.

Agad akong dumiretso sa elevator matapos makuha ang room number niya. Hindi ito kalayuan sa room ko at sa katunayan ay iisang floor lang kami. Alam kong ako ang mali ngayon kaya hihingi ako ng tawad sa kanya.


Huminga ng malalim ng tumapat sa kanyang pinto. Ano kayang sasabihin ko? Mapapatawad niya kaya ako? E kasi naman.

Imbes na mag doorbell sa kanya'y dumiretso muna ako sa room ko para makaligo at makapagbihis. Nanlalagkit pa ang pakiramdam ko ngayon dahil sa pagligo sa dagat kanina habang may shoot. Matapos maligo at magbihis ay agad akong nagpahid ng lotion at nag-spray ng pabango sa katawan. Tinali ko rin ang mataas na buhok into a bun upang hindi maging sagabal sa mukha ko. Wearing my thin white silk robe, lumabas ako ng kwarto upang mapuntahan ang room ni Eros.

Hinanda ko ang ngiti kahit na sa totoo lang ay kinakabahan talaga ako. Alam kong galit siya kaya hindi na dapat ako mag-eexpect na pakikisamahan niya ako ng maayos ngayon. And right, sa postura ko ngayon, alam kong iisipin niyang inaakit ko na naman siya. Which is right, by the way. I am his wife yet I still have to seduce him... my husband. Tingnan natin kung uubra ba ngayon.


Handa na sana akong mag-doorbell ng biglang bumukas ang pinto. Nawala ang ngiti sa mukha ko ng mula rito ay lumabas si Lucy na noo'y nakasimangot ngunit noong nakita ako'y agad napangisi. Hindi sinasadyang natingnan ko siya mula ulo hanggang paa. Tanging puting tube-top at shorts ang suot niya na nagpapakita kung gaano siya ka-sexy sa loob ng kanyang pulang silk robe. Para siyang modelo sa FHM.

Seducing My Own HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon