Chapter 28
Hospital
Hindi ko alam kung nakatulog ba si Eros kagabi dahil pagkagising ko, naroon na siya sa harap ng laptop niya, nagkakape habang may kung anong tinitingnan. I bet he alreadly booked us a flight back. Uuwi na talaga kami.
Agad kong inabot ang cellphone sa bedside table at agad nagtipa ng mensahe para kay Steeve.
To Steeve:
Hey, how are you?
Hindi makapaniwalang napatitig ako sa screen ng cellphone ng makapagreply siya agad.
Steeve:
Fine.
"Who are you texting?" kunot noong tanong ni Eros sa akin ng malingunan ako. Agad niyang sinarado ang laptop at lumapit sa'kin. He looked fresh from the bathroom while I'm all a messed in bed. May damit niyang malaki na siguradong siya rin ang nagsuot sa akin, as usual.
Umuga ang kama ng maupo siya rito. Agad naman akong naupo sa kama at napahikab. "Kailangan nating magpaalam kay Steeve."
"Alam na niya." aniya bago lumapit sa'kin at marahang humawak sa panga ko. Agad akong napaliyad at napatitig sa mukha niya. "He called while you're asleep. I told him our unplanned flight back to the Philippines." aniya bago marahang humalik sa panga ko hanggang sa labi. He bit my lower lip gently. "Good morning."
I smiled. "Hmm. Morning." I moaned.
Agad akong nagtaas ng kilay sa kanya ng bigla siyang bumitaw. Himala. Nagkukusa.
"You have to prepare now before I change my mind. Our flight will be three hours from now. We still have to get ourselves to the airport."
"What? Ba't di mo ako ginising?" agad akong napatayo at pumunta sa bathroom. Wala pa kaming kain at pupunta pa kami sa Airport ng Maui, ang pinakamalapit dito. Nung papunta palang kami dito nina Mama A, gumamit kami ng chopper dahil sa Honolulu kami bumaba.
Nagmamadali ako sa pagligo at pag-aayos na kahit pagbo-blower ng buhok ay hindi ko na nagawa ng tama. Sinuklay ko nalang ito habang nakaroba pa. May pagkain ng nakahanda paglabas ko ng bathroom kaya kumain narin kami bago nagbihis. Nasa silid ko na ang isang maleta niya ng matapos ako sa lahat. He's already wearing his grey longsleeve polo, dark pants and his usual boots. While I'm on my halter top and white skinny jeans, ang nag-iisang pantalon na nadala ko. Ang suot kong stilletos ang dahilan kung bakit ngayon ay umaabot ako sa ilong niya kahit sa totoo lang ay hanggang baba niya lang ako.
Hindi paman kami kumakain ng isang oras sa three hours na sinabi niya, bumaba na kami sa lobby ng hotel para makapagcheck-out. Nakahawak ako sa braso ni Eros habang dala niya ang dalawang maleta namin. Marami akong naririnig na nag-uusap tungkol sa nangyari kagabi. Nahuli na raw 'yong suspect ng nagpaputok ng baril at anila'y nanti-trip lang daw. Napangiwi ako. Kung may napatay kaya 'yon, trip parin?
Agad akong lumapit kay Steeve na naghihintay sa amin habang inaasikaso ni Eros ang check-out namin. He looks better now than last night. Bahagyang nagtagal ang mga mata ko sa taong kausap ni Eros ngayon. Gwapo at mukhang kaedad niya lang. Mukhang magkaibigan sila pero hindi ko kilala. Naisip ko tuloy na kahit kailan ay hindi pa ako naipapakilala ni Eros sa mga kaibigan niya. Kaswal lang itong tumango at ngumiti sa'kin ng mapansin ang titig ko sa kanya.
"Mrs. Sierro." aniya na tinanguan ko lang din bago binalingan ang kaibigan.
"Sorry, kailangan na naming umalis." malungkot kong sabi kay Steeve habang yumayakap.
BINABASA MO ANG
Seducing My Own Husband
RomanceDo not ever compare every types of temptation. It's not always a sin, especially if it just means... seducing your own husband. *** Prescilliana 'Price' Alhara-Sierro never wanted anything aside from her husband alone. She can endure anything when i...