Chapter 10

1K 23 2
                                    




Chapter 10



Sorry



Kitang-kita kong natigilan siya. Nag-iwas siya ng tingin at bahagyang kumalma.

"Baka naman kasi crush mo 'yong Macky? Kaya hinahayaan mong hawakan ka?"

"E ano naman ngayon, Eros? Hindi ka naman magseselos di ba?" mahina akong natawa habang pinupunasan ang mga luha. My god! Bakit ba kasi ang bilis kong umiyak eh? The last thing I would want now is to look pathetic in his eyes. Pero wala naman siyang paki di ba? "Wala ka naman sigurong kakilala dito maliban sa kanila para mapahiya kita diba?! Kahit wala naman akong ginagawang masama!"

Naalala ko nung sinundo niya ako sa bar. Nakipagsuntukan pa siya sa kasayaw ko nun. Akala ko kung ano na e. Syempre, umasa rin akong kahit papano'y may halaga rin ako sa kanya. 'Yon pala'y para lang yon sa kapakanan niya. Hindi niya gugustuhing may makakita sa asawa niyang nanlalandi sa iba habang siya'y naglalandi rin. Wow. Nice! Bakit ba kasi hindi nalang siya magpalandi sa'kin e? Isn't that more interesting?

Ramdam kong mas natigilan siya. "Even so! Kasal tayo kaya walang ibang pwedeng humawak sayo kundi ako! Ni hindi nga kita nahahawakan ng ganun!"


Wow. Bahagya akong napahalakhak sa huling nasabi niya. Pakiramdam ko wala na siya sa sarili ng maibulalas yun. Namumula narin ang mukha niya sa iritasyon at galit.

"Problema ko ba 'yon, Eros? Halos ibigay ko na ang kaluluwa ko sayo? Anong ginagawa mo? Ini-etchapwera ako! Binabalewala ako na parang basura lang! Kaya kasalanan ko bang hindi mo ako mahawak-hawakan?"


Mas lalong namula ang tainga niya. Bigla akong nanliit ng makitang ang sama-sama ng tingin niya sa akin. At hindi ako makapaniwalang kahit wala akong ginagawang masama ay ako pa ang kinakabahan sa kanya. Kinakabahan ako dahil ayokong mawala siya. Kinakabahan ako dahil ayokong nagagalit siya. Pero hindi ko mapigilan ang bibig ko.

Nanghihinang napabuntong-hininga ako bago naisipang magpakumbaba. Na naman. "I'm sorry. Hindi na lang ako magpapahawak sa kanya, kung 'yon ang kinagagalit mo."


"You know what? Nevermind! It's not like we're truly happy with this marriage, anyway. Mag-asawa lang naman tayo sa papel. Beyond that, wala na." Tumalikod siya bago muling nahiga para matulog.

Nasasaktan ako, ngunit muli kong binalewala ang lahat. Sanay naman akong nagtatalo kami. Hindi naman ito ang una dahil madalas namin itong nagagawa. Mag-away. Kaya kahit papaano'y nakatulog akong parang wala lang.

Ngunit mas lalong nanlamig si Eros sa akin. Mas cooperative narin siya sa mga pinaggagawa nila ni Kylie at tuluyan ng binalewala ang presensya ko. Kung noon, nakukuha niya pa akong pasulyap-sulyapan habang nagkakatuwaan sila, ngayon hindi na. Halos hindi ko na maramdaman ang presensya niya. Ni sa pagtulog ay hindi ko siya maramdaman. Nauuna akong mahiga pero mas natatagalan sa pagbangon. O kaya'y mas inaagahan niya lang talaga.

"Ahhhhh! Cupid! Baka mahulog ako!" sigaw ni Kylie habang malakas ring tumatawa.


Humalakhak si Eros habang karga-karga si Kylie patungo sa malalim na parte ng dagat. "Huwag ka kasing galaw ng galaw! Hindi naman kita bibitawan e!"


"Ayieee! Don't worry, Kylie! Hindi ka naman pababayaan ni Cupid e! Di ba?" Tumatawang gatong ni Jam.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanila at bahagyang lumayo. Tiningnan ko si Macky na bahagyang sinilip ang mukha ko. Pinakatitigan niya pa ako bago napailing.

"Hay naku..." umiling siya bago inayos ang buhok kong nakakalat sa mukha.

"Wag ka nga..." iwas ko sa kanya bago nagpalakad-lakad.

Seducing My Own HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon