Chapter 40
Chapter 40
Huli
Wala akong nagawa kundi manatili sa bahay. I'm so exhausted of it all. Ayoko na. Ayoko ng umiyak. Kung sila, nakaya nilang ipagpalit ako ng ganun-ganun lang, do they even deserve my tears? I've been nothing but a loyal wife. But this is what I've got.
Kinahapunan ay nagpasya na akong kunin ang mga gamit ko sa bahay ni Eros. Now that he's still in the hospital, mas mabuting kunin ko na ang mga gamit ko ng hindi na namin kailangan pang magtagpo. Pinauwi ko na si Yna kanina kaya wala siya dito ngayon lalo na ng maabutan ko siyang may kausap sa cellphone at mukhang may trabaho pang naaantala dahil sa'kin. Ayaw niya pero pumayag rin kalaunan. She promised to visit me again at night and even invited me to her usual nightouts but I just shrugged it off. Alam ko namang busy na siyang tao ngayon. Unti-unti na niyang tinutupad ang pangarap niya at ayokong maging dahilan ng pagkabigo siya. Si Steeve naman ay dinaanan din ako kanina bago umalis dahil may importanting kakatagpuin.
Honestly, ayoko ng ginagawa nila. Alam kong nag-aalala lang sila pero wala akong sakit for pete's sake! Siguro may malubhang nararamdaman lang... but I know I can do this. Kung kinaya kong magtiis noon, ito pa kaya? I can do this. I keep chanting that myself. Dahil sa totoo lang, hindi ko rin alam kung kaya ko.
Inihatid ako ng personal driver ni Mommy at gusto man niyang magsama ako ng mga tauhan namin, hindi na ako nag-abala pa. Ang kukunin ko lang ay iyong mga kailangan ko talaga. Bahala na silang tumapon sa mga maiiwan ko. Kung pwede nga lang ay hindi na ako pupunta pa dito. But I need my passport with me and some other important stuff. Ayokong magtagal pa doon at iyakan ang mga bagay na pilit na akong tinatapon.
"Hija, baka naman nagpapadalos na naman kayo nito? Hindi na ba talaga ito maaaring pag-usapan?" nag-aalalang sabi ni Manang ng makita akong ipinapasok na sa loob ng dalawang maleta ang mga gamit ko.
Kinuha ko ang ibang tingin ko ay importante at kahit hindi maayos ang pagkakatupi ay agad ko ng nilalagay sa maleta. I separate my accessories, some bags and shoes from my clothes. I'm leaving. Nakapagdesisyon na akong sumama sa pag-alis ni Mommy sa katapusan nitong buwan that will be next week. Kaya deretsong maleta ang dinala ko dito dahil maliban sa hindi ako mahihirapang kargahin, hindi ko narin kailangan pang mag-impake pagdating sa bahay. Aayusin ko nalang.
Hinarap ko si Manang Diyosa na naging kakampi ko rin sa pagtira dito at nginitian. Totoong ngiti kahit na sa pagkakataong ito ay ang hirap nitong gawin. Bahagya ko siyang niyakap ng makitang naiiyak siya at hinaplos ang likod ko.
"I will miss you, Manang Diyosa." emosyonal kong sabi sa kanya.
"Hija, huwag naman kayong magmadali ng ganito. Pag-isipan niyong maigi ang desisyong ito. Baka naman pagsisihan niyo pa ito. Hindi ito magandang desisyon."
Bahagya akong kumalas at pinakatitigan siyang mabuti.
"Pero para sa akin ay ito na ang pinakamagandang desisyon na gagawin ko sa buong buhay ko, Manang. At alam kong alam mo 'yan."
"Hija..." naiiyak niyang sabi habang hinahawakan ang kamay ko. Tuloy ay kitang-kita na ang kulubot niya dahil sa itsura niya ngayon. Bahagya akong natawa.
"Manang, alam mong hindi pwede sa kin ang pangit na itsura." nakangiwi kunwaring sabi ko sa kanya. Bahagya niya namang inayos ang mukha niya habang ngayo'y naiiyak na natatawa. "You should always stay pretty kahit wala na ako dito."
"Araw-araw akong magpapaganda para sayo, hija. Huwag niyo lang gawin ito."
"Gustuhin ko man, Manang, pero hindi na 'yon pwede ngayon." napabuntong-hininga ako. "Kahit mga diyosa, nakakaramdam din ng sakit. Nilabag ko na nga po ang patakaran ng mga magaganda ng maghabol ako sa iisang lalaki, palalalain ko pa ba?" I chuckled playfully even when deep inside, it's hurting.
BINABASA MO ANG
Seducing My Own Husband
RomanceDo not ever compare every types of temptation. It's not always a sin, especially if it just means... seducing your own husband. *** Prescilliana 'Price' Alhara-Sierro never wanted anything aside from her husband alone. She can endure anything when i...