Chapter 13

1K 26 0
                                    


Chapter 13


Hindi




No one can say that you had fall for the wrong guy. Bakit, sila ba si Kupido para sabihing maling tao ang naipana sayo? It's just that, nangyayari ang mga nakatadhana at kasali rito ang pait at kalungkutan.

Naniniwala akong hindi lang tayo iisang beses nahuhulog dahil nangyayari ito ng kusa, ngunit maaari tayong mahulog ng mas malalim pa sa inaasahan natin at 'yon ang pinakamasakit sa lahat.

I have loved Eros dearly but he's not happy with me. Maybe it's time to let go and think of myself first. Mahirap rin kasing mamuhay ng tanga e. Mahirap mamuhay na palaging nasasaktan. Living with laughters behind the pain is not easy that I salute to those persons who overcome it.


I savor my bestfriends' embrace as she welcomed me in her condo unit. Dito ako dumiretso galing airport. Ang bagahe sa aking kamay ay agad niyang kinuha at nilagay sa gilid bago ako pinagmasdan.

"W-What happened? At bakit namamaga 'yang mga mata mo?" agad niyang tanong ng kunin ko ang suot na aviator sa mga mata.

Umupo muna ako sa puti niyang sofa at ipinahinga ang sarili. Nakakapagod. Pagod ako sa lahat. Ang byahe patungo rito ay mas pumagod sa pisikal kong katawan.

"Eros happened. Love happened. Pain happened." simpleng paliwanag ko habang nakapikit.

"What the hell, Price? Ano na namang ginawa niyang asawa mo ngayon?" aniya bago ko naramdamang umupo siya sa gilid ko. "Kilala kita e. Madali ka namang gumagaling sa mga pananakit niya. What happened now?"

Hindi ako sumagot sa kanya kaya nama'y agad siyang nag-conclude sa sarili. Ngunit maya-maya lang, natagpuan ko rin ang sariling sinasabi sa kanya ang mga nangyari sa isla. Mga bagay na hindi ko sinasabi sa kanya tuwing nangangamusta siya. Nang matapos ako ay agad na siyang nagpalatak ng mga salitang halos hindi ko na maintindihan. Halos isigaw niya lahat ng nalalaman niyang mura para lang ilabas ang hinanaing sa sarili. Ngayon naman ay si Eros na ang pinagbubuntungan niya.

"He's no good for you! Masyado ka ng nagpapakababa sa kanya pero anong ginagawa niya? Binabaliwala ka! Pinagbibigyan kita, Price. Tinutulungan pa nga kita di ba? Pero sobra na e! Sobra na siya! Why can't you just leave him alone and make him realize your worth? Kasi hindi lang naman siya ang may dignidad rito e! You have your own too! But I know you had been setting it aside for him! All for him! Kahit para ka lang bahay na inuuwian niya! Mabuti pa nga 'yong bahay at ginagalaw e, e ikaw? Hanggang ngayon, nganga!"

Akala ko wala na akong maiiyak pa, but seeing her, fighting for my happiness is warming my heart again, causing for my tears to fall.

"I can't just let him do this to you, always! Bestfriend kita e! And I know you'd been hurting so bad. Please, Price, for once, think about yourself too! Masyado ka na niyang tinatapak-tapakan kahit alam niya ng nararamdaman mo sa kanya! He's aware, but see? Did he care? Obviously, no! Dahil wala ka dito ngayon at umiiyak kung may paki siya! Dahil dapat siya ang umaalo sayo ngayon kung may paki siya! Dahil hindi ka dapat umiiyak ngayon kung may paki siya!" Galit niyang sigaw. Mas lalo akong napahagulhol. "Wake up, Price... I'm begging you to wake up! Dahil pati ako, nasasaktan na sa panggagago niya sayo!"


Ilang beses siyang umiling, rinig na rinig ang kanyang mabilis na paghinga ngunit pilit niyang kinalma ang sarili bago ako nilapitan at niyakap.

"Peste ka, Eros! To hell with your handsome face! Nobody cares about your yummy abs! Walang lalaki ang nagpapaiyak ng babae ng ganito! Walangya!" malulutong niyang sigaw habang marahang hinahaplos ang likod ko. "Sana nagsabi kang ganun ang nangyayari sayo sa Cebu! Hindi ako magdadalawang isip na tumapak dun at ilunod ang mga hinayupak na mga babaeng yun na for sure ay mga tipaklong naman ang mukha! Panis pa ang ugali! Sila ang tunay na immature! Mukha lang nila ang tumatanda! Mga peste!"

Seducing My Own HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon