Chapter 41

734 22 11
                                    

Chapter 41

Gift

Napangiwi ako sa nakitang picture na sadya atang ipinadala sa'kin ni Yna para mang-inis. It's a picture of Eros and Kylie in a gala where they're both dashing in their evening attire. Naka-pose sila sa picture kung saan maraming media ang kumukuha sa kanila ng litrato. Yna said it could be Kylie that my ex-husband is dating. Sila ang palaging nakikitang magkasama simula noong umalis ako. But I highly doubt it.

Noon kasing mga nakaraan ay may ipinapadala rin siyang litrato na iba-iba ang kasama ni Eros na babae. Ang ipinagtataka ko lang ay kung nasaan na si Lucy. Ba't parang bigla naman ata siyang nawala. Nasan na 'yong ipinagyayabang niya ngayon?

"Kumusta? Okay ba ang ipinadala ko? Ang ganda di ba?" nakangising aniya na ka-FaceTime ko ngayon.

Binitawan ko muna ang lapis at sketchpad na gamit at isinandal ang ulo sa sofa. "Oh, come on, Yna." I rolled my eyes at her. Alam ko naman kasing sarkastiko ang pagkakasabi niya nun. "Hindi mo naman siguro inaasahang makakamove-on ako agad sa kanya diba? I mean, after all those years af silently loving him, are you even serious?"

"Just checking it out, bitch! Alam kong iniiwasan mo na siyang makita pa o mabanggit pero you know what? Mas mabuti kasing alam mo 'yong pakiramdam tuwing nakikita siya e, kung unti-unti mo na bang natatanggap, hindi ka na nasasaktan, kaysa iniiwasan mong makita at magugulat ka nalang 'pag nagkaharap kayo at boom! Bumalik na naman ang lintek na pag-ibig!"

"Why are you even bothering? You should be busy by now. Akala ko ba ayaw mo narin sa kanya para sa'kin?"

Agad siyang nag-iwas ng tingin habang nakangisi. Kibit-balikat niya ring ibinalik kalaunan. "Your Eros seems hotter these days, don't you miss him? I mean, ang mga hawak niya, matatamis na halik, nights of fu--"

"Oh come on, Yna. Aanhin naman 'yang miss na miss na 'yan kung ikaw lang ang nakakaramdam? Might as well ignore it. And besides, I'm busy here."

"Busy? O nagpapakaabala para hindi siya maalala?"

Napabuntong-hininga nalang ako sa kakulitan ni Yna. I miss him, alright. Katotohanan na 'yan na hindi ko pwedeng ipagkaila. Pero ano pang kwenta nito?

"Alam mo bang nasa botique ko sila kanina? Kylie's shopping and Eros is on the sofa, waiting for her. How sweet." she said sarcastically.

"Good for them."

"Oh, really?"

Agad akong nag-iwas ng tingin sa nanunuri niyang mga mata. I sighed.

"Just shut up, Yna."

Ngingisi-ngising nanatili ang tingin niya sa akin na para bang isa akong nakakatuwang bagay na inihahain sa harap niya.

"By the way, I've seen your sketches there! It's all amazing! I mean those rings will really sold out! Gusto ko 'yong rose style e, tingin ko bagay 'yon sa kamay ko." aniya at ipinakita ang kamay.

Akala mo naman may boyfriend.

Bahagya akong napangiti sa kanya. Galing kasi sa rose garden na pinuntahan ko kanina ay nakaisip akong gumawa ng isang engagement ring design. I don't know but all of the sudden, parang nahilig ako sa kaka-sketch ng mga engagement rings. I always feel better whenever I saw my designs that are all perfectly created by my own hands. Siguro dahil kahit kailan ay hindi ako nagkaroon nito at sa kailalim-laliman ng puso ko, gusto ko ring maranasan ang magsuot ng ganun. 'Yong feeling na may nagpropose sayo dahil mahal na mahal ka. Wala kasi akong engagement ring noon dahil maliban sa madalian lang ang pagiging engage namin, wala rin siyang binigay na singsing sa'kin kahit kunwari man lang. Ganun siya kainis sa akin noon na kahit pagpapanggap ay hindi niya magawa. Tanging wedding ring lang na ngayo'y... wala narin sa akin.

Seducing My Own HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon