Chapter 25

843 21 0
                                    


Chapter 25


Gunshot



Natatawang nauna akong lumabas kay Eros sa elevator at agad tumakbo papunta sa sariling suite ko habang nakasunod lang siya sa'kin sa likod. Napapansin ko kasing parang hindi kami makakapunta mamaya sa shore ng 'walang nangyayari.' Sabagay at 'honeymoon' naman namin. I giggled.


Alam kong hindi siya dito dederetso dahil wala naman siyang gamit dito. Nagsisimula na akong maghubad para makaligo ng bigla siyang sumungaw sa may pinto at agad tumaas ang kilay ng makita akong tanging underwear nalang ang suot.


Napatikhim siya at agad nag-iwas ng tingin. "Wait for me here. Sabay tayong bababa." aniya at agad isinarado ang pinto.


Natatawang napailing nalang ako. Ano ba naman 'to. Parati nalang pag kasama ko siya, iba't ibang kababalaghan ang naiisip ko. Pero hindi naman 'yon masama.

Ang sarap lang sa pakiramdam na pinapansin niya na ako ngayon. Dream come true para sa'kin.


Magsho-shower na sana ako ng marinig ang pagtunog ng cellphone ko. Tumatawag si Yna. Agad siyang kumaway ng sagutin ko ang tawag niya. Pero agad ring napangiwi ng makitang nakatwalya lang ako.


"Maliligo ako, bitch!"


"Ayan! Diyan ka magaling ngayon, Price! Nakakalimutan mo na ako! Ano, porke't nandiyan 'yang asawa mo ha? Akala mo di ko alam?" naka-face palm na aniya mula sa kabilang linya.

Natatawang umiling nalang ako.


"Nagtatampo ka na niyan?" tanong ko sa kanya na agad niyang nginusuhan.


"E paano, dumating lang 'yang magaling mong asawa, kinalimutan mo na maski pangungumusta sa'kin! Kung hindi pa ako tumawag ngayon sa cellphone mo dahil hindi ka makontak-kontak sa lappy, hindi ka pa sasagot, bruha ka! Talagang inuuna mong lumandi diyan! Hindi ka naman pinapatulan niyang asawa mo!"

Agad nanliit ang mga mata ko sa huli niyang sinabi. "Opps, mukhang diyan ka nagkakamali, bitch! Mukhang outdated ka na nga, mali-mali na ang nasasagap mo! Luma na 'yan!"


OA agad ang panlalaki ng mga mata niya. Natutop niya pa ang labi na waring hindi makapaniwala sa naririnig sa'kin. "May nangyari na ba?"


Hindi ako sumagot. Nagtaas lamang ako ng kilay sa kanya habang natatawa. Kahit naman sinasabi ko sa kanya ang mga nangyayari sa buhay ko, hindi ko parin maatim na umamin ng ganoon at ikwento sa kanya lahat ng nangyari no. Kahit papano, alam ko kung anong kahulugan ng salitang 'Privacy'.


"OH MY GOD! OH MY GOD! Kaya pala ang busy-busy mo kahit alam kong tapos na naman ang kontrata mo! Ang landi mong bruha ka!" Natatawang aniya mula sa kabilang linya na sinasabayan ko rin mula dito. Ayan tuloy at namiss ko siya lalo na't wala na dito sina JM at Tess para magpaalala sa mga kabulastugan niya. "Nagpapakasarap ka lang pala diyan! Kaya pala kinakalimutan mo na ako!"


"Oh, shut up, Yna. Alam ko namang okay na okay ka lang diyan." natatawang saway ko sa kanya.


"Don't shut me up, bitch! Hindi ka na nagsasabi sa'kin! Kung hindi pa ako tumawag ngayon, hindi mo sasabihin! At talagang tinanggap mo agad 'yang asawa mo ha? Wala man lang galit-galitang nangyari! O nagpakipot ka man lang sana para masuyo ka! Tinanggap mo agad! With arms wide open! Kakaiba ka talaga, Price!"


"E sa hindi ko matiis e! Masisisi mo ba ako?"


"Ang sabihin mo, tigang ka lang talaga kaya ayan! Sinusolo mo na ang asawa mo diyan! Baka naman wala ka ng balak umuwi niyan ha?" nagtaas siya ng kilay at nanunuring pinakatitigan ako.


Seducing My Own HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon