Chapter 49

756 18 5
                                    



Chapter 49

Roses



"Namamaga daw ang pisngi niya, hija. Hindi mo ba muna aakyatin? Masakit daw talaga e," ani Manang na kabababa lang mula sa taas matapos gamutin ang namamaga raw na pisngi ni Eros.





I don't know if I will believe Manang Diyosa now. Isang sampal lang, nasaktan na si Eros? Can you believe that? I didn't even know if I'm that strong for him to react that way.




Pero hindi nga ba malakas 'yon? Sa sobrang taranta ko kasi, hindi ko na maalala kung naging malakas nga 'yon o hindi.





"Are you sure, Manang? G-Ganun ba kalakas 'yon?"




"Masaya akong makita ka uli, hija, at sa nakikita ko..." aniya bago ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang pa.



I awkwardly compose myself before clearing my throat. Simula ng dumating ako dito ay walang ibang ginawa ang mga tao kundi pasadahan ako ng tingin.


"Mukhang maganda ang naging buhay mo sa ibang bansa. Mas lalo kang gumanda at kuminis. Pero hindi ko parin nagustuhan ang nangyari ngayon. Nasaktan mo si Eros. At hindi pa kita naririnig na humingi ng tawad simula kanina."



Seryoso siyang tumitig sa'kin kaya tingin ko'y seryoso nga ito. Hindi ang tipo ni Manang Diyosa ang nakukuha pang magbiro sa ganitong kalagayan. At tsaka noon, nagbibiro lang siya tuwing sumasabay sa mga kalokohan ko. Ngayon tingin ko seryoso talaga siya.




Napatingin ako sa sariling kamay na wala namang bakal pero nakasakit daw. It looks soft and harmless. Sigurado ba si Manang na namaga talaga?




Pero kahit papaano, kahit hindi ako masyadong naniniwala, tinablan parin ako ng konsensya. Pero sa mukha niya lang ha? Sayang naman kasi ang gwapo niyang mukha kung masasayang lang.





"Nasa'n ba siya? P-Pupuntahan ko nalang siya..."



Doon ko lang siya nakitang ngumiti ng tipid. "Alam mo ang kwarto niya lalo na't naging kwarto mo rin 'yon. Nandoon siya at nagpapahinga."



Matapos nun ay iniwan na ako ni Manang para pumunta sa kusina. While here I am, stock where she left me. Napatingin ako sa kahabaan ng hagdan na matagal ko ring hindi nalakaran. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang wedding picture namin sa dulo nito. Malaki 'yon kaya kahit may kalayuan ang kinalalagyan ko ay nakikita parin.


Hindi niya tinanggal? It's been three years! Simula ba noong maghiwalay kami ay hindi niya pa 'yan tinatanggal?


Pano si Kylie? Hindi man lang ba tumutol? Kung nagsasama sila ngayon, hindi man lang ba ito nagpumilit na tanggalin 'yan?



Thinking about Kylie and the kiss Eros and I shared earlier makes me furious. Bakit niya ako hinalikan kung may iba na siya? Walangya ka talaga Eros. At ang tanga ko naman para magpatunaw uli sayo. Tss.




Mabibigat ang mga paang humakbang na ako paakyat. Ayoko ng alalahanin pa ang mga panahon ng pagtira ko dito at naiinis akong ito parin ang gagamitin niyang bahay nila ni Kylie!




Nadatnan ko siya sa malaki niyang kama, nakasandal sa headboard at may laptop sa kandungan. Tila may kung ano pa siyang tinatrabaho pero ng mapansin niya ako ay agad niya itong sinarado para ituon sa akin ang pansin. Sa pisngi niya lang natuon ang pansin ko. It doesn't look hurt like what Manang Diyosa is insisting. And seriously speaking, Eros doesn't look like someone who easily gets hurt. Sa tindig at pangangatawan niya, kahit ako ang sumampal sa kanya ay mas kapani-paniwalang ako pa ang nasaktan sa nagawa ko.




Seducing My Own HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon